Lola, kinawawa ng isang babaeng malahayop ang ugali [video]

Maituturing bilang magulang ang ating mga lolo at lola. Sila ang nag-aalaga at nagtuturo ng magagandang-asal. Para sa ilan, sila ang nag-aruga at nagp

Larawan: Screenshot mula sa Viral Philippines - Facebook


Maituturing bilang magulang ang ating mga lolo at lola. Sila ang nag-aalaga at nagtuturo ng magagandang-asal. Para sa ilan, sila ang nag-aruga at nagpalaki sa kanila simula noong musmos pa lamang.

Ngunit hindi ba’t masakit sa damdamin kung nakikita natin silang nasasaktan?

Kabaliktaran naman ito sa video na i-ni-upload sa Facebook page na “Viral Philippines.” Mababasa ang ganitong caption: “Panoorin Kung paano balahurain ng anak ang Lola. Sana mabigyan ng aksyon #IDOLRAFFYINACTION Cre:MrStapa”

Larawan: Screenshot mula sa Viral Philippines - Facebook


Larawan: Screenshot mula sa Viral Philippines - Facebook

Mapapanood sa video na nagwawalis ang babae, at maya-maya pa’y ang alikabok na nahakot sa dustpan ay isinaboy niya sa lola na nakaupo. Hinampas pa niya ng kumot ang kanyang lola at pinalo pa ng walis tambo.

Ginawa namang panangga ng lola ang kanyang braso upang makaiwas sa pananampal ng babae. Dinuro-duro pa ng babae ang matanda at base sa galaw ng babae ay sinusumbatan niya ang kawawang lola. Magkabilang sampal na naman sa pisngi ang iginawad ng babae sa hindi lumalabang matanda. Napahiga na lamang ito habang patuloy na hinahampas. Pilit siyang hinuhubaran ng babae upang ito’y makaligo na. Subalit, makikitang nasasaktan ang matanda dahil sa nararanasang pananakit at pang-aapi.

Larawan: Screenshot mula sa Viral Philippines - Facebook


Larawan: Screenshot mula sa Viral Philippines - Facebook

Umani naman ito ng samot-saring reaksiyon mula sa nagkomentong mga netizens.

“Bastos yan na pgka anak walang utang na loob sa nanay di nya naisip kung anu kahirap ginawa ng ina mpalaki sya at mabuhay after all yan gawin nya sa mama nya, tatanda ka rin gawin din yan sau ginawa mo.sa.mama mo”

“Meron pla gumagawa ng ganyang pamamaltrato sa mga lola at lolo na mga apo jusko magulang yan ng magulang nla dapat yan makulong”

“Grave naman. Hindi ko kayang panuorin hanggang dulo para ako naha highblood sana matunton ng batas ang babae nayan. Kawawa naman si nanay walang kalaban laban yaaan mo nay marami ng nagshare ng video makakalayo kana rin sa walang utak na babae nayan.”

Mayroon nang 581 reacts at 390 comments ang nasabing post. 


Source: Viral Philippines - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lola, kinawawa ng isang babaeng malahayop ang ugali [video]
Lola, kinawawa ng isang babaeng malahayop ang ugali [video]
Maituturing bilang magulang ang ating mga lolo at lola. Sila ang nag-aalaga at nagtuturo ng magagandang-asal. Para sa ilan, sila ang nag-aruga at nagp
https://1.bp.blogspot.com/-HkElltCxJJM/X1nMkeqOxfI/AAAAAAAAQVo/dn6C2w7ikawb-t_MkUmmnJ5bPrdeqzOKwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25289%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-HkElltCxJJM/X1nMkeqOxfI/AAAAAAAAQVo/dn6C2w7ikawb-t_MkUmmnJ5bPrdeqzOKwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25289%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/lola-kinawawa-ng-isang-babaeng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/lola-kinawawa-ng-isang-babaeng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy