Anak ni kuya, ibinenta daw ng kanyang Ina sa ibang nanay sa halagang 50K. Alamin ang buong kwento

Source:  Raffy Tulfo in Action   Inirereklamo ng isang lalaki sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang kanyang live-in partner matapos uman...

Source: Raffy Tulfo in Action 



Inirereklamo ng isang lalaki sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang kanyang live-in partner matapos umano nitong ibenta ang kanilang 9-months-old na anak sa tiyahin nito kapalit ang P50,000.

Ayon sa biological father ng bata na si Jed Matucading, pabalik-balik daw sa Makati at Batangas ang kanyang anak. Ang nag-aalaga naman daw sa bata, sa tuwing ito’y nasa Batangas, ay ang pinsan ng kinakasama ni Matucading. Dagdag pa niya, sinabi lang umano ng tiyahin ng kanyang kinakasamang si Nonelyn Alejandro na hihiramin lang ang bata. Subalit sa pagbalik, mayroon na raw dalang pera sina Alejandro at ang ina niya. Ang mga ito ay suspetsa pa lamang ni Matucading.


Nang kausapin naman nila ang kapatid ni Alejandro na si Geralyn Alejandro, sinabi nitong nasa bahay nila ang bata. Pinabulaanan niya ang paratang na ibinenta nila ang bata kapalit ang P50,000. Dinala raw nila ang bata sa kanilang tiyahin “para safe” dahil pareho raw silang nagtatrabaho. Ang nasabi namang pera ay para umano sa down payment sa kanilang bahay. Wala rin daw kasing trabaho si Matucading kaya minabuti na nilang ipaalaga sa kanilang tiyahin.

Giit naman ni Matucading, hindi totoong pambayad sa bahay ang P50,000. Nilinaw naman ni Geralyn na walang trabaho si Alejandro at ang tinutukoy raw niyang kapatid na may trabaho ay ang sumunod sa kanya. Pareho raw na walang trabaho ang mag-live-in partner kaya dinala nila ang bata sa tiyahin nila.

Kinuwestiyon naman ni Raffy Tulfo ang kawalan ng trabaho ni Alejandro dahil may mas oras dapat siyang mag-alaga sa kanyang anak, ngunit bakit pa raw ito dinala sa tiyahin. Sagot naman ni Geralyn, mahilig din daw kasi sa bata ang kanilang tiyahin. Sumama raw noong una si Alejandro sa Batangas, ngunit kalaunan ay bumalik na rin daw sa Maynila upang maghanap ng trabaho.

Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, “Ang nag-iisang karapatan niya [Matucading] lang is magkaroon ng karangalang suportahan yung bata. Dahil first of all dito po sa isang set up kung saan hindi po sila kasal, ang sole custody po ay nalalaglag do’n sa mother. Kahit po acknowledge ng father yung bata, dapat ang bata under the law, mas nararapat po na mapunta sa nanay. So, doon po sa custody, talo po yung complainant natin.

Pangalawa po, about naman sa pagbebenta ng bata. Kailangan rin nating tandaan na if ever true ang pagbebenta ng bata, hindi lang yung pinagbentahan ang makukulong. Kahit po yung nanay na nagbenta, makukulong din. So if ever na gusto ni mister ng custody, ang way niya siguro dito is kasuhan yung nanay na nagbenta, pati yung pinagbentahan upang mapunta po sa kanya yung bata.”

May mga screenshots daw ng chat si Matucading ng mga usapan kung saan aalisin na raw ang apelyido niya sa pangalan ng kanyang anak. Puwede raw itong gawing ebidensya sa korte, ayon kay Atty. Tungol.

Nakasaad sa isang screenshot, “Ne mag desesyon ka na kung dito na si [pangalan] bibigyan kita 150k kasi kung ayaw mo ibalik ko nalang sayo kasi mahirap din na mapapalapit na sa akin at kila adrian at kay uncle mo si baby ,kung pagkakaisipin mo sa panahon ngayon pahirap ng pahirap ang panahon lalo na wla kayo trabaho kasi sila ate mo may mga anak din, si mama mo wla din trabaho yung tatay din ng anak mo wla din trabaho ,ano ba gustohin mo mapunta si baby sa pamilya ng tatay nya na halos wlang wala din ,samantalang sa akin mabigyan ko pa ng magandang kinabukasan anak mo

May human trafficking daw dito, sabi ng abogado. Tila sine-sales talk pa nga raw ang pamilya ng babae para ibigay na ang bata sa kanila.

Kinausap naman nila ang tiyahin na si Emee Villareal Manibale, at sinabi nitong biruan lamang nila ang nasabing chat.  Payo naman sa kanya ni Tulfo, kung talagang mabibigyan daw niya ng magandang buhay ang bata, marapat lang na pumunta sila sa awtoridad at dumaan sa tamang proseso.

Binasa naman ni Tulfo ang iba pang “biro” ni Manibale, “Mag decide ka para yung pera ibibigay ko sayo open kita account atm para doon mo kunin lahat ng pangangailangan mo

Sayang si nene wag mo isipin kahit na sa akin na ito pwede mo naman makita ,nasa maayos kalagayan ang anak mo yan ang isipin mo kahit nasaakin na si baby.

Para di pa start ang pasokan

Mapapaganda pa buhay ng anak mo

Isusumbong naman nila Tulfo ang usaping ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maimbestigahan ang mga tunay na nangyayari.

Source: Raffy Tulfo in Action

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Anak ni kuya, ibinenta daw ng kanyang Ina sa ibang nanay sa halagang 50K. Alamin ang buong kwento
Anak ni kuya, ibinenta daw ng kanyang Ina sa ibang nanay sa halagang 50K. Alamin ang buong kwento
https://1.bp.blogspot.com/-ODA1vFNVoTE/X1kVjFT8E_I/AAAAAAAAQU0/j3t6gpwht9wO-sjhlboV2RHEicXRaDfSQCNcBGAsYHQ/s16000/23.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ODA1vFNVoTE/X1kVjFT8E_I/AAAAAAAAQU0/j3t6gpwht9wO-sjhlboV2RHEicXRaDfSQCNcBGAsYHQ/s72-c/23.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/anak-ni-kuya-ibinenta-daw-ng-kanyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/anak-ni-kuya-ibinenta-daw-ng-kanyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy