Swab test na isinasagawa ng isang Frontliner sa isang Pamilya nauwi sa sigawan at duruan, Kayo na po ang humusga

Source: Rafael Alfaro Nagalit at dinuro-duro pa raw ng isang pamilya ang isang frontliner na siyang kukuha lamang daw ng swab test sample sa...

Source:Rafael Alfaro

Nagalit at dinuro-duro pa raw ng isang pamilya ang isang frontliner na siyang kukuha lamang daw ng swab test sample sa isa nilang kapamilya.

           Naibalita nitong nakaraan sa programang “24 Oras” ang insidenteng ito. Subalit sa Facebook ni Rafael Alfaro, ibinahagi niya ang buong video ng naturang pangyayari.

           Ani pa ni Alfaro sa caption, “Guys.eto ang buong video ng balita sa 24 oras.ng GMA pasikatin natin ang pamilya nato.kukunan cla ng swab sample inaway at dinuro duro ang frontliner..panoorin nyo po hanggang huli at kayo n po ang humusga.”


           Sa seven-minute-17-second video, unang makikita ang frontliner na nakatayo lamang sa labas ng pintuan ng pamilya. Ngunit tila galit na nagsisisigaw at nagsasalita ang dalawang miyembro ng pamilya. Tila pinipigilan sila ng kasamahan ng frontliner at sinasabing patapusin muna ang paliwanag nito.

           Subalit sagot naman ng isa sa kanila, “Bigyan niyo kami ng pagkakataong mailabas ang sama ng loob namin sa gobyerno!”


           Patuloy pa rin sa pagsigaw at pagsasalita ang pamilya. Hanggang sa nagsalita na ang frontliner at sinusubukang ipaliwanag ang kaniyang gagawin. Nang mabanggit niyang hindi pa siya bayad sa ginagawa niyang serbisyo para sa kanila, nagsisisigaw muli ang pamilya at sinabing wala raw silang pakialam sa paliwanag na ito ng frontliner. Galit na galit at pahampas na isinara ng mga ito ang pinto ng kanilang bahay.

           Ilang sandali pa ay lumabas muli ang tatlong magkakapamilya na kanina pa nagsasalita. Lumapit na sila sa nasabing frontliner at sinigaw-sigawan muli ito at dinuro-duro pa. Tahimik lamang na nakatayo sa gilid ang nasabing frontliner.


           Muling pinaliwanag ng frontliner ang kaniyang trabahong gagawin, subalit muli siyang sinigawan ng pamilya.

           Habang nagaganap ang diskusyon, maririnig sa background ng video na sinusubukan nang tawagan ng mga kasamahan ng frontliner ang mga miyembro ng barangay. May nagsabi ring maaari na lamang nilang i-radyo ang nangyayaring diskusyon upang maipaabot sa kinauukulan ang nangyayaring kaguluhan.

           Habang pilit pa ring ipinapaliwanag ng frontliner ang gagawin niyang pagsa-swab test, nakita ng isang miyembro ng nasabing pamilya ang nagvi-video at sinabi niyang, “Sige Kuya. I-post mo na! Ngayon na. Maglaban-laban tayo!”

           Sa ngayon ay mayroon nang higit 30,000 reacts at halos 19,000 comments ang nasabing video.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Swab test na isinasagawa ng isang Frontliner sa isang Pamilya nauwi sa sigawan at duruan, Kayo na po ang humusga
Swab test na isinasagawa ng isang Frontliner sa isang Pamilya nauwi sa sigawan at duruan, Kayo na po ang humusga
https://1.bp.blogspot.com/-d_H9nza8H7E/X27iQuhBYbI/AAAAAAAAQvg/RyUuPrI_MWAVv0gcWzhzPCp52mBDmQazwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-26T023911.694.png
https://1.bp.blogspot.com/-d_H9nza8H7E/X27iQuhBYbI/AAAAAAAAQvg/RyUuPrI_MWAVv0gcWzhzPCp52mBDmQazwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-26T023911.694.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/swab-test-na-isinasagawa-ng-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/swab-test-na-isinasagawa-ng-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy