Kilalanin Si "Mr. Terno": Mula sa Maynila, isang 70-year-old biker na mahilig magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng kanyang bisikleta

Nagpasaya sa social media ang isang 70-year-old biker matapos niyang i-flex ang hilig niyang magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page



Nagpasaya sa social media ang isang 70-year-old biker matapos niyang i-flex ang hilig niyang magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng kanyang bisikleta.

Ibinahagi ni Gil Gener Palomar, ngayo’y mas kilala bilang “Mr. Terno,” ang kanyang mga larawan sa Facebook noong Agosto 22. Ang mga litrato ay kuha sa Luneta Park at agad itong nag-viral sa social media matapos mamangha ang mga netizens sa kanyang “distinct fashion style.”

Sa isang interview ng INQUIRER.net kay Palomar, kuwento niya, “Ako lang ang nagpipintura at nag-a-assemble ng mga bike ko. Nahiligan ko lang ipag-partner-partner ‘yong kulay ng suot ko sa [kulay ng bike] dahil natutuwa ako at marami ring tao ang natutuwa kapag nakikita [nila] ako.”

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page

Dagdag pa niya, “Naging libangan ko na lang din ito dahil tumatanda na rin ako.”

Ang biking ay isang hobby para kay Palomar sa loob ng 37 taon – limang taon sa probinsiya at 32 taon sa Metro Manila. Sinimulan daw niya noong 2016 o 2017 ang pagsusuot ng “colored terno” para sa kanyang bike, na may kasamang kompletong cycling gear.

Mayroon siyang siyam na bikes na may mga kulay na yellow, blue, orange, white, green, black, purple, red at gold. Binanggit niyang ina-assemble niya ngayon ang isang pink na bisikleta na panibagong dagdag sa kanyang mga koleksyon.

Magsi-71 si Palomar ngayong Setyembre. Retired na siya at tumatanggap na ng pension, habang ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang manikurista. Wala masyadong kinikita ngayon ang asawa niya dahil sa pandemya. Mayroon silang apat na anak: tatlo sa kanila ang naka-graduate at nagtatrabaho na para sa kanila, habang ang bunso ay kasalukuyang nasa Grade 12.

Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page


Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page


Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page


Larawan ay mula sa Be An INQUIRER - Facebook Page

“Minsan ‘yong anak kong bunso, sinasabihan ako ng gusto niyang kulay na isusuot ko kapag aalis ako, magsisimba o mamamasyal lang sa Luneta. Sanay na sila na ganito ang pananamit ko,” pagbabahagi ni Palomar.

Pagdating sa kanyang hilig, suportado naman daw ang kanyang pamilya rito, “Hinahayaan lang nila ako sa gusto ko, lalo na sa pagba-bike. Sinusuportahan pa nga nila ako e, dahil dito ako masaya.”

Gayunpaman, ang bunso ni Palomar na palagi niyang kasama sa kanilang tahanan ang siyang laging nagpapaalala sa kanya na mag-ingat at maging “mindful,” lalo pa’t mas maraming tao na ang nakakikilala sa kanya ngayon.

Salaysay ni Palomar habang inaalala ang “safety reminders” ng kanyang bunso, “Kapag may magpapakuha ng litrato, dapat daw mag-social distancing. Huwag [ko raw aalisin] ‘yong face mask. Palagi rin niya akong sinasalubong pagkauwi ko; nilalagyan niya ako ng alcohol sa kamay at sinasabihan na maligo.”

Sa pagiging social media sensation ni Palomar dahil sa kanyang “striking style,” naging masaya pa rin naman daw siya. “Natutuwa ako dahil maraming tao ang humahanga at nakaka-appreciate sa akin sa edad kong ‘to. Parang nakakalimutan ko ‘yong mga sakit ko, ‘yong problema ko, kapag natutuwa ang mga taong nakakakita sa akin.”

Payo naman ni “Mr. Terno” sa mga kapuwa niya bikers, “Ang maipapayo ko sa kanila, mag-ingat sila palagi dahil marami nang sasakyan sa kalsada ngayon. [Alalahanin] nila na may uuwian pa [silang pamilyang naghihintay sa kanila], kaya mag-iingat sila. Ngayong pandemya, dapat din na maging malinis sila sa katawan lalo na kapag galing sila sa labas.”



Source: INQUIRER.net

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kilalanin Si "Mr. Terno": Mula sa Maynila, isang 70-year-old biker na mahilig magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng kanyang bisikleta
Kilalanin Si "Mr. Terno": Mula sa Maynila, isang 70-year-old biker na mahilig magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng kanyang bisikleta
Nagpasaya sa social media ang isang 70-year-old biker matapos niyang i-flex ang hilig niyang magsuot ng “cool cycling outfits” na katerno ng kulay ng
https://1.bp.blogspot.com/-OYln645gdZE/X06_FW0QWEI/AAAAAAAAQJY/0EbF3mOmRyw_s7KiZVAAnbBuJrYL5SJLQCNcBGAsYHQ/s640/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-OYln645gdZE/X06_FW0QWEI/AAAAAAAAQJY/0EbF3mOmRyw_s7KiZVAAnbBuJrYL5SJLQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/kilalanin-si-mr-terno-mula-sa-maynila.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/kilalanin-si-mr-terno-mula-sa-maynila.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy