Ano nga ba ang nangyayari sa isang youtube channel kapag biglaang pumanaw ang creator nito?

  Source: Google Images May mga YouTube channel na talaga namang sinusubaybayan ng mga manonood. Pero ngayon, sila ay alaala na lamang tulad...

 

Source: Google Images

May mga YouTube channel na talaga namang sinusubaybayan ng mga manonood. Pero ngayon, sila ay alaala na lamang tulad nina Emman Nimedez at Lloyd Cadena.

Matatandaang nagulantang ang buong online community nang pumanaw sina Nimedez at Cadena na isang linggo lamang ang pagitan. Naiwan nila ang milyon-milyon nilang mga tagasuporta na laging updated sa mga video contents na kanilang ginagawa. Nalungkot ang lahat nang malaman nila ang kanilang pagkawala.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, binanggit ang isa sa mga comments sa final video ni Nimedez na nagsasaad ng ganito: “This is no longer a channel. This is a museum of a great person.”

Source: Google Images

Pero ang tanong: magsasara din ba ang “museong” ito? Made-delete rin ba ang kanilang mga videos pagdating ng panahon, dahil sa pagiging “inactive” ng kanilang channel? Ano ba ang nangyayari sa isang YouTube channel kung sakaling sumakabilang-buhay na ang creator nito?

Mayroon daw dalawang option pagdating sa account ng yumao, ayon sa Google.

Pananatilihin daw ng Google ang mga plano ng creator sa kanyang account, kung saan gagamitin nila ang “inactive account manager” feature. Dagdag pa ng Google, ito raw ang “best way for you to let us know who should have access to your information, and whether you want your account to be deleted.”

Ang isa namang option ay ang pagkakaroon ng pamilya ng yumao ng representative “[to] make a request for a deceased person’s account.”

Patungkol naman sa option na ito, sinabi ng Google, “We recognize that many people pass away without leaving clear instructions about how to manage their online accounts.

We can work with immediate family members and representatives to close the account of a deceased person where appropriate. In certain circumstances we may provide content from a deceased user’s account.

In all of these cases, our primary responsibility to keep people’s information secure, safe, and private.

We cannot provide passwords or other login details. Any decision to satisfy a request about a deceased user will be made only after a careful interview.”

Source: Google Images

Tatlong request ang puwedeng magawa: isara ang account ng yumaong user, magpasa ng “request for funds” mula sa user account ng sumakabilang-buhay, at manguha ng data mula sa “deceased user’s account.”

Pumanaw si Nimedez noong Agosto 16, matapos makipaglaban sa sakit na acute myeloid leukemia. Samantala, yumao naman si Cadena noong Setyembre 04. Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng huli ngunit nagdulot ito ng matinding kalungkutan sa lahat.

Marami ang nagbigay ng tribute sa kanya at bumuhos din ang suporta sa kanyang ina. Binigyan ni Cadena ng bahay ang kanyang ina, na dating Overseas Filipino Worker (OFW), bilang isang retirement gift at sa kadahilanang sa iskwater lamang sila nakatira.

Source: Google Images

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ano nga ba ang nangyayari sa isang youtube channel kapag biglaang pumanaw ang creator nito?
Ano nga ba ang nangyayari sa isang youtube channel kapag biglaang pumanaw ang creator nito?
https://1.bp.blogspot.com/-oyvb93amYbA/X1WMJRIv6AI/AAAAAAAAQPM/tRaLU06PAncQryR_-IEw-PsDTDiFGOZPACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-06T212514.874.png
https://1.bp.blogspot.com/-oyvb93amYbA/X1WMJRIv6AI/AAAAAAAAQPM/tRaLU06PAncQryR_-IEw-PsDTDiFGOZPACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-06T212514.874.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/anong-nga-ba-ang-nangyayari-sa-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/anong-nga-ba-ang-nangyayari-sa-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy