Si Nanay, tineketan ng 1,000 Pesos dahil hindi nakasuot ng 'Facemask' habang naglalaba sa tapat ng kanyang bahay. Pilit isinasama sa Barangay

  Source:  Kabayan TV Tinitiketan ng mga opisyal ng barangay ang isang ale matapos umano siyang lumabag sa health protocol kung saan nahuli ...

 

Source: Kabayan TV

Tinitiketan ng mga opisyal ng barangay ang isang ale matapos umano siyang lumabag sa health protocol kung saan nahuli siyang naglalaba sa labas ng kanilang bahay na walang suot na facemask.

Sa video na i-p-in-ost ng Facebook page na “Kabayan TV,” mapapanood ang sagutan ng mga opisyal at ng ale.

Ticket din ‘yan, babayaran ko rin ‘yan ng isang libo,” sabi ng ale.

Sagot naman ng isa sa mga opisyal, “Alam mo naman pala, e.”

Dagdag pa ng ale, “E hindi ko naman alam na kailangang mag-facemask habang naglalaba.”

Pilit pang pinasasama ang ale patungo sa barangay. Itinatanggi naman ng ale na kumukuha ng video ang kasama niya, at sinabing nagpe-Facebook lamang ito.

Sinabi pa ng ale na hindi siya sasama sa mga opisyal dahil wala naman daw siyang kaso. Nangatuwiran daw siya na hindi niya alam na kailangang magsuot ng facemask habang naglalaba.

Source: Kabayan TV

Nangatuwiran ako, hindi ko naman alam na kailangan palang mag-facemask habang naglalaba. Ang alam ko kasi, ‘pag bumibili ka, kailangang mag-facemask. ‘Pag lumalabas, kailangang mag-facemask,” ani ng ale.

Paliwanag naman ng isa sa mga opisyal, “Mandatory na po natin ’yan. ‘Pag lumabas ka ng bahay mo, mag-facemask po kayo…Heto ma’am, sasabihin ko sa inyo. Ngayon, nagre-resist po kayo, hindi kayo nakiki-coordinate sa’min, hindi kayo nakiki-cooperate, sinasama po namin kayo at hindi kayo naki-coordinate sa’min. Within three days po, aalamin po, ia-allocate namin ang pangalan niyo at padadalhan namin kayo ng summon. Mas lalong lalaki ang problema niyo.”

Source: Kabayan TV

Nanindigan naman ang ale na haharapin niya ang kasong isasampa sa kaniya. Patuloy pa rin sa pagpipilit ang mga opisyal na sumama ang ale sa barangay. Giit naman nito, alangan naman daw na maglaba siya sa loob ng kanyang bahay.

Samot-saring reaksiyon ang lumabas mula sa mga nagkomentong netizens.

Ay gigil nyo si ako mga kuya..kaliit ng bahay ni nanay sa loob sya ng bahay maglalaba..ilang hakbang lang sa pintuan nya ang pinaglalabahan nya..alam nyo ba talaga ang batas?”

Pagpasensyahan nyo nap o Ateng dahil tiyak yang mga nanghuhuli nay an either walang kasiguruhang paunawa sa batas hinggil sa pagsusuot ng face mask and related covid PPE sa kung saan ba dapat lugar applied ang pagsusuot or hanggang saan ba ang covered ng restrictions nito. Or maybe this way na rumaraket lang din talaga.

Anong utak ang meron kayo mga naturingan nsa hanay kayo ng gobyerno mga utak biya wala nman sa public place si nanay na nag lalaba lang sa labas ng bahay bakit nyo kylangan tickitan pooootek nay an abusado na kayo sobra wala na nga makain mga tao gusto nyo pang perahan… dapat sa inyo pag babarilin sa ulo mga utak biya kayo!!!!

Ang naturang post ay mayroon nang halos 16,000 reactions at mahigit 22,000 comments.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Si Nanay, tineketan ng 1,000 Pesos dahil hindi nakasuot ng 'Facemask' habang naglalaba sa tapat ng kanyang bahay. Pilit isinasama sa Barangay
Si Nanay, tineketan ng 1,000 Pesos dahil hindi nakasuot ng 'Facemask' habang naglalaba sa tapat ng kanyang bahay. Pilit isinasama sa Barangay
https://1.bp.blogspot.com/-Kwa-Roou8Cg/X2LtAu14TFI/AAAAAAAAQjM/v_x_K3jd4x0BdRNlIPsrj8konzU14KuVwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-17T005749.602.png
https://1.bp.blogspot.com/-Kwa-Roou8Cg/X2LtAu14TFI/AAAAAAAAQjM/v_x_K3jd4x0BdRNlIPsrj8konzU14KuVwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-17T005749.602.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/si-nanay-tineketan-ng-1000-pesos-dahil.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/si-nanay-tineketan-ng-1000-pesos-dahil.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy