Ofw sa Riyadh, sinaktan ng kanyang employer dahil sa hindi nito pagsurrender sa kanyang passport.

Source:  Glen's TV Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang sinaktan ng kaniyang employer nang hindi raw niya i-...

Source: Glen's TV

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang sinaktan ng kaniyang employer nang hindi raw niya i-s-in-urrender ang kaniyang passport.

           Sa Facebook page na “Glen’s TV,” i-p-in-ost ang isang video na nagpapakita ng pananakit ng employer sa isang OFW.

           Sa unang bahagi ng video, tila nahihirapan pang kunan ng nagvi-video ang nangyayari dahil tila pinipigilan siya ng marahil ay kasama ng employer. Sunod namang makikita na pumipiglas na ang nasabing OFW mula sa pagkakahawak sa kaniya.

Source: Glen's TV

           Ipinagtanggol naman ng nagvi-video ang kasamahan at sinasabing tatawag daw siya ng pulis dahil sinasaktan na raw nila ito. Subalit, ayon sa employer, hindi raw nila ito sinasaktan – ngunit tila hinampas pa nito ang hawak na cellphone na ipinang-vi-video niya.

           Sunod namang makikita ang employer na nakapaibabaw na sa OFW habang nakadapa ito. Maririnig na sinasabi ng employer na “Calm down, calm down.” Ngunit sagot naman nito – “I cannot breathe!”


Source: Glen's TV

           Nagkaroon din ng diskusyon sa pagitan ng nagvi-video at ang kasamang lalaki ng employer. Mahahagip rin na sinasakal na nga ng employer ang OFW. Kaya naman, pumasok na sa eksena ang nagvi-video at pinagtatanggol ang kasamahan nito. Maririnig sa kanilang diskusyon na pilit kinukuha ng employer ang passport ng nasabing manggagawa.

           Humingi na ng tulong ang nagvi-video sa isa nilang kasamahan sa pamamagitan ng pagsasabi dito na tumawag na ng pulis. Sunod namang maririnig ang ilang pagsigaw at diskusyon.

Source: Glen's TV

           Pagkatapos nito’y tila nakawala na mula sa employer ang nasabing OFW. Makikitang nag-uusap na lamang sila ng employer. Buong-paninidigang sinabi ng Pilipino na hindi niya ibibigay ang kaniyang passport dahil ito raw ang batas na sinabi ng Philippine Embassy. Karapatan daw nilang hawakan ang kanilang passport at hindi ito maaaring kunin ng kaniyang employer.

           Nagkaroon muli ng tensyon. Habang pinipilit pa ring kunin ng employer ang passport ng OFW, sinaktan naman ng kasama nito ang kumukuha ng video.

           Ilang sandali ay lumabas sa lugar ng diskusyon ang kumukuha ng video at humingi ng tulong sa isa nilang kapitbahay. Bago matapos ang video, maririnig na pilit siyang pinapapasok sa loob ng kasama ng employer ng kaniyang kasamahan subalit tumanggi ito. Makikita na lamang na nagulo na ang screen ng video na tila may humampas sa kumukuha nito.

           Umani ito ng simpatiya mula sa mga netizens. Panalangin nila’y sana ay matulungan daw ang mga kababayan nilang biktima ng mga mapagsamantalang employer tulad ng mga ito.

           Samantala, sa ngayon ay mayroon ng higit 28,000 reacts at halos 8,500 comments ang nasabing video.



Source: Glen's TV

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ofw sa Riyadh, sinaktan ng kanyang employer dahil sa hindi nito pagsurrender sa kanyang passport.
Ofw sa Riyadh, sinaktan ng kanyang employer dahil sa hindi nito pagsurrender sa kanyang passport.
https://1.bp.blogspot.com/-xJL2MuAHv8U/X2pVJ1PZgpI/AAAAAAAAQqM/jY9juc14PL0J0FC0ghbe5GtRNC9t7zTOgCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-22T154803.655.png
https://1.bp.blogspot.com/-xJL2MuAHv8U/X2pVJ1PZgpI/AAAAAAAAQqM/jY9juc14PL0J0FC0ghbe5GtRNC9t7zTOgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-22T154803.655.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/ofw-sa-riyadh-sinaktan-ng-kanyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/ofw-sa-riyadh-sinaktan-ng-kanyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy