Trending ngayon ang dalawang magkasintahan matapos sapilitang paghiwalayin ng magulang ng babae.

Source:  Matilde Vlogs P agdating sa pag-ibig, hindi maiiwasang magkaroon ng hadlang sa loob ng isang relasyon. Nariyan ang mga taong kukuwe...

Source: Matilde Vlogs

Pagdating sa pag-ibig, hindi maiiwasang magkaroon ng hadlang sa loob ng isang relasyon. Nariyan ang mga taong kukuwestiyunin kung ano nga ba ang namamagitan sa inyong dalawa, at may ilan namang pilit kayong paghihiwalayin.

Ngunit, ano na lang ang mangyayari kung ang magulang mo mismo ang nagsasabing hiwalayan mo na ang taong gusto mo? Ano nga ba ang gagawin mo: ipaglalaban ang taong iniibig ng puso o sumunod sa sinasabi ng iyong magulang?

Ganito ang kaso ng isang babae sa video post ng Facebook page na “Matilde Vlogs” na may ganitong caption: “Ang sakit sa isang babae at sa kanyang karelasyon na pilit na pinag hihiwalay sila ng Nanay nya. #MerFfey #BreackUp

Ito na yung Huling pag kikita nila

#MerFfey

#closure

Source: Matilde Vlogs

Nang lumabas ang babae, tatayo sana ang kanyang nobyo ngunit agad siyang pinaupo ng ina ng babae. Sinabi pa ng kanyang ina, “O ngayon, mag-usap kayong dalawa sa harap ko. Kailangan natin ‘tong may closure e. ‘Di ba, ‘yan ‘yong pinag-usapan natin… dapat tapusin niyo na ‘to, matapos na ito ngayon. Dapat nga maghiwalay na kayo e.”

Tinanong naman ng lalaki kung puwede bang hindi sila maghiwalay dahil masakit daw ito kapag nangyari. Kasabay nito ay ang paglapit ng babae sa kanya upang siya ay yakapin. Tumayo ang nanay ng babae para sana paalisin ang kanyang anak sa tabi ng nobyo nito, pero pinigilan siya ng iba pang naroon.

Sige, one week pa ang ibibigay ko sa inyo. Pag-isipan niyong mabuti,” pahayag ng ina. Dagdag pa niya, hindi raw sila magkakaganoon kung walang problema. Ilang sandali pa’y lumabas ang ina dahil sumasakit daw ang kanyang ulo sa kanyang anak at sa karelasyon nito.

Patuloy pa rin namang pinapatahan ng lalaki ang kanyang nobyang nakayakap sa kanya habang umiiyak. Napabulalas ang babae, “Mahal, huwag kang susuko a.” Binigyan pa nga ng lalaki ang babae ng mga regalo.

Source: Matilde Vlogs

Maya-maya pa, dumating muli ang nanay ng babae at sinabi sa kanyang anak na lalo lang niyang pinahihirapan ang kanyang nobyo.

Sige na umuwi ka na, uulan pa, uulan na. Bibiyahe pa kayo, malayo pa biyahe niyo,” baling ng ina sa nobyo ng kanyang anak.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

an sakit nmn kht ako ramdam ko an skit na nararamdaman nila habng pinapanood ko naiiyak din ako. kc nkaranas din an gnyan magulan na an humahadlang peru ndi nmn nating masisi an magulan kc kong may reason na dpt ayusin muna kaya bawl muna mag kita

#stay strong sa inyu pag subok lng yan wag sana kayu sumuko at wag kayu mwalang ng pag asa may kasabihan nga eii kong kayu .kayu talaga ng minamahal m kht anung pag subok pa dumating kong wala bibitaw..”

Source: Matilde Vlogs
 


hindi lahat ng desisyon ng mga magulang para sa anak ay tama, kasi ibang nanay pera lang ang gusto para sa kanilang anak, kahit alam nman na nd ito ikakasaya ng anak nila, ang tunay na magulang , kayang isakripisyo lahat para lang s ikakasaya ng mga anak nila, lalo na kung tunay nman ang pag mmahal ng lalaki sa anak nya.. bgyan mo ng pagkakataon anak mong sumaya, at kung masaktan man, atleast nasubukan nya, at matututo na sya , nang sa gayon, pakkinggan kna nya kung ano man ang gusto mo para sa knya.. sa ikabubuti nya.. just saying!

Sayang ang pinag samahan sa tgl nilang magkasama mwawala lng ng bigla my mga bagay tlga na kala mo magging masya ka hanggang sa huli pero hndi nmn pala kaya wag na tayu umasa habang buhay anjan sa tabi natin ung taong nag papasya sa atin araw araw dhl my hangganan din ang lht

Ang naturang video ay mayroon nang mahigit 89,000 reacts at halos 6,900 comments.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Trending ngayon ang dalawang magkasintahan matapos sapilitang paghiwalayin ng magulang ng babae.
Trending ngayon ang dalawang magkasintahan matapos sapilitang paghiwalayin ng magulang ng babae.
https://1.bp.blogspot.com/-EBeEOyUw_OI/X1psKleoroI/AAAAAAAAQWM/4I6fFTjP0Jw2Ce7RP_PB5TsMPC2WrJ9EACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-10T140946.116.png
https://1.bp.blogspot.com/-EBeEOyUw_OI/X1psKleoroI/AAAAAAAAQWM/4I6fFTjP0Jw2Ce7RP_PB5TsMPC2WrJ9EACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-09-10T140946.116.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/trending-ngayon-ang-dalawang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/trending-ngayon-ang-dalawang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy