Willie Revillame vs Pia Ranada.

Hindi nagustuhan ni Willie Revillame ang inilabas na artikulo ng Rappler patungkol sa pagbibigay niya ng tulong pinansyal para sa mga jeepney drivers.

Larawan ay mula sa Google


Hindi nagustuhan ni Willie Revillame ang inilabas na artikulo ng Rappler patungkol sa pagbibigay niya ng tulong pinansyal para sa mga jeepney drivers. Hindi raw siya nagmamayabang at nais niya lamang makatulong.

Ayon kay Revillame, masama raw ang naging pamagat ng artikulo na isinulat ni Pia Ranada para sa Rappler. Ang pamagat ng artikulo ay “Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity, GMA 7 show.”

Larawan ay mula sa Google

Masama raw ang dating nito at wala naman daw ibang intensyon ng host na ang kagustuhan lamang ay makatulong sa mga nangangailangan.

Nangako rin si Revillame na magbibigay ng limang milyon para sa mga nawalan ng hanap-buhay na mga jeepney drivers dahil sa pandemya. Bibigyan din daw niya ng tulong ang mga pamilyang naulila ng mga nasawi sa naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sabi ni Revillame, “Kaya kayo nasasabihang fake news kayo e. Sana sa pagsulat mo alamin mo ang istorya, kaya kayo nasasabihang fake news kayo e. Hindi totoo ang sinasabi mo. Never akong mangha-hijack.”

Larawan ay mula sa pinasbalita


Noong una, tinanggihan niya raw ang imbitasyon ni Secretary Harry Roque dahil iniiwasan niya ang mga ganitong pangyayari. Nang lumaon, napilit din daw siya nito dahil nais daw nitong magpasalamat ng personal.

Ikinalungkot din ni Revillame ang naging reaksiyon at komento ng ibang mga netizens. May nagsasabi kasi na tatakbo siya sa eleksyon kaya siya nagbibigay ng pera. Nagyayabang din daw ang aktor dahil marami siyang pera.

“’Yong 5 million, galing sa sarili ko ‘yon… sh-in-are ko lang naman po ‘yong kakayanan ko at nangako po ako na kung kaya kong tumulong, gagawin ko,” ayon kay Revillame.

Dagdag pa niya, “E para pa hong napasama pa ako sa iba na parang nagbuhat ako ng bangko, parang nagyabang pa ako, hindi ko po maintindihan kung bakit may mga ganyan klaseng tao.”

Sinagot naman ni Ranada sa kanyang Twitter account ang mga naging pahayag ni Revillame. Hindi lang daw naiintihan ng host ang ibig sabihin ng salitang “hijack.”

Larawan ay mula sa pinasbalita


Sabi sa Tweet ni Ranada, “Hi Willie Revillame! Ito po ang ilang mga ibang depinisyon ng ‘hijack’ kung sakaling inaakusahan mo ako ng fake news dahil ang intindi mo sa ‘hijack’ ay pagnakaw ng sasakyan.”

Kalakip ng tweet na ito ang mga litrato ng iba pang kahulugan ng salitang “hijack.”




Source: pinasbalita

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Willie Revillame vs Pia Ranada.
Willie Revillame vs Pia Ranada.
Hindi nagustuhan ni Willie Revillame ang inilabas na artikulo ng Rappler patungkol sa pagbibigay niya ng tulong pinansyal para sa mga jeepney drivers.
https://1.bp.blogspot.com/-ezQcIL5Ikcs/XzXb15-DYRI/AAAAAAAAPu4/dO2OkTQgGBEKgi9Se2rjoubWXilKk3jCgCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign.png
https://1.bp.blogspot.com/-ezQcIL5Ikcs/XzXb15-DYRI/AAAAAAAAPu4/dO2OkTQgGBEKgi9Se2rjoubWXilKk3jCgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/08/willie-revillame-vs-pia-ranada.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/08/willie-revillame-vs-pia-ranada.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy