Babae, nadismaya sa isang tattoo artist sa kinalabasan ng kanyang Kilay

Source: Randy Solteo/Facebook H indi na napigilan ng isang netizen na ilabas sa Facebook ang kanyang sama ng loob at pagkadismaya sa isang l...

Source: Randy Solteo/Facebook

Hindi na napigilan ng isang netizen na ilabas sa Facebook ang kanyang sama ng loob at pagkadismaya sa isang lalaki na nag-tattoo umano ng kanyang kilay.

Pahayag ng nasabing netizen, malaki raw ang kanyang pagsisisi na nagtiwala siya sa umano’y tattoo artist dahil sa hindi magandang resulta nang ginawa nitong permanent tattoo sa kanyang kilay.

Sa kagustuhang magkaroon ng magandang kilay, sinubukan umano ng naturang netizen na magpalagay ng tattoo sa kilay. Base sa mga larawan ng pag-uusap nila ng lalaki, siniguro ng huli na maganda raw ang kalalabasan ng pagta-tattoo nito sa kilay ng nauna.



Subalit napunta sa kahihiyan ang kilay na sana’y maipagmamalaki sa iba. Puro kantyaw umano ang inabot ng netizen dahil sa pina-tattoo niyang kilay.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng netizen ang pagiging makapal ng kanyang “bagong kilay” at hindi pa nga raw pantay. Hindi na nga raw siya lumalabas ng kanilang bahay dahil dito.

Dahil sa hindi kanais-nais na resulta, sinubukan daw niyang kontakin muli ang lalaki para maayos ang kanyang kilay. Sumagot naman ang “tattoo artist” at pinayuhan siyang ipagpatuloy ang paglalagay ng petroleum jelly ang kilay niya upang mabawasan ang kapal ng tattoo.


Hindi pa raw kasi tuluyang gumagaling ang tattoo kaya raw ganoon ito kakapal. Paulit-ulit pa nga raw binanggit ng lalaki na pagkatiwalaan lang siya ng naturang netizen dahil magiging maganda raw ang resulta nito.

Ngunit, ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin umano nawawala ang pagiging makapal ng tattoo sa kilay niya at tila wala nga raw pagbabago.

Katwiran naman ng lalaki, kasalanan din umano ng netizen kung bakit naging makapal ang kanyang pina-tattoo na kilay dahil masyado raw itong malikot noong nilalagyan niya ito ng tattoo.

Sa Facebook post ng netizen, b-in-lock na raw siya ng “tattoo artist.” Obligasyon daw ng lalaki ang nangyari sa kanya kaya wala umano itong karapatang tumakas at magtago mula sa kanya.

Banta pa ng nagpa-tattoo ng kilay, ipahahanap daw niya ang lalaki kapag hindi pa ito nagpakita at ipinaalala niya rin na maaari niya itong idemanda dahil sa kanyang ginawa.

Nag-viral ang nasabing Facebook post at umani ng halos 9000 reacts at mahigit 20,000 shares.


Source: Randy Solteo/Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Babae, nadismaya sa isang tattoo artist sa kinalabasan ng kanyang Kilay
Babae, nadismaya sa isang tattoo artist sa kinalabasan ng kanyang Kilay
https://1.bp.blogspot.com/-Jb3k67OnyDk/X5Hbp-CRAOI/AAAAAAAARbY/xIiXEg6EvyY_vOyyIne_8OXYq00tOjN-QCNcBGAsYHQ/s16000/BEFORE.png
https://1.bp.blogspot.com/-Jb3k67OnyDk/X5Hbp-CRAOI/AAAAAAAARbY/xIiXEg6EvyY_vOyyIne_8OXYq00tOjN-QCNcBGAsYHQ/s72-c/BEFORE.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/babae-nadismaya-sa-isang-tattoo-artist.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/babae-nadismaya-sa-isang-tattoo-artist.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy