Ostrich na namatay dahil sa stress inadobo na

sinabing niluto ng mga nag-aalaga ang ostrich sa kabila ng utos ng may-ari na si Jonathan Cruz na ilibing na lamang ang hayop.

Mga larawan ay mula sa Facebook


M
atapos makawala at nakatakbo nitong isang araw, namatay na ang isa sa dalawang ostrich – na nakuhanan ng video na tumatakbo sa Quezon City at nag-viral – dahil umano sa stress, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Spokesperson Undersecretary na si Benny Antiporda.

Base pa rin kay Antiporda, sinabi raw ni Jonathan Cruz, ang nagpakilalang may-ari ng mga ostrich, na namatay na ang isa sa mga ito.


Larawan ay mula sa Facebook

Hindi raw titigil ang DENR sa pag-iimbestiga, paniniguro ni Antiporda, hangga’t hindi naipakikita ang bangkay ng naturang hayop.

Nito lamang Agosto 07 ay i-s-in-urrender ni Cruz ang isang ostrich sa DENR at inilagak sa Wildlife Rescue Center upang maalagaan.

Hindi pa rin nakapagpapakita ng permit si Cruz na nagbibigay sa kaniya ng karapatan upang mag-alaga ng kahit anong uri ng wildlife animal.

Magkakasa naman daw ng imbestigasyon ang DENR sa Lunes sa nagpakilalang may-ari, pagtitiyak ni Antiporda. Nais alamin ng nasabing kagawaran kung paano napunta sa Mapayapa Village ang mga hayop, gayong ang address ni Cruz ay sa Balingasa, Quezon City.

Nakatakda na rin daw alamin ng DENR kung paano napunta ang mga nasabing ostrich sa Quezon City; ang permit to transport kasi nito ay mula Misamis patungong Nueva Ecija lamang. Tiniyak din ni Antiporda na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at pananagutin ang sinumang may pagkakamali sa pangyayaring ito.

Sa ulat naman ng GMA News, niluto ng mga caretaker ang ostrich na namatay dahil sa stress. Depensa ng abogado ng may-ari, biktima lang ng pagkakataon ang owner at minahal naman din nito ang ostrich.

Larawan ay mula sa Facebook

Sa ulat ni MJ Geronimo ng Stand For Truth sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles, sinabing niluto ng mga nag-aalaga ang ostrich sa kabila ng utos ng may-ari na si Jonathan Cruz na ilibing na lamang ang hayop.

"May mga salaysay naman 'yung mga tao niya na nanghinayang sila du'n sa karne ng ostrich. Kinain na nila ito. Kinabukasan pagbisita ni Mr. Cruz, balahibo na lang," saad ni Atty. Charlie Pascual, abogado ng may-ari ng ostrich.

Larawan ay mula sa Facebook


Ayon sa DENR, hindi labag sa batas ang pagkain ng karne ng ostrich, pero may problema ang may-ari sa pagkuha sa naturang hayop.




Source: GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ostrich na namatay dahil sa stress inadobo na
Ostrich na namatay dahil sa stress inadobo na
sinabing niluto ng mga nag-aalaga ang ostrich sa kabila ng utos ng may-ari na si Jonathan Cruz na ilibing na lamang ang hayop.
https://1.bp.blogspot.com/-qScIwrpVe0k/XzQH2yClfzI/AAAAAAAAPqE/4HRCsOWJ52kzQmfTqXTkq92h2irhBB0kgCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-qScIwrpVe0k/XzQH2yClfzI/AAAAAAAAPqE/4HRCsOWJ52kzQmfTqXTkq92h2irhBB0kgCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/ostrich-na-namatay-dahil-sa-stress.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/ostrich-na-namatay-dahil-sa-stress.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy