Dating Archbisop ng Lipa sinabing hindi na kailangan ng Face mask, Shield at Social Distancing dahil mahal tayo ng Diyos.

  Source: News5 Naging kontrobersiyal ang pahayag ni Most Rev. Ramon Arguelles, Former Archbishop ng Lipa, Batangas, sa kaniyang homily sa i...

 

Source: News5

Naging kontrobersiyal ang pahayag ni Most Rev. Ramon Arguelles, Former Archbishop ng Lipa, Batangas, sa kaniyang homily sa isang misa sa Parish and National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, nito lamang Miyerkules, matapos niyang sabihing hindi na kailangang magsuot ng mga tao ng face masks at face shields, at hindi na rin dapat sundin ang social distancing ngayong may COVID-19 pandemic – sapagkat mahal daw ng Diyos ang Kaniyang mga tao.

           Ani Arguelles, “Tayo din naman ay mamamatay. Pero hindi kamatayan ‘yan, mapupunta tayo sa walang hanggan. Pero kung nagtutulungan tayo, nagmamahalan tayo, gumawa nang mabuti, hindi na kailangan ng mask. Hindi na kailangan ng face shield, hindi na kailangan ng distancing. Bakit? Mahal tayo ng Diyos at mahal natin siya, at mahal natin ang isa’t isa. We will only do good.

           Subalit sa press briefing na nangyari noong Huwebes, kinontra ng Palasyo ang naging pahayag ni Arguelles. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Well, una po kay Bishop: Sir, I hope we speak to our roles in society.” Dagdag pa ni Roque, dapat daw ay gamitin ni Arguelles ang kaniyang impluwensiya upang makatulong sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

           “Ang mga bishops po kinakailangan sa pananampalataya lang ng tao. Pero napatunayan na po ng siyensiya at ng mga doktor na napaka-epektibo po ng pagsusuot ng face mask para maiwasan po ang COVID. Sana po gamitin na lang natin ang impluwensiya natin sa lipunan para tulungan iyong bayan na mabawasan ang kaso ng COVID.

           Muli ring hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na gawin ang “minimum health standards” gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, at ang pagsasagawa ng physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

           Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

           “Science vs Religion

           “With due respect po! Hindi po ako sang ayon sainyo kahit wala sa simbahan pwede po magdasal sa bahay at humingi ng gabay.. Virus po ito na gawa ng may virus na utak iba po nuon iba po ngayon.

           “The views and opinions of Most Rev. Arguelles do not reflect the views and opinions of the whole Catholic Church. Please be reminded.

           “Hindi po biro ang magka covid kaya kailangan natin ang proteksyon laban dito gaya ng mask, face shield, alcohol, social di[s]tancing at ang pinakamalakas nating sandata ay dasal.

Source: News5

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dating Archbisop ng Lipa sinabing hindi na kailangan ng Face mask, Shield at Social Distancing dahil mahal tayo ng Diyos.
Dating Archbisop ng Lipa sinabing hindi na kailangan ng Face mask, Shield at Social Distancing dahil mahal tayo ng Diyos.
https://1.bp.blogspot.com/-XK_4R2waFZY/X22IkN4PqvI/AAAAAAAAQtk/EhN1Q__Cho0qk4QnXK-zs_r1C2QmQKCkgCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-25T020437.865.png
https://1.bp.blogspot.com/-XK_4R2waFZY/X22IkN4PqvI/AAAAAAAAQtk/EhN1Q__Cho0qk4QnXK-zs_r1C2QmQKCkgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-25T020437.865.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/dating-archbisop-ng-lipa-sinabing-hindi.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/dating-archbisop-ng-lipa-sinabing-hindi.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy