Vhong Navarro, ipinakita ang kaniyang “WALK-IN CLOSET” at iba pang kagamitan sa kaniyang “HOUSE TOUR” vlog

Larawan ay mula sa  Vhong Navarro - Youtube Channel I pinakita ni Vhong Navarro ang kaniyang “walk-in closet” sa kaniyang vlog sa kaniyang...

Larawan ay mula sa  Vhong Navarro - Youtube Channel



Ipinakita ni Vhong Navarro ang kaniyang “walk-in closet” sa kaniyang vlog sa kaniyang YouTube channel nitong Agosto 30, 2020.

Una niyang ipinakita ang “walk-in closet” niyang naglalaman ng kaniyang koleksyon ng mga sapatos na ginagamit niya raw sa tuwing siya ay maglalaro ng basketball.

“‘Pag gusto ko, nagmamadali lang, ito lang ‘yong mga isinusuot ko,” dagdag pa ni Navarro.

Biro pa nga ni Navarro, gumagawa raw siya ng kakaibang lay-up sa tuwing naglalaro siya ng basketball – at ang gamit niya para rito, ipinakita niya lang naman ang isang leather shoes.

Ipinakita niya rin ang ilan sa mga paborito niyang sapatos sa “closet” na ito. Isa na nga rito ang “rare” daw na sapatos ng sikat na basketball player na si Kobe Bryant – sa isang bahagi kasi ng sapatos na ito ay nakasulat ang kaniyang pangalan, at mayroon pang pirma nito na tila nakadisenyo na talaga sa nasabing sapatos.

Maging ang iba pang sapatos na Kobe Bryant ay ipinakita rin ni Navarro; pag-amin pa nga ng dancer-actor-host, nakaka-“miss” daw talaga ang kaniyang “idol.”

Ipinakita niya rin ang “rare” ding sapatos ni Kyrie Irving. Mayroon din siyang isang pares na kabilang sa “Spongebob Collection”; “Patrick Star Collection”; maging kay “Mr. Krabs.”

Sunod naman niyang ipinakita ang kaniyang mga damit. Pagbabahagi pa nga ni Navarro, “Sinasabi nga ng wife ko, parang mas marami pa raw akong damit kaysa sa kaniya.”

Sa taas nito’y mayroon pa siyang koleksyon ng mga sapatos na nakakahon pa na galing daw sa kaniyang mga sponsors, na tila “inspired” sa “Toy Story”, “Nintendo”, at iba pang “Disney.”

Sunod naman niyang binuksan ang pinto na may malaking salamin. Pagkabukas nito ay masisilayan ang isang hagdan – subalit mapapabilib ka na lamang sapagkat ang mga baitang pala nito ay tila mga “drawer” sa kaniyang iba pang sapatos!

Dito nakalagay ang kaniyang mga naka-“customized” na sapatos – nakadisenyo ang kaniyang ginampanang karakter na “Gagamboy” at “Lastik Man.” Nasa kaniya rin ang “The Riddler” design na sapatos na ipinagawa niya raw sa isang kaklase niya noong high school. Mayroon ding disenyo na mga karakter na ginampanan naman ng aktor na si Johnny Depp; “Batman” designs; “Lord of the Rings”; koleksyon ng “Star Wars” designs; at marai pang iba.

“S-in-uggest ko ‘to sa architect na gusto ko na sana, ma-maximize ko ‘yong mga lalagyan ng sapatos,” paglalahad pa ni Navarro.

Sunod namang inakyat ni Navarro ang “second floor” ng kaniyang “walk-in closet.” Punong-puno rin ito ng mga koleksyon niya ng sapatos na mula rin sa mga bigating brands na mayroon ding magagandang disenyo, tulad ng “Dior”, “Element”, at “Valenciaga.”

Paborito niya rin daw ang isang “Transluscent ‘Converse’” shoes dahil kahit ano raw ang isuot niyang medyas ay “tumatagos” at bumabagay ito sa nasabing sapatos – saktuhan pa raw ng pag-style sa pantalon ay talaga namang pasok din ito bilang pangporma.

Paborito rin daw ni Navarro ang isang “Nike” shoes sapagkat maaari mo raw itong ipa-customize at ikaw mismo ang magdidisenyo ng sarili mong sapatos. Tulad na lamang ng sapatos niyang may kulay green, orange at black – na hango kay “Gagamboy.” Mayroon ding “Agent X44” na purong puti ang kulay at pinaghalong pink, green at black naman para sa “Mr. Suave” customized shoes.

Ipinakita rin ni Navarro ang isang “Jordan” shoes na mayroong iba’t ibang ternong sintas.

Mga koleksiyon niya naman ng relo at shades ang sunod niyang ibinahagi sa kaniyang nasabing vlog. Matapos nito’y ipinakita niya ang lalagyan ng kaniyang mga damit na nakaayos tulad sa mga department stores at mga mall!

Larawan ay mula sa  Vhong Navarro - Youtube Channel

Pagbabahagi ni Navarro, “Alam ni’yo kasi, ang gusto ko talaga dati, pangarap kong magkaroon ng lalagyan ng mga damit na parang store.”

Dito raw nakalagay ang kaniyang mga isinusuot sa tuwing lalabas siya o kaya naman ay mayroong mga shows, tulad na lamang sa programang “It’s Showtime.” Kung kanina ay pawang mga rubber shoes lamang, sa bahagi naman ito ng kaniyang “closet” ay makikita ang kahon-kahon niyang mga leather shoes.

Larawan ay mula sa  Vhong Navarro - Youtube Channel

Larawan ay mula sa  Google

Nang tinanong kung paano raw namimili ng damit si Navarro, sagot niya: depende raw sa kaniyang “mood.”

Pagkatapos nito, sunod namang ibinahagi ni Navarro sa kaniyang mga subscribers ang koleksiyon niya ng “Bear Break.” Subalit hindi ito detalyado sapagkat tila maghihintay ang kaniyang “fans” para sa ikalawang bahagi ng vlog niyang ito.



Source: Vhong Navarro - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Vhong Navarro, ipinakita ang kaniyang “WALK-IN CLOSET” at iba pang kagamitan sa kaniyang “HOUSE TOUR” vlog
Vhong Navarro, ipinakita ang kaniyang “WALK-IN CLOSET” at iba pang kagamitan sa kaniyang “HOUSE TOUR” vlog
https://1.bp.blogspot.com/-rCFkRopS2Ew/X1XxMTUQieI/AAAAAAAAQSc/pfFBN148tAM6m4b3AMsPCOMrwS185LB2ACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-rCFkRopS2Ew/X1XxMTUQieI/AAAAAAAAQSc/pfFBN148tAM6m4b3AMsPCOMrwS185LB2ACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/09/vhong-navarro-ipinakita-ang-kaniyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/09/vhong-navarro-ipinakita-ang-kaniyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy