Lloyd Café Cadena, Inalala Ng Mga Naghihinagpis Niyang Kaibigan At Iba Pang Personalidad

  Source:  Showbiz Philippines Kamakailan lamang ay nagulat ang online community nang mapamalitang pumanaw na ang kilalang YouTuber at vlogg...

 

Source: Showbiz Philippines

Kamakailan lamang ay nagulat ang online community nang mapamalitang pumanaw na ang kilalang YouTuber at vlogger na si Lloyd Café Cadena. Marami ang hindi makapaniwala sa biglaan niyang pagpanaw. Kaya naman bumuhos ang nakiramay at umalala sa kaniya sa lahat ng kasiyahan at tulong na kaniyang naibahagi noong nabubuhay pa siya.

           Isa na nga ang kapwa niya vlooger na si Erika Embang. Sa isang actual video kung saan marahil ay dumating sa kaniya ang balitang pumanaw na ang kaibigan, maiyak-iyak na sinasabi ni Erika sa katawag niya na si Cadena ang tumulong sa kaniya upang maabot niya rin ang kaniyang mga mithiin sa buhay: may maipapakain sa pamilya, maipundar at maipatayo ang kaniyang bahay, at marami pang iba.

           Inalala rin ni DJ Kara, o mas kilala bilang si “Ganda Kara” ang limang taon nilang pagkakaibigan ni Cadena. Sa katunayan ay nagkaroon pa sila ng tambalang tinawag na “KarLloyd.” Sa video na ibinahagi niya sa kaniyang social media account, ipinakita ni DJ Kara ang halamang ibinigay raw ni Cadena na buhay na buhay pa hanggang ngayon; subalit maririnig sa background na umiiyak din ang kapwa niya DJ.

           Hindi raw niya makakalimutan si Cadena. Sa lahat daw ng kaniyang ginawa – kalokohan, kadramahan, career, foodtrip at travels – sinamahan daw siya ng kaibigan. Sinabi pa nga raw nito na mag-a-out of town daw sana silang dalawa kapag natapos na ang pandemic.

           “Kahit lately hindi na tayo madalas magkita, hindi padin nawala ung chikahan natin sa chat. You will always be my special friend. i love you te and i will miss you! Di ko talaga tinatapon tong bulaklak na bigay mo sakin nung birthday ko ang sakit te.

           Naging inspirasyon naman ni Cadena ang Kapamilya star na si Vice Ganda nang pumasok siya sa mundo ng showbiz. Dahil dito ay nagkaroon din sila ng masayang samahan at pagkakaibigan. Kaya naman nang malaman ni Vice na wala na si Cadena, aniya: “Nakakalungkot na di ko naiabot sayo yung simpleng hiling mo sakin dahil sa pandemya. Sana nakagawa ako ng paraan. Sorry Lloyd. Salamat sa pagmamahal mo!!! Mahal din kita! Mahal ka namin! Yesterday I promised to upload my latest vlog tonight on my YouTube Channel. But sorry i decided to reschedule it. Let’s all take this time to pray for Lloyd and his loved ones.

           Isa naman sa itinituring na “best friend” ni Cadena at isa rin sa mga natulungan niyang sumikat ay ang vlogger ding si Madam Aivan. Kung nasaan si Cadena ay naroon din siya kasama ang grupong “Bakla ng Taon” (BNT). Kaya naman nang mawala na ang kilalang vlogger, sinabi ni Madam Aivan na sobrang dami raw ng kaniyang natutunan sa kaniya; kahit daw siya ang pinakabata sa kanila, tila nagsisilbi daw siyang “pinakamatanda” sa kanila kung minsan “because of his wisdom.” Si Cadena raw kasi ang unang naniwala na kaya niyang maging vlogger kahit na may kapansanan siya.

           “Sobrang ramdam ko yung pagpapahalaga mo sakin as a friend. Kahit na minsan pasaway ako at madaming kagagahan sa buhay, hindi ka nagsasawang tanggapin ulit ako sa buhay mo. Ang laki laki ng utang na loob ko sayo mars…

           Si Cadena rin daw ang tumulong upang gumanda ang buhay ni George Candesa, isa sa mga nakakasama niya rin sa kaniyang mga vlogs at itinuturing ding “bestfriend.” Sobrang “self-less” daw na tao ni “Kuya Lloyd” niya, kaya “love na love” raw nila ito. Inalala niya ring “last video” na raw pala nila noong nag-carwash sila; kaya pala “nilaban” daw ito ni Cadena kahit pagod na pagod na siya.

           “I’m so honored na naging pinsan kita. We love you Kween. Rest in peace. I love you. Lagi kong sinasabi sa’yo ‘yan.

           Isa rin sa mga naging kaibigan ni Cadena si Michelle Dy. At kahit daw halos negative issues ang kinasasangkutan niya, nanatili pa rin sa kaniyang tabi at naninindigan si Cadena, kahit na iniwan na raw siya ng kaniyang mga dating kaibigan na dati niya ring nakakasama sa kaniyang mga vlogs.

           Nagdalamhati rin ang manager at kaibigan din ni Cadena na si Madam Ely. Nang mapamalitang pumanaw na nga ang vlogger, sinabi niyang “I lost my bestfriend today.

           Naging inspirasyon naman ni Mimiyuuuh si Cadena noong nagsisimula pa lamang itong mag-vlog. Kaya naman nang malaman niya ang malungkot na balita, inalala niya rin ang nasabing YouTuber na naging kaibigan na rin niya: “Rest in peace, KWEEN LC. Thank you for being a blessing to many people. Sobrang rami mong natouch na tao! May your legacy inspire more people to do good things. My sincere condolences to his family.

           Sabi naman ni Alex Gonzaga, “Marami kami napasaya at napatawa mo. We will miss how your laugh can make us laugh. We will miss ypu. Let’s pray for his whole family and friends.. ang lungkot talaga bigla grabe!

           Hinihintay naman daw ni Sharon Cuneta ang hiling ng kaniyang “anak-anakan” na si Cadena kung ano ang nais niyang maging “gift” sa bagong bahay nito. Subalit dahil nga sa biglaan niyang pagkawala ay hindi niya na maibibigay pa ito at maiaabot sa kaniyang “Inay.” Nagpasalamat din ang aktres sa vlogger dahil magandang ehemplo nito sa kabataan at sa rami raw ng kaniyang mga natulungan.

           “May COVID pa, di ba dapat ilalabas ko pa kayo ng BNT after. Tapos pala, iiwan mo kami ng maaga…Jusko nakakagulat naman. Thank you anak.

           Mami-miss daw ng sobra ni Cuneta ang “anak-anakan” niyang si Cadena.

Source: Showbiz Philippines

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lloyd Café Cadena, Inalala Ng Mga Naghihinagpis Niyang Kaibigan At Iba Pang Personalidad
Lloyd Café Cadena, Inalala Ng Mga Naghihinagpis Niyang Kaibigan At Iba Pang Personalidad
https://1.bp.blogspot.com/-J_cog5GdZrc/X1hlE73Xv6I/AAAAAAAAQUE/gyyS6TNJ2tgqFqLiAZ0nb9YWMCdiccPZACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-09T011525.618.png
https://1.bp.blogspot.com/-J_cog5GdZrc/X1hlE73Xv6I/AAAAAAAAQUE/gyyS6TNJ2tgqFqLiAZ0nb9YWMCdiccPZACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-09T011525.618.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/lloyd-cafe-cadena-inalala-ng-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/lloyd-cafe-cadena-inalala-ng-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy