Nurse na nagka-C0VID-19, pinalayas ng landlady at hindi tinulungan ng nilapitang Barangay

Larawan: Screenshot mula sa ABS-CBN News P inalayas umano ng landlady ng kanyang inuupahan at hindi pa tinulungan ng nilapitang barangay ang...

Larawan: Screenshot mula sa ABS-CBN News


P
inalayas umano ng landlady ng kanyang inuupahan at hindi pa tinulungan ng nilapitang barangay ang isang frontliner na nurse na nagkaroon ng cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0VID-19).

Kamakailan lang, tinulungan ng Philippine Red Cross ang isang nurse na nagpositibo sa v¡rus. Ang nasabing frontliner ay pinalayas umano sa inuupahan nitong tirahan at hindi rin tinulungan ng health center sa pinuntahang niyang barangay.

Sa isang ulat, isinalaysay ni Dr. Zenaida Beltajar ang kaawa-awa at nakapanlulumong sinapit ng medical worker na itinago sa pangalang Gem.

Larawan: Screenshot mula sa ABS-CBN News

Kuwento ni Beltajar, nakita niya ang nurse na nakaupo sa isang bangketa habang bitbit ang kanyang mga gamit. Bago raw matagpuan ng doktor ang babae, nagpalakad-lakad sa lansangan si Gem dahil pinalayas siya ng kanyang landlady matapos niyang ipaalam na dinapuan siya ng sakit.

Larawan: Screenshot mula sa ABS-CBN News

Dahil hindi raw siya makauwi ng Batangas, nagtungo si Gem sa health unit ng Barangay Olympia sa lungsod ng Makati upang humingi ng tulong. Ngunit imbes na tulungan, binigyan lamang daw siya ng contact number na maaaring matawagan kaugnay sa kanyang sitwasyon.

Larawan: Screenshot mula sa ABS-CBN News

Kaya labis na lang ang pasasalamat ng nurse kay Beltajar dahil sa pagligtas nito sa kanyang buhay.

Ani pa ng doktor, “Nanlumo ako no’ng nakita ko siya. Sobrang sakit kasi imagine people who have been working helping other tapos ganoon ang treatment sa nurse na C0VID-19 positive.”

Nasa pangangalaga na ngayon ng Quezon Institute si Gem na tinamaan ng C0VID-19.

Pinaimbestigahan naman kaagad ni Mayor Abby Binay ang nasabing pangyayari lalo na’t mayroong ordinansa sa kanilang siyudad na bawal ang diskriminasyon sa mga medical worker o sinumang dinapuan ng v¡rus.

Pinagpapaliwanag na rin ng lokal na pamahalaan ang sangkot na landlady, mga kawani ng barangay, at maging ang kompanyang pinagtatrabahuan ni Gem.



Source: ABS-CBN News - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Nurse na nagka-C0VID-19, pinalayas ng landlady at hindi tinulungan ng nilapitang Barangay
Nurse na nagka-C0VID-19, pinalayas ng landlady at hindi tinulungan ng nilapitang Barangay
https://1.bp.blogspot.com/-sHC1IniZoRE/Xzb8XbFVW_I/AAAAAAAAPw8/-q1PcHTI_sg9J4OOXv_hZyitiO98ZW4UgCNcBGAsYHQ/d/InkedUntitled%2Bdesign%2B%25281%2529_LI.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-sHC1IniZoRE/Xzb8XbFVW_I/AAAAAAAAPw8/-q1PcHTI_sg9J4OOXv_hZyitiO98ZW4UgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/InkedUntitled%2Bdesign%2B%25281%2529_LI.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/nurse-na-nagka-c0vid-19-pinalayas-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/nurse-na-nagka-c0vid-19-pinalayas-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy