Bestfriend, inirereklamo ng kaniyang kaibigan dahil “kabit” daw siya ng ama nito; magiging “stepmom” niya na rin daw dahil buntis na ito!

Nagkaroon lamang ng isang church activity, subalit ibang “activity” yata ang nasalihan ni Tatay at ang bestfriend mismo ng kaniyang anak! ...



Nagkaroon lamang ng isang church activity, subalit ibang “activity” yata ang nasalihan ni Tatay at ang bestfriend mismo ng kaniyang anak!

“ANG REKLAMO”

Sa programang “Raffy Tulfo in Action,” inirereklamo ni Mary KL Lerio ang kaniyang bestfriend na si Jeaneth Salis matapos umano siyang maging kabit ng kaniyang amang si Arian Lerio at magiging stepmom niya na rin daw dahil nabuntis na raw ito.

           Mayroon daw church activity na sinalihan ang pamilya Lerio sa Antipolo, ani ng inang si Mary Ann. Subalit, ibinigay niya ang pagkakataon kay Mary KL na isalaysay ang buong pangyayari sapagkat wala raw siya noon dahil may ipinapagawa nga raw sa kaniya ang kanilang pastor.



           “Halos isang buwan din po kami doon. May sakit po kasi siya sa baga, ‘yong bestfriend ko, may TB po siya. Tapos po ‘yong daddy ko naman, may arthritis. So parang kailangan nilang maglakad ng umaga at saka hapon. Siguro do’n po na-develop ‘yong feelings nila sa isa’t isa – hindi ko po alam,” panimula ni Mary KL.

           Dagdag pa niya, hindi raw sila nakakasama sa dalawa dahil maliban sa hindi naman daw nila kailangan ng “exercise” sa paglalakad, ay tinatamad din daw sila. Subalit, nakahahalata na raw sila, maging ang iba nilang kasama roon, na laging magkasama ang kaniyang ama at ang bestfriend niya.

           “So ang ginawa ko po, isang gabi, siguro mga three weeks na po siguro ‘yon, sinundan ko po sila. Gabi na po ‘yon, matutulog na sana sa van. Nauna na po sila – ‘yong daddy ko at saka po si Jeaneth at saka ‘yong isa ko pong kapatid. Tapos sumunod po ako agad. Tapos pagkabukas ko po ng van, wala po sila. So nagtaka po ako, sabi ko. Tapos nakita ko po ‘yong kotse ng pastor namin na pina-park ng tatay ko. So sabi ko, bakit kailangan pang kasama si Jeaneth doon? ‘Di ba po? Ano’ng meron?”

           Kaya naman, pinasok na raw ni Mary KL ang nasabing van. Nasa driving seat daw ang eight-year-old niyang kapatid habang nagse-cellphone; hindi raw alam ni Mary KL kung bakit nila binigyan ng cellphone ang kaniyang kapatid. Nagtago raw sa likod si Mary KL at sinabihan ang kaniyang kapatid na huwag mag-iingay. Dumating daw sina Arian at Jeaneth at saka raw sila nag-usap; ni hindi raw tini-“Tito” ng kaniyang kaibigan ang kaniyang ama at tila magkaibigan lamang daw sila. Patuloy pa rin daw silang nag-usap hanggang sa nananahimik na raw sila. Pagsilip ni Mary KL, naghahalikan na raw pala silang dalawa – at sa puntong iyon, nagpakita na raw ang dalaga mula sa kaniyang pinagtataguan.

           “Nabulaga mo sila?” tanong ng host na si Raffy Tulfo.

           “Opo, talaga,” sagot naman ni Mary KL.

           Nang makita raw siya ng mga ito, unang lumapit ang ama ni Mary KL sa kaniya at paulit-ulit daw na humingi ito sa kaniya ng tawad. Subalit nagmamadali na raw lumabas ng van ang dalaga dahil hindi na raw siya halos makahinga dahil sa sobrang gulat.

           Subalit nang malapit na raw si Mary KL kay Jeaneth ay tila nandilim na raw talaga ang kaniyang paningin – nasapak na raw niya nang tuluyan ang bestfriend niyang ito. Naiisip daw kasi ni Mary KL na bakit pa raw ang kaniyang tatay ang “pinatulan” ni Jeaneth gayong matanda na ito. Pagbabahagi pa ni Mary KL, may kasintahan daw noon si Jeaneth na hiniwalayan niya bago mangyari ang kaganapang ito.

           “Umalis po muna ako no’n. Nagpalamig po muna ako, tapos iyak po ako ng iyak noon. Tapos kinausap po ako ng tatay ko,” ani ng Mary KL pagkatapos ng insidenteng iyon.

           Nasaktan at tinakot na raw siya ng kaniyang ama. Sinabi raw nitong huwag niyang sasaktan ang kabit nito sapagkat nangako raw siyang poprotektahan niya ito.

           “Bale ang ginawa sa kaniya, Sir – sinulsulan siya ng daddy niya na huwag magsumbong sa akin,” pagsingit naman ng inang si Mary Ann.

            Pagsasalaysay pa ni Mary Ann, ayaw na ayaw raw ni Arian na pinapagamit ng gadgets ang mga anak niya dahil nakasasama raw ito sa mga bata. Subalit, sinasama raw nila ang eight-year-old niyang anak na lalaki at upang hindi raw sila magtaka na may nangyayari na sa kanila ni Jeaneth. Binibigyan daw nila ito ng gadget, pinaglalaro hanggang sa makatulog.

           Minsan daw ay kinausap ni Mary Ann ang anak niyang ito. Tinanong niya kung may napapansin daw ba ito, naririnig o kaya naman ay nakikita sa tuwing nasa loob silang tatlo sa van. Habang nagkukuwento raw ang anak niyang ito ay natatawa siya; ibig sabihin ay may “nangyayari” talaga, sabi ni Mary Ann – dahil sa tuwing naalimpungatan o nagigising daw ang anak niyang ito ay may naririnig siyang mga “tunog”, nararamdamang umuuga ang van, at sinabing ilang beses na raw itong nangyari.

           “Actually, sinumbong ko sila sa pastor namin, sa asawa pala ng pastor namin,” pag-amin ni Mary Ann. Sinabihan na raw sila na huwag nang ituloy dahil magulo at hindi raw maganda.

           “Akala naman ng mga anak ko, akala ko rin po, tapos na. Huminto na. Pero pagdating dito sa Maynila, tuloy pa rin po pala sila.”

           Pagbalik daw kasi nila ng Maynila, may araw na nag-inuman sina Arian at ang ama ni Jeaneth. Matapos daw nito’y inihatid ni Arian ang ama ni Jeaneth sa bahay nito na malapit lamang daw sa kanilang bahay. Ang paghahatid daw na ito ni Arian ay hindi niya kailanman ginagawa noon. Halos tatlong araw din daw na nangyari ang kaganapang ito.

           Pagsapit ng ika-apat na araw, nakaramdam na raw si Mary Ann. Kaya naman, sinundan niya si Arian bandang ala-una ng madaling araw. Doon na raw nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil nakaramdam na raw siya ng kakaiba. Magkaharap daw sina Arian at Jeaneth, habang nakatayo lamang sa gilid ang ama ng dalaga – masaya pa nga raw silang nag-uusap. Ibig sabihin, sabi ni Mary Ann, alam ng ama ni Jeaneth na may nangyayari sa pagitan nila ni Arian at tila kinonsente pa ang relasyon ng dalawa.

           Ikinapanting daw ng kaniyang tainga ang mga pahayag na sinabi ni Arian sa kaniya matapos daw siyang “sugurin” nito sa bahay nina Jeaneth: “Huwag mo nang uulitin ‘yon.”

           Ikinuwento raw ito ni Mary Ann sa anak niyang si Mary KL. Sinabi niyang nagseselos daw siya dahil tila nakararamdam daw siya ng hindi maganda. Sa pagkakataong ito, isinumbong na rin daw ni Mary KL sa kaniyang ina ang natuklasan nila noon sa Antipolo. Dahil daw rito, tuluyan na ngang kinumpronta ni Mary Ann si Arian. Nagalit daw talaga siya sa asawa.

           Nang tinanong na ni Tulfo kung ano ang nais na mangyari ngayon ni Mary Ann, gusto niya raw sanang makulong ang “kabit” at ang asawa nito.



“MGA KASO”

Sumangguni namang muli si Tulfo kay Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff ni Representative Jocelyn P. Tulfo ng “ACT-CIS Partylist” tungkol sa mga kasong maaaring ipataw laban kina Arian at Jeaneth.

           Dahil nga na-involve ang batang anak ni Mary Ann, at magdadalawang buwang buntis na rin daw si Jeaneth subalit wala raw sustentong natatanggap mula kay Arian, ano raw ang maaaring ikaso sa kanila?

           “First of all, tingnan po natin ‘yong pinaka-karumal-dumal na aktong kaniyang ginagawa, ‘no? First, ‘andiyan po ‘yong concubinage. Bale hindi po natin maitatanggi na kasal po ‘tong lalaki, at nakikipagsiping siya sa ibang babae. So do’n pa lang po, automatically, may pagkakakulong na siyang haharapin.

           Pangalawa po, kailangan po nating tandain ‘yong violence against women and children dahil ‘yong epekto po nito na kaniyang ginagawa, dahil kaibigan ng anak niya ang kaniyang kinakabit. So, meron po ‘tong malupit na emotional and psychological effect laban do’n sa bata po. Dahil never mong i-e-expect na ang sarili mong tatay, ang papatulan niya po ay kabarkada ni’yo. So, napakamasama po ‘yon at mayroon po ‘yong epekto na punishable under violence against women and children act.

           And third po, dahil pinakita pa po nila itong kanilang ginagawa doon sa mas bata pa po nilang kapatid, na nine years old ang pagkakarinig ko, meron ring child abuse dito. So, meron po tayong ang minimum of three cases, Sir Raffy.”



           Pasok din daw sa ilalim ng violence against women and children for economic abuse ang hindi pagsuporta ni Arian sa ipinagbubuntis ngayon ni Jeaneth. Tatandaan din daw na kasali rin dito ang emotional and psychological abuse na naidulot sa kaniyang anak na si Mary KL.

           Bale limang kaso raw ang kahaharapin kung saka-sakali ni Arian: concubinage, three counts of violence against women and children (kawalan ng sustento, emotional abuse, at psychological abuse), at child abuse.

           Kung si Tungol naman daw ang mang-uusig sa nasabing kaso, gagawin niyang “accomplice” si Jeaneth sa nasabing limang kaso.

           Dagdag naman ni Mary Ann, may mga video pa raw na nagpapatunay na sinasaktan ni Arian ang kaniyang mga anak. Sabi naman ni Tulfo, kasama na rin daw ito sa “child abuse” kaya naman magiging “two counts of child abuse” na ito laban kay Arian.

           Nang tinanong muli ni Tulfo ang mag-inang nagrereklamo kung itutuloy pa rin daw ba nila ang kaso o kung madaan pa sa usapan, ani ni Mary Ann:

           “Actually limang buwan na po kaming ganito. Pinagbigyan ko na po sila. May, June, July – pumayag na ako sa relasyon na ‘yan. Tatlong araw sa kabit, apat na araw sa’kin kasi lagi po niya akong bina-blackmail na iiwan niya ako dahil that time, mahal na mahal ko siya. Pero hindi po maganda ang trato sa akin.”

           Inamin ni Mary Ann na nagpaka-“martyr” daw siya noong mga panahong iyon. Sinangguni ito ni Tulfo kay Tungol at tinanong kung maaari raw ba itong ilaban kina Mary Ann. Sinabi ni Tungol na ilalaban at ilalaban daw nila ito sa kanila; subalit mas matibay raw ang kaso laban kay Arian sapagkat malinaw daw na ginawa lang ni Mary Ann ang “kasunduang” iyon dahil sa kaniyang pagtitiis sa asawa at hindi ang pagpayag nitong magkaroon ng kabit.

           Dagdag pa ng ina, binantaan pa raw ni Arian na “ihihiwalay ang ulo” ni Mary KL sa katawan nito kung magsusumbong sa kaniya. Tinanong muli ni Tulfo si Tungol kung “grave threat” ang tawag dito at kinumpirma nga ito ng abogado – “another count” daw ito ng violence against women and children at “separate” pang kaso ng “grave threat.”

           Sinusubukang tawagan ng nasabing programa ang panig nina Arian at Jeaneth subalit hindi sila sumasagot.

           Nang hiningi ni Tulfo kung ano ang mensahe ng mag-ina kina Arian at Jeaneth, walang masabi ang dalawa at tila nahihiya. Humanga rito si Tulfo at sinabing, “Kung sino pa ‘yong legit, sila pa ‘yong nahihiya.”

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Bestfriend, inirereklamo ng kaniyang kaibigan dahil “kabit” daw siya ng ama nito; magiging “stepmom” niya na rin daw dahil buntis na ito!
Bestfriend, inirereklamo ng kaniyang kaibigan dahil “kabit” daw siya ng ama nito; magiging “stepmom” niya na rin daw dahil buntis na ito!
https://1.bp.blogspot.com/-DYeD-YWRItw/X1AIWEOVZTI/AAAAAAAAQMI/AEDTglPJCtMM46ganyRyL3ZmFmM67psrwCNcBGAsYHQ/s16000/117111079_2429347347366775_8085137683449301447_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-DYeD-YWRItw/X1AIWEOVZTI/AAAAAAAAQMI/AEDTglPJCtMM46ganyRyL3ZmFmM67psrwCNcBGAsYHQ/s72-c/117111079_2429347347366775_8085137683449301447_n.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/bestfriend-inirereklamo-ng-kaniyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/bestfriend-inirereklamo-ng-kaniyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy