Marami tayong nakikitang taong grasa sa kanit anong lugar. Ang ilan sa kanila’y masasabing may problema sa pag-iisip. Samantalang ang iba na...
Marami
tayong nakikitang taong grasa sa kanit anong lugar. Ang ilan sa kanila’y
masasabing may problema sa pag-iisip. Samantalang ang iba nama’y sadyang hindi
talaga pinalad sa buhay.
Matatandaang
isa sa nag-viral sa Facebook na taong grasa ay si Berta. Nakuha niya ang
atensyon ng madla dahil sa kahusayan niya sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Napag-alamang
dating guro si Berta. Ngunit dahil sa pag-ibig, natuto raw siyang magbisyo kaya
siya naligaw ng landas. Dahil sa pagkalulong sa droga at pagmamahal, naibenta
ni Berta ang lahat ng kanyang naipundar at dito na siya iniwan ng kanyang
kasintahan. Dahil dito, siya ay na-depress, nawala sa sarili niyang katinuan,
at naging taong grasa.
Ngunit,
mayroon ding nagmula sa pagiging taong grasa at naambunan ng suwerte na siyang
nagpabago sa kanyang buhay.
Isa
na rito ang taong grasa na si “Arturo.” Wala siyang sariling tirahan kaya
palaboy-laboy lang siya sa lansangan. Nabubuhay si “Arturo” sa pamamagitan ng
panlilimos at kung minsa’y nangangalakal din upang may maipambili ng kanyang
makakain.
Sa
kabila ng nararanasang hirap, hindi niya pa rin nakalilimutang maging
matulungin, lalo na sa mga katulad niya. Kapag may sobra, ibinabahagi niya ito
sa kanila dahil alam niya kung gaano kahirap ang kanilang sitwasyon.
Isang
gabi, habang bumubuhos ang ulan, nakakita si “Arturo” ng isang aso na ginaw na
ginaw. Naawa siya rito at nagdesisyon siyang kupkupin na lang ito. Pinangalanan
niya itong “Bantay.”
Simula
raw noon, lagi nang nakasunod ang aso sa taong grasa. Palagi na rin daw silang
magkasama at tila hindi na mapaghiwalay. Minsan pa nga raw, kahit na hindi na
makakain si “Arturo” basta’t makakain lang si “Bantay” ay ayos na. Gayunpaman,
naging masaya sila sa piling ng isa’t isa.
Nagising,
isang araw, ang taong grasa na wala ang aso. Ilang sandali pa, dumating si
“Bantay” na may kagat-kagat na bag. Nang buksan ni “Arturo” ang bag, nakita
niya ang limpak-limpak na salapi na nasa loob nito.
Dahil
walang palatandaan kung sino ang may-ari ng bag, hindi niya alam kung aangkinin
niya ba ito o isu-surrender sa awtoridad. Sa huli, i-s-in-urrender niya ito sa
mga pulis.
Ayon
sa imbestigasyon, naglalaman ang bag ng P1.2 million. Sinasabi sa isang city
ordinance na kung walang magke-claim ng pera ay mapupunta ito sa taong
nakakita. Makalipas ang ilang buwan, walang natanggap na report ang mga pulis.
Kaya naman, ibinigay nila ang pera kina “Arturo.”
Nang dahil dito, naging maayos na ang buhay niya. Plano niyang makapagpatayo ng maliit na bahay at magkaroon ng tindahan. Binahagian din niya ang kapwa niya taong grasa.
COMMENTS