Joshua Garcia, pumasok na rin sa mundo ng vlogging!

Sa panimula ng video niyang ito, halatang tila naninibago pa lamang si Garcia sa kung paano “gagalaw” sa harap ng kamera. Sa kaniyang intro, ilang uli

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


Pumasok na nga sa mundo ng pag-va-vlog ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Sa kaniyang YouTube channel, inilunsad niya ang kaniyang kauna-unahang vlog noong Agosto 24, 2020.

Sa panimula ng video niyang ito, halatang tila naninibago pa lamang si Garcia sa kung paano “gagalaw” sa harap ng kamera. Sa kaniyang intro, ilang ulit siyang nagpalit ng puwesto at nag-iba ng mga “spiels” o ng sasabihin. Literal na nag-tumbling na siya’t lahat ay hindi pa rin niya nakukuha ang nais na kalalabasan ng kaniyang intro.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


“Hindi magwo-work ‘to. Panoorin niyo na lang ‘yong clip,” natatawang ani na lamang ni Garcia.

Makikitang magkatabi sina Garcia at ang kapatid niyang si Renza habang katawag ang aktres na si Julia Barretto. Naka-loud speaker ang aktres at una niyang “hinulaan” si Renza.

“Sabi niya, meron daw people sa work environment mo na two-faced,” ani Barretto.

“Hala, parang kilala ko na agad,” sabi naman ni Renza.

Tinanong ni Garcia kung sino ang pumasok sa isip ng kaniyang kapatid subalit tumangging sabihin ito ni Renza. Biniro naman siya ng aktor na masiyado raw siyang “showbiz.”

“Sabi niya, magiging ano ka na daw, financially secure,” pagpapatuloy na panghuhula ni Barretto.

“Ay, wow. Pagka-graduate pa siguro ‘yan,” sabi naman ni Renza.

Marami raw oportunidad ang darating kay Renza, ayon sa hula ni Barretto. Napabulalas na lang ng “thank God” ang kapatid ni Garcia.

Subalit, biro naman ni Garcia sa kaniyang kapatid, “Sabi lang naman ‘yon. Huwag kang mag-rely.”

Nang si Garcia na ang huhulaan ni Barretto, umamin ang aktres na kinakabahan daw siya. Sabi naman ng aktor, “Parang ikaw ‘yong huhulaan, ah?”

Sa susunod na bahagi ng video, mababasa na lamang ang mga sumusunod na salita: “‘Di ko na maipapakita pero maganda yung sinabi niya sakin…”

At dahil nga raw “bored” sila ay napagtripan nilang magkapatid ang “Lie Detector Test.”

Unang sumubok si Renza; tinanong siya kung ‘yon daw ba ang kaniyang pangalan at sumagot naman siya ng “Yes” – ilang segundo lamang ang lumipas ay “nakuryente” siya sa nasabing aparato.

Sunod naman ang “tropa” ni Garcia na si Steven. Tinanong siya kung sa isang kilalang fast food chain siya nagtatrabaho. Um-oo naman dito si Steven. Subalit, ilang segundo lamang din ay nakuryente siya sa “Lie Detector.”

“Lalaki ka ba?” tanong naman ni Garcia sa isa pa niyang katropang si Owa. Nang sumagot siya ng “Oo,” ilang segundo lamang ay hindi siya “kinuryente” ng “Lie Detector.”

Sunod namang tinanong sa kaniya ng aktor kung higit daw ba sa isa ang girlfriend nito. “Hindi” ang naging tugon dito ni Owa subalit ilang segundo lamang ay napasigaw at napamura pa siya dahil nakuryente siya.

Matapos nito’y ipinakita ng aktor ang pamangkin niyang si Sky, at dahil birthday niya nga raw ay may inihanda silang simpleng sorpresa sa batang ito.

Maliban sa mga inihandang pagkain, “pinaka-exicted” daw si Sky sa pagbubukas ng kaniyang mga regalo. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang pamangkin sa mga natanggap niya.

Nang matapos nang mabuksan ni Sky ang lahat ng kaniyang mga regalo, magliligpit na sana ng mga kalat si Renza subalit pinigilan siya ni Garcia at sinabing hindi pa roon matatapos ang “sorpresa.”

Ang hindi alam ni Renza, bibigyan din pala siya ng “regalo” ng kaniyang nakababatang kapatid dahil alam daw nitong makatutulong ang ibibigay niyang ito sa pag-aaral ng kaniyang ate.

“Ang ganda naman nito! Nakakaloka!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Renza nang makita ang regalong laptop sa kaniya ni Garcia.

Pag-amin pa nga ni Renza, iniisip niya lamang daw ang ideyang iyon noong isang araw at itinatanong niya sa kaniyang sarili kung kailan daw siya magkakaroon ng laptop na tulad niyon.




Source: Joshua Garcia - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Joshua Garcia, pumasok na rin sa mundo ng vlogging!
Joshua Garcia, pumasok na rin sa mundo ng vlogging!
Sa panimula ng video niyang ito, halatang tila naninibago pa lamang si Garcia sa kung paano “gagalaw” sa harap ng kamera. Sa kaniyang intro, ilang uli
https://1.bp.blogspot.com/-vCumkJI5SIM/X1AJNsKOZrI/AAAAAAAAQMg/h9H7lk0PRtIB4SnUGcKlAfYlmWLEbxrFgCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-vCumkJI5SIM/X1AJNsKOZrI/AAAAAAAAQMg/h9H7lk0PRtIB4SnUGcKlAfYlmWLEbxrFgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/joshua-garcia-pumasok-na-rin-sa-mundo.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/joshua-garcia-pumasok-na-rin-sa-mundo.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy