Ginang na naglalaba nang walang Face Mask sa sariling Bakuran, Pinagmumulta ng P1k; Netizens, Humingi ng tulong Kay “Idol” Raffy Tulfo

Viral ngayon sa social media ang video na kung saan pinagmumulta ng P1,000 ang isang aleng naglalaba nang walang suot na face mask sa kaniya...



Viral ngayon sa social media ang video na kung saan pinagmumulta ng P1,000 ang isang aleng naglalaba nang walang suot na face mask sa kaniyang sariling bakuran. At sa katunayan ay umabot na nga ito sa programang “Raffy Tulfo in Action.”

           Unang pinakinggan ang panig ni Dina Mapayo, ang aleng hinuli dahil nga naglalaba raw ng walang suot na face mask. Pilit daw kasing kinukuha ang pangalan niya ng mga nangsita sa kaniya subalit tumanggi siyang ibigay ito sapagkat nasa bakuran lang naman daw siya. Bago dumating ang mga ito, si Mapayo lamang daw ang naroroon at kaya lamang daw siya naglalaba sa bakuran ay dahil wala siyang lugar na mapaglabahan sa loob ng kanilang bahay.


           Pinaliwanag naman daw ito ni Mapayo subalit nang tinanong kung ano ang naging sagot nila, aniya, “Sabi nila, ‘O, tumingala ka sa langit kung nasaan ka.’”

            Kaya raw ito sinabi ng taga-city hall ay dahil daw nasa labas ng bakuran si Mapayo. Kailangan daw magsuot ng face mask at kaya “pinapatingala” raw siya sa langit.

           Pagkatapos nito’y nakiusap ang host na si Raffy Tulfo kung maaari daw ba niyang ipakita ang kaniyang tahanan. Pumayag naman dito si Mapayo at saka ipinasilip ang kaniyang puwesto noong nangyari ang viral video.

           Sa harap mismo ng pintuan ng bahay nila ang puwesto raw noon ni Mapayo habang naglalaba. Ipinakita niya rin kung hanggang saan ang kaniyang bakuran at nakita ngang malayo naman ito mula sa maraming tao.

           Nagkakahalaga raw ng P1,000 ang iti-ticket kay Mapayo; subalit kulang daw ito upang mabayaran ng isang labanderang tulad niya sapagkat dumedepende raw ito – minsan daw ay P300 o kaya ay P400.

           Hindi raw natuloy ang pangti-ticket na ito sapagkat hindi raw sumama si Mapayo; pinanindigan daw niyang hindi siya ang mali.

           Subalit kaya raw napahingi na ng tulong si Mapayo kay Tulfo ay dahil daw bibigyan na raw siya ng subpoena ng mga sumita sa kaniya.

           Tinawagan ng programa si Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Ricojudge Echiverri. Sinabi niyang pinaalalahanan na lamang sana si Mapayo na magsuot ng face mask kapag lalabas siya ng bahay. Lagpas-tao rin naman daw ang bakod ng labandera kaya ayos lang naman daw ito. Hindi na raw siya kailangan pang ticket-an, bigyan ng subpoena o imbitahan sa barangay. Ayon pa kay Echiverri, hindi naman daw niya nakikitaan ng risk ang pangyayari dahil nga nasa loob si Mapayo ng kaniyang bakuran.


           Matapos nito’y sinabi ni Tulfo na tutulungan nila si Mapayo upang maayos na ang nasabing pangyayari; pinayuhan pa nga nitong huwag ng sumipot ang labandera sa pagpapatawag ng barangay sa kaniya. Sina Tulfo na raw ang gagawa ng paraan upang maayos ito.

           At bilang tulong na rin sa pamilya ni Mapayo at paghanaga sa kaniya sa pagiging madiskarteng ina, bibigyan na rin daw sila ni Tulfo ng mga groceries at ng P10,000.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Ginang na naglalaba nang walang Face Mask sa sariling Bakuran, Pinagmumulta ng P1k; Netizens, Humingi ng tulong Kay “Idol” Raffy Tulfo
Ginang na naglalaba nang walang Face Mask sa sariling Bakuran, Pinagmumulta ng P1k; Netizens, Humingi ng tulong Kay “Idol” Raffy Tulfo
https://1.bp.blogspot.com/-JX7gThfOz-Y/X2W6XVTDQeI/AAAAAAAAQns/ArJiHD83OGUyxSGkgt0OZ0IMcvrx0O-SACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-19T035907.516.png
https://1.bp.blogspot.com/-JX7gThfOz-Y/X2W6XVTDQeI/AAAAAAAAQns/ArJiHD83OGUyxSGkgt0OZ0IMcvrx0O-SACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-19T035907.516.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/ginang-na-naglalaba-nang-walang-face.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/ginang-na-naglalaba-nang-walang-face.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy