Babae, inireklamo ang dating kinakasamang Pulis; tatlong 3 Top PNP Generals inaksyunan dahil sa programang “Raffy Tulfo in Action.” ...................-

July 05, 2020 pa raw hiniram ng dating kinakasamang pulis ni Jona Paula Castro ang kaniyang seven-year old na anak. Subalit hanggang ngayon ay hindi p

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video



July 05, 2020 pa raw hiniram ng dating kinakasamang pulis ni Jona Paula Castro ang kaniyang seven-year old na anak. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ibinabalik sa kaniya. Kaya naman sumangguni na siya sa programang “Raffy Tulfo in Action.”

Si Police Lieutenant Coronel Yahya Bustamante Yusup daw ang dating karelasyon ni Castro, at nakadestino raw ito sa Las Piñas City Police Station at Deputy Chief siya ngayon dito.

Nagkaanak daw sila subalit si Castro na ang nagpalaki dahil nga naghiwalay na sila noon ni Yusup. Subalit noon ngang Hulyo ay nagtungo raw ang pulis na ito sa bahay nila sa Rodriguez, Rizal at “hiniram” ang kanilang anak – ngunit tila “tinangay” na raw niya ito.

Dahil dito’y inilapit ng host na si Raffy Tulfo kay Police Lieutenant General Camilo Cascolan, ang Chief ng Philippine National Police (PNP), ang nasabing insidente. Sinabi naman niyang tutugunan naman daw nila ang kasong ito.

Sa ikalawang bahagi ng istoryang ito, magandang balita agad ang bumungad sa nasabing programa dahil nakuha na raw ni Castro ang kaniyang anak nito lamang gabi ng Linggo, Setyembre 06. Ngunit paano nga ba nila ito nagawa?

Tinawagan daw nilang muli si PNP Chief Gen. Cascolan, kasama ang NCR-PO Chief na si Debold Sinas at ang Regional Director ng CALABARZON na si Vicente Danao.

Sa Cavite raw tumitira ngayon si Yusup; nagbigay raw sa kaniya ng instructions si Gen. Cascolan. Matapos nito’y in-order daw ni Danao na magharap sina Yusup at Castro. Tumangging humarap sa nasabing programa ang inirereklamong pulis at hiniling na lamang na mag-usap sila ng pribado ng kaniyang dating live-in partner. Pagbabahagi pa nga ng reporter ng programa, mula 11 A.M. hanggang 7 P.M. nag-usap ang dalawa.

 “Mabuting-mabuti na po ngayon,” ani Castro nang kumustahin siya ni Tulfo. Masayang-masaya na raw siya dahil sa wakas ay nasa kaniya na muli ang kaniyang anak.

Nang inusisa ni Tulfo kung ano raw ang napag-usapan nila ni Yusup, sinabi niyang humihingi pa raw ito ng palugit na dalawang buwan subalit hindi na raw pumayag pa rito si Castro.

Sa dulo ng programa ay nagpasalamat muli si Castro kay Tulfo. Matapos nito’y pinasalamatan din ni Tulfo ang mga taong naging daan upang makuha muli ng isang ina ang nawalay niyang anak.


Panoorin ang mga video para sa mas detalyadong kweto ng pangyayari:




Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Babae, inireklamo ang dating kinakasamang Pulis; tatlong 3 Top PNP Generals inaksyunan dahil sa programang “Raffy Tulfo in Action.” ...................-
Babae, inireklamo ang dating kinakasamang Pulis; tatlong 3 Top PNP Generals inaksyunan dahil sa programang “Raffy Tulfo in Action.” ...................-
July 05, 2020 pa raw hiniram ng dating kinakasamang pulis ni Jona Paula Castro ang kaniyang seven-year old na anak. Subalit hanggang ngayon ay hindi p
https://1.bp.blogspot.com/-9W0Xue6DHd4/X1m2R4jJCFI/AAAAAAAAQVg/ecMiIUgpEFwuTYjZdavsqks_-dTKYcVtwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25288%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-9W0Xue6DHd4/X1m2R4jJCFI/AAAAAAAAQVg/ecMiIUgpEFwuTYjZdavsqks_-dTKYcVtwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25288%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/babae-inireklamo-ang-dating.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/babae-inireklamo-ang-dating.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy