China at Tim Sawyer napag-ayos ni Tulfo.

Larawan: Screenshot mula sa mga Youtube Video H umingi ng public apology mula kay China Roces ang vlogger na si Tria Valentina Urbano mata...

Larawan: Screenshot mula sa mga Youtube Video




Humingi ng public apology mula kay China Roces ang vlogger na si Tria Valentina Urbano matapos umano siyang madawit sa away nina Roces at Tim Sawyer, sa isang live video, sa programang “Raffy Tulfo in Action.”

Larawan: Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel


Nag-sorry lamang daw si Roces kay Urbano nang sinabi ng huli na magte-“take” na lamang siya ng legal action kapag hindi i-d-in-elete ng nauna ang nasabing video.

Ayon naman kay Roces, galit siya kay Sawyer at hindi kay Urbano.

Tria, and sa family ni Tria, pasensya na po kayo. Sorry po sa inyo, sa malaking abala na nangyari. Wala po akong intensyon na masama, hindi ko rin po talaga pinag-isipan si Tria ng masama. Ang akin lang po, kay Tim lang po talaga ako galit no’n. humihingi po ako ng sorry sa inyo,” ani Roces.

Hiniling naman ni Urbano na sana ay magaka-ayos na ang dalawa.

Nang si Sawyer na ang kinausap ni Raffy Tulfo, kinumusta ng huli kung ano na nga ba ang lagay ng relasyon nilang dalawa ni Roces. Sinabi ni Sawyer na hindi pa sila nagkaka-usap.

Binanggit pa ni Tulfo na dina-draft na raw ng kanilang mga lawyers ang request na 50-50 ang magiging hatian ng dalawa sa kita.

Sunod namang kinumusta ni Tulfo ang anak nilang dalawa at sinabi ni Roces na ayos lang naman daw ito. Umalis pa raw muna sila sa bahay nila ni Sawyer.

Tanong naman ni Tulfo, “Wala na bang pag-asa na kayo po’y magkabalikan, magka-ayos? Kasi sa kabilang banda, marami din kayong fans na gustong, sana magkabalikan na lang daw kayo at magka-ayos na lang kayo. Wala na bang pag-asa?”

May pag-asa naman daw na magka-ayos sila, sabi ni Roces, dahil gusto raw niya na may lalakihang pamilya ang anak nila. Nakita nga raw niya kay Sawyer na siya na ang magiging katuwang niya. Sumama lang daw ang kanyang loob dito noong panahong tila kinalimutan na sila nito.

Larawan ay mula sa Google

Nang tinanong naman si Sawyer kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan ni Roces, “Wala naman talaga akong problema kay China, Sir. Hindi ko lang alam, kasi siya lang naman ‘yong palaging galit. So ang makakasagot niyan Sir, siya lang talaga.”

Napabulalas si Tulfo ng “O ‘yon pala. Mukhang malapit-lapit na tayo.” Pinayuhan din niya si Roces na ayos lang na maging selosa pero dapat daw itong iayon sa lugar. Sana’y intindihin niya rin ang sitwasyon ni Sawyer. Dagdag pa ni Tulfo, mahalaga talaga sa isang relasyon ang tiwala.

Sinabi pa ni Sawyer na si Roces daw ang nagbigay ng project na mag-collab sila ni Urbano. Kaya laking pagtataka niya kung bakit ito nagselos noon. Para sa kanya, trabaho lamang ang ginawa nila ni Urbano.

Larawan: Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

Nang magkaayos, sinabi ni Sawyer kay Roces, “Sana baby, magbago ka na talaga. Sana maging lesson din ‘to para sa’ting dalawa.

Baby sana kung alam mo ‘yong ginawa mo sa’kin no’ng 22 days mo akong pinaiyak, sana hindi mo na pinaabot sa gano’n. sana alam mo, may karapatan ako; ituring mo akong asawa, ituring mo akong ina ng anak mo. Huwag mo akong ituring na ibang tao,” ani naman Roces para kay Sawyer.

          Natatawa namang binanggit ni Sawyer ang mga katagang “Baby, I love you baby.”

          Lumabas naman ang ngiti ni Roces at sumagot nang “I love you too.”

          Pumalakpak naman sina Tulfo at pinalakasan pa ang background music na nagdadala ng kilig sa lahat.

          Alam mo, maraming kinilig na mga netizen, maraming natuwa. Pati po kami rito, tuwang-tuwa, napag-ayos naming sila,” pagbabahagi ni Tulfo.

          Nagpasalamat naman ang dalawa dahil sila’y nagkaayos na. Natuwa rin si Urbano sa naging resulta ng pag-aayos nina Sawyer at Roces.





Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: China at Tim Sawyer napag-ayos ni Tulfo.
China at Tim Sawyer napag-ayos ni Tulfo.
https://1.bp.blogspot.com/-zqdtKSwFr1w/X1X3hmHGUdI/AAAAAAAAQTQ/rjP4pJB3OjEevCUt4XxKorpZB_icxNsRgCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-zqdtKSwFr1w/X1X3hmHGUdI/AAAAAAAAQTQ/rjP4pJB3OjEevCUt4XxKorpZB_icxNsRgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/china-at-tim-sawyer-napag-ayos-ni-tulfo.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/china-at-tim-sawyer-napag-ayos-ni-tulfo.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy