Isang Menor de edad na estudyante, Pinagtripan ng mga magkakaibigan at nabuntis. Ina humingi ng tulong kay idol Raffy

Source: Raffy Tulfo in Action Inireklamo ni “Nanay Rosita” sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang apat na kalalakihang nanggahasa sa meno...

Source: Raffy Tulfo in Action


Inireklamo ni “Nanay Rosita” sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang apat na kalalakihang nanggahasa sa menor de edad niyang anak; ang masama pa nito’y nagdadalang-tao na ngayon ang kaniyang anak na si “She.”

           Inilapit na raw ito ni “Nanay Rosita” sa women and children’s desk. Subalit sa barangay raw ay pinag-aayos lamang sila sa mga suspek. Marami raw ang nagsasabing dapat daw ay diniretso na ito ni Nanay sa mga pulis upang masampahan ng kaso subalit hinihingi naman daw ng mga pulis ang salaysay nila mula sa barangay.

           “Parang pinababalik-balik lang po kami.”

           Noong February 03 raw na-“gang rape” ang anak ni “Nanay Rosita.” Ngayon-ngayon lamang daw niya nagawang magsumbong sapagkat ngayon niya lamang nalaman na buntis na ang kaniyang anak at nagkaroon pa raw ito ng trauma. Apat ang kinilalang mga suspek sa katauhan nina: Billy Perez, Jayson Reyta, Junior Gordola at Arvin Ace Buche. Nang una raw silang nagharap, sinabi nilang mga menor daw sila; subalit napag-alaman daw ni “Nanay Rosita” na 19 pataas na ang mga suspek.


           Samantala, ayon kay Barangay Secretary Rizalino Layco ng Barangay Plaza Aldea sa Tanay, Rizal, pinag-aayos daw nila ang mga sangkot sa pangyayaring ito dahil nga ayon sa kaniyang narinig na salaysay ng ina – nagtutungo sila sa pulisya subalit sinasabing magtungo muna sa barangay.

           Dagdag pa ni Layco, mayroon na raw napagkasunduan ang magkabilang kampo na kapag nanganak na raw ang biktima, request ng mga suspek na ipa-“DNA test” ang bata – kung kanino raw ito magtutugma, siya lamang daw ang malalagot.

           Tinawagan na rin ng programa si P/Lt. Col. Rolando Baula, ang Chief of Police ng Tanay, Rizal. Humingi na sila rito ng tulong upang makilala ang pulis na nakausap ni “Nanay Rosita” noong Hulyo tungkol sa nangyari sa kaniyang anak.


           Inilarawan naman ito ng nagrereklamong ina bilang “matangkad na maitim.” Ani naman ni Baula, may dalawa raw silang pulis na tumutugma sa deskripsyon ni “Nanay Rosita.” Sabi naman ng programa, sasamahan daw nila ang naturang nanay sa police station upang i-identify ang nasabing pulis – pagbabahagi pa ni “Nanay Rosita,” sinabi niya raw rito na apat ang suspek sa panghahalay sa kaniyang anak subalit sagot daw nito, hindi raw puwedeng “apat” ang suspek sa isang “gang rape.”

           Pinipilit daw ni “Nanay Rosita” na kaya nga raw “gang rape” ay dahil marami ang nanggahasa sa anak niya, subalit pinipilit daw ng pulis na ito na iisa lamang. Hindi na raw sumagot pa si “Nanay Rosita” dahil natakot daw siya noon dahil nasa police station daw siya.

           Pagsingit naman ng co-host ni Raffy Tulfo na si Sharee, naikuwento raw ni “Nanay Rosita” na inaako raw ni Reyta ang ipinagbubuntis ng anak niya dahil naiipit na raw siya sapagkat siya ang itinuturo ng tatlo pang suspek.

           Sabi naman ni Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff – Office of Hon. Jocelyn P. Tulfo ng ACT-CIS Partylist, maaari raw makasuhan ang pulis na nakausap ni “Nanay Rosita” ng “gross negligence and incompetence” dahil sa kaniyang ginawa. Dapat ding ni-refer na lamang daw ng barangay ang nasabing kaso sa awtoridad sapagkat hindi na raw nila saklaw ang kasong tulad nito. Dapat ay napansin din daw nila agad na ayaw makipag-areglo ng ina ng biktima sa mga suspek at agaran silang ipinunta sa pulisya.


COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang Menor de edad na estudyante, Pinagtripan ng mga magkakaibigan at nabuntis. Ina humingi ng tulong kay idol Raffy
Isang Menor de edad na estudyante, Pinagtripan ng mga magkakaibigan at nabuntis. Ina humingi ng tulong kay idol Raffy
https://1.bp.blogspot.com/-PDoYp7Be9No/X2MDDSVIEsI/AAAAAAAAQjk/XmhBCTsPeysCnZtG-PsrMjE0ZmwCmfViACNcBGAsYHQ/s16000/14.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-PDoYp7Be9No/X2MDDSVIEsI/AAAAAAAAQjk/XmhBCTsPeysCnZtG-PsrMjE0ZmwCmfViACNcBGAsYHQ/s72-c/14.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/isang-menor-de-edad-na-estudyante.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/isang-menor-de-edad-na-estudyante.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy