OFW na nakaranas ng sintomas ng C0VID-19, ibinahagi ang kanyang karanasan at kung paano niya ito nilabanan

Source: OFW JOIN FORCE - United Arab Emirates Chapter   Sa isang video na i-p-in-ost ng Facebook page na “ OFW JOIN FORCE – United Arab Emir...

Source:

Sa isang video na i-p-in-ost ng Facebook page na “OFW JOIN FORCE – United Arab Emirates Chapter” noong July 07, makikita ang isang babaeng Oversea Filipino Worker (OFW) na nagbahagi ng kaniyang karanasan matapos makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

           Noong Lunes ay hindi raw alam ng OFW kung lagnat ba o trangkaso ang kaniyang naramdaman – at unang beses niya raw maranasan ang “kakaibang pakiramdam” na iyon. Masakit daw ang kaniyang buong katawan, nahihilo at nasusuka pa raw siya. Dahil dito’y hindi niya raw nagawa ang kaniyang mga trabaho sa kaniyang amo.

           Tinawagan daw siya ng kaniyang amo kung bakit hindi pa raw siya dumarating; sinabi niyang masama raw ang kaniyang pakiramdam. Nakapagpahinga naman daw ang OFW matapos nito.


           Pagdating ng Miyerkules, maayos na raw ang pakiramdam ng OFW. Nakapunta na siya sa kaniyang amo at napansin pa nga raw nitong maaliwalas nang muli ang kaniyang mukha. Pinaalalahanan pa nga siya nitong huwag masiyadong magtrabaho dahil baka magkasakit siyang muli.

           Ngunit, pagsapit daw ng tanghali ng araw ding iyon, muli na namang naramdaman ng OFW ang mga naranasan niya noong Lunes. Dumating ang Huwebes at nagkaroon na naman daw siya ng kaunting lakas – nagagawa niya naman na raw muling igalaw ang kaniyang katawan.


           Subalit nakaramdam muli siya ng pananakit ng katawan noong hapong iyon. At bandang 11:30 raw ng gabi, nakaranas na raw siya ng paninikip ng dibdib. Hindi na rin daw siya makahinga’t hinihingal na rin siya. Para rin daw siyang sinasakal.

           Tiningnan niya rin daw ang kaniyang itsura sa salamin at nakita niyang namumutla ang kaniyang mukha at nanunuyo rin ang kaniyang labi. Upang maalagaan ang sarili, sinubukan at ginawa niya raw ang “suob.”


           Dahil sa karanasang ito, napadasal na lamang daw ang OFW. Naiisip niya na rin daw ang kaniyang dalawang anak na naghihintay sa kaniya sa Pilipinas.

           Sa awa raw ng Diyos ay malakas na siya ngayon. Ginawa niya raw ang video na iyon upang ipaalam sa iba kung ano ang kaniyang naging karanasan at upang maibahagi na rin daw kung ano ang dapat gawin para malampasan ang ganoong pakiramdam.  

Umani naman ito ng simpatiya mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

           “GoD Bless u kabayan mag ingat po kau jan…dasal lng kabayan dhil c lord ang nagpagaling sau sa sakit na yan mabait tlaga c lord aa knya po kau kumapit kbayan God Bless u always praise the lord Amen.

           “Ingat ka pa din kabayan kasi may posibilidad na bumalik ang naramdaman mo kaya dobleng ingat pa din,saka salamat sa pagshare mo ng mga karanasan mo para kapulutan din ng magandang aral.God bless kabayan, palakasan talaga ng loob,parang survival of the fittest.

           “God is always good all the time kabayan. hopefully your feeling much better &already in good health again. That’s so True! Hindi man ako OFW dto sa bansang kinaroroonan ko pero alam ko ang sitwasyon ng mag1 ka lng sa ibang bansa! Kaya ako palagi ako nagdadasal sa panginoon pra sa kalusugan ko at ng mga kapatid ko at ng buong mundo!


COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: OFW na nakaranas ng sintomas ng C0VID-19, ibinahagi ang kanyang karanasan at kung paano niya ito nilabanan
OFW na nakaranas ng sintomas ng C0VID-19, ibinahagi ang kanyang karanasan at kung paano niya ito nilabanan
https://1.bp.blogspot.com/-8qzljrOPRKc/X3NX_RHL83I/AAAAAAAAQzw/wO4yck7OyrMfvCcw4zFS6ibJI-Eb1lt-wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-29T115027.597.png
https://1.bp.blogspot.com/-8qzljrOPRKc/X3NX_RHL83I/AAAAAAAAQzw/wO4yck7OyrMfvCcw4zFS6ibJI-Eb1lt-wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-29T115027.597.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/ofw-na-nakaranas-ng-sintomas-ng-c0vid.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/ofw-na-nakaranas-ng-sintomas-ng-c0vid.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy