Lalaki tinanggap ang halagang 35,000 Pesos na suhol para hiwalayan ang kanyang Fiance

Source: Raffy Tulfo in Action      Sa programang “Raffy Tulfo in Action” na umere sa kanilang YouTube channel noong September 14, 2020, nagr...

Source: Raffy Tulfo in Action

    Sa programang “Raffy Tulfo in Action” na umere sa kanilang YouTube channel noong September 14, 2020, nagreklamo si Mary Joy Alvarez dahil bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng kaniyang live-in partner na nangakong pakakasalan siya, hanggang sa nakialam daw sa kanilang relasyon ang tita nito.

           Pinapili raw kasi si Jero Jay Borja ng kaniyang tita na si Cheryl Lyn Borja na hiwalayan si Alvarez kapalit ng utang niya, dahil nagkautang daw ito sa trabaho na nagkakahalaga ng P35,000. Ayon pa rin kay Alvarez, inakala raw nilang siya ang dahilan kung bakit nagkautang ang lalaki subalit hindi rin daw alam ni Alvarez kung ano ang totoong rason sa likod nito.


           Tatlong buwan pa lamang daw na magkarelasyon sina Alvarez at si Jero Jay. Subalit nakatakda na raw silang ikasal sa isang “judge wedding ceremony”; handa na rin daw ang singsing at ang mga kasuotan nila. Subalit bigla na raw umatras ang lalaki dahil pinapili nga siya ni Cheryl Lyn. Ani naman ni Alvarez, baka raw ayaw sa kaniya ng pamilya ng lalaki dahil mayroon siyang naging anak sa una niyang naging live-in partner.

           Bigla na lamang daw hindi kinausap ni Jero Jay si Alvarez. Bl-in-ock na rin daw siya nito sa kaniyang Facebook at Messenger accounts. Kaya naman, ch-in-at ni Alvarez ang tita nitong si Cheryl Lyn. Sinabi raw nitong maghiwalay na silang dalawa. Tinanong daw ni Alvarez kung sino raw ang nagsabi; aniya, siya raw ang nagsabi sapagkat nagkautang daw si Jero Jay sa kaniyang trabaho nang hindi nila nalalaman.


           Kaya lamang din daw “pinatulan” ni Alvarez si Jero Jay sapagkat sinabi raw nitong sundalo siya. At dahil nga raw sundalo, inakala ni Alvarez na mabibigyan siya nito ng magandang buhay. Nagma-monthly raw siya ng P40,000; may bahay na ipinapagawa; at may lupang binabayaran – ito raw ang mga sinabi sa kaniya ni Jero Jay.

           Sabi naman ni Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff – Office of Hon. Jocelyn P. Tulfo ng ACT-CIS Partylist, “civil case” raw ang maaaring ikaso kay Jero Jay sapagkat obligado raw siyang bayaran si Alvarez sa mga “naihanda” at “nagastos” na sa naudlot nilang kasalan. Kung nakaranas din daw si Alvarez ng “pain, suffering and anxiety” dahil sa pangyayaring ito, maaari na raw itong ipasok sa “violence against women and children.”


           Sa susunod na bahagi naman ng naturang video, nakausap ng isang staff ng programa ang ina ni Jero Jay na si Jessica Borja. Ani nito, hindi raw nila kailanman nakilala si Alvarez; nito lamang daw nakaraang linggo nila nalaman na girlfriend ito ni Jero Jay na nakatakda niya rin sanang pakasalan. Sabi pa rin ni Jessica, nagagalit daw ang kapatid niyang si Cheryl Lyn sapagkat may mga ginawa raw si Jero Jay na hindi niya ikinunsulta. Sinabi rin ng ina na 23 taong gulang lamang ang anak niyang ito.

           Nang sinubukang ipakausap ng programa si Jessica kay Alvarez, sinabi nitong dapat daw ay hindi siya agad nagtiwala kay Jero Jay; bago raw sana siya nagtiwala rito ay “ch-in-eck” niya muna kung ano talaga ang katauhan nito.

           Nang tinanong kung ilan taon na si Alvarez, sinabi nitong 21 taong gulang pa lamang daw siya. Matapos nito’y iminungkahi ni Jessica na kung maaari raw ay magtutungo sila sa bahay nina Alvarez upang magkausap – gumawa raw kasi sila ng mga desisyon na walang “consent” ng mga magulang.

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lalaki tinanggap ang halagang 35,000 Pesos na suhol para hiwalayan ang kanyang Fiance
Lalaki tinanggap ang halagang 35,000 Pesos na suhol para hiwalayan ang kanyang Fiance
https://1.bp.blogspot.com/-E2Bl4qvCgvo/X2MFvVaEVFI/AAAAAAAAQkA/zdV9mt5rHmsiMvwnzAbGrpkBFC_fVJpqgCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-17T024325.093.png
https://1.bp.blogspot.com/-E2Bl4qvCgvo/X2MFvVaEVFI/AAAAAAAAQkA/zdV9mt5rHmsiMvwnzAbGrpkBFC_fVJpqgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-17T024325.093.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/lalaki-tinanggap-ang-halagang-35000.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/lalaki-tinanggap-ang-halagang-35000.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy