Pinay OFW sa Kuwait, Hinabol ng kanyang Amo habang papunta sa Philippine Embassy sa Kuwait

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait ang hinabol ng kaniyang amo nang magtungo ito sa Philippine Embassy ng nasabing bansa.

 


Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait ang hinabol ng kaniyang amo nang magtungo ito sa Philippine Embassy ng nasabing bansa.

           Sa Facebook page na “OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW,” i-p-in-ost ang isang video kung saan makikita ang isang babaeng naka-itim na marahil ay ang amo ng OFW. Kinakausap nito ang nasabing OFW, ang babaeng naka-pajama. Subalit hindi rin nagtagal ay tila kinuwelyuhan ng amo ang OFW habang patuloy pa rin sa pagsasalita. Pilit namang inaalis ng Pilipina ang pagkakahawak sa kaniya ng kaniyang amo.

           Sa background, maririnig ang isang boses na nagsasabing huwag daw aalis ang OFW hangga’t maaari.

           

Ilang sandali lamang ay may lumapit na mga kalalakihan sa kinaroroonan ng dalawa. Tila kinakausap nila ang amo na bitiwan na ang OFW. Subalit patuloy pa rin sa pagsasalita ang amo habang pilit pa ring pumipiglas sa pagkakahawak sa kaniya ang Pilipina.

           Natapos ang video na patuloy pa ring nagsasalita ang amo habang hawak sa kuwelyo ang OFW. Patuloy pa rin silang kinakausap ng mga lumapit na kalalakihan.

           Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.


           Ani ng isa, “Cnung siraulo na katulong na tatakas sa amo kung wlang mali sa loob ng bahay kung mabuti ang amo wlang lalayas n katulong.

           Komento naman ng isa pang netizen, mabuti na lamang daw at nakaalis siya sa poder ng kaniyang employer. Idagdag pa na nakalapit daw agad sa kanila ang mga polo guard na “matatapang.”

           “Tama ang ginawa ni kabayan, tumakbo sa embassy,pra alam ng embassy ang nagyayari na akto hinahabol cla at pilit cya kunin uli pra saktan lng,” sabi naman ng isa.

           Sa ngayon ay mayron ng higit 11,000 reacts, halos 2,000 comments, at higit 9,800 shares ang nasabing Facebook post.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Pinay OFW sa Kuwait, Hinabol ng kanyang Amo habang papunta sa Philippine Embassy sa Kuwait
Pinay OFW sa Kuwait, Hinabol ng kanyang Amo habang papunta sa Philippine Embassy sa Kuwait
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait ang hinabol ng kaniyang amo nang magtungo ito sa Philippine Embassy ng nasabing bansa.
https://1.bp.blogspot.com/-8ujIw2RfzLg/X3CGhQu5oVI/AAAAAAAAQw4/MZFS4BlgIIIN2Lj7jN4a8WGYtMaGcA9OgCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-27T082406.422.png
https://1.bp.blogspot.com/-8ujIw2RfzLg/X3CGhQu5oVI/AAAAAAAAQw4/MZFS4BlgIIIN2Lj7jN4a8WGYtMaGcA9OgCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-27T082406.422.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/pinay-ofw-sa-kuwait-hinabol-ng-kanyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/pinay-ofw-sa-kuwait-hinabol-ng-kanyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy