P7 Milyon na pinaghirapan ng isang Senior Citizen sa loob ng 30 taon, tinangay ng umano'y budol-budo

Larawan ay mula sa  thedailysentry N gayong may kinahaharap na pandemya ang lahat ng tao, karamihan sa atin ang nawalan ng hanap-buhay. Kaya...

Larawan ay mula sa thedailysentry


N
gayong may kinahaharap na pandemya ang lahat ng tao, karamihan sa atin ang nawalan ng hanap-buhay. Kaya naman, kanya-kanyang diskarte ang ginagawa ng bawat isa upang kahit papaano’y kumita sa gitna ng krisis.

Sa kabila nito, may ilan pa ring mas pinili na gumawa ng masama at manamantala ng kapwa para lamang may makulimbat na mga bagay.

Sa isang ulat ng “24 Oras,” nawalan ng P7 milyon ang isang 92 taong gulang na senior citizen na si Remedios Buizon na mula sa Balagtas, Bulacan matapos biktimahin ng “budol-budol gang.”

Ngunit agad ding nadakip ang suspek sa entrapment operation na saktong kausap ang matanda, habang hawak ang pera nito.

Nahuli sa isang entrapment operation ang suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol-budol gang na umaaligid sa Bulacan at mga karatig bayan nito.

Ayon sa detalye, nahuli mismo si Jitula sa labas ng isang bangko matapos niyang tanggapin ang pera ng biktimang senior citizen na nag-withdraw sa bangko.

Dagdag pa ng mga pulis, isa ang suspek sa grupong budol-budol na nagsabwatan para tangayin ang mahigit P7 milyon na pinaghirapang ipunin ni Buizon mula sa halos 30 taon niyang pagtatrabaho sa Amerika.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakilala ni Buizon ang mga suspek nang bentahan umano siya ng suspek ng mga home appliances nitong nakaraang buwan.

Mula raw noon, nakuha na ng mga ito ang loob ng matanda at nakipagkaibigan na sila sa biktima. Inalok na ang senior citizen na mag-invest sa mga home appliance gaya ng kanilang ibinebenta.

Pahayag ni Balagtas, Bulacan Chief of Police, Police Major Neil Cruzado, “’Di natin alam kung gaano kagaling ‘yong skill nila sa pag-convince pero na-convince [ang biktma] kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawals.”

Nang makapanayam ang biktima, sinabi niya, “Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo. ‘wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ng tao, may mga walang hiya ngayon… Kay tanda ko na, aagrabyaduhin pa nila. Imbes na tulungan nila. Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan.”

Todo tanggi naman ang nahuling suspek at wala raw siyang kinalaman sa pangyayari.

Nagbabala pa ang pulisya at pinag-iingat ang publiko dahil tumataas umano ang mga ganitong modus sa gitna ng pandemya, sa National Capital Region at mga karatig probinsya.

“Ito po ‘yong way nila para makapasok sa bahay so maging aware po tayo doon, laging i-validate ang mga papapasukin sa kanilang bahay,” payo ni Major Cruzado.

Dagdag pa ni Major Cruzado, maging alisto at matutong mag-validate ng pagkatao o maging mabusisi sa pakikipag-usap sa mga taong hindi kakilala at nag-aalok ng produkto sa kanilang mga pamamahay.



COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: P7 Milyon na pinaghirapan ng isang Senior Citizen sa loob ng 30 taon, tinangay ng umano'y budol-budo
P7 Milyon na pinaghirapan ng isang Senior Citizen sa loob ng 30 taon, tinangay ng umano'y budol-budo
https://1.bp.blogspot.com/-ugZCltrzuIM/X0WGUJ4qvRI/AAAAAAAAQA0/ZMnn1YS3aoUOMUkHCFF17rvrpg7J9KyyACNcBGAsYHQ/d/7%2Bmilyon%2Bng%2Blola%2Bcover.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-ugZCltrzuIM/X0WGUJ4qvRI/AAAAAAAAQA0/ZMnn1YS3aoUOMUkHCFF17rvrpg7J9KyyACNcBGAsYHQ/s72-c-d/7%2Bmilyon%2Bng%2Blola%2Bcover.PNG
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/p7-milyon-na-pinaghirapan-ng-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/p7-milyon-na-pinaghirapan-ng-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy