Anak na iniwan sa palengke dahil sa one-child-policy, muling nakita ng kanyang mga magulang matapos ang 22 taon

Source: CBS Evening News   Nakita na sa unang pagkakataon ng isang dalaga ang kanyang Chinese biological parents, ilang linggo bago sumapit ...

Source: CBS Evening News
 

Nakita na sa unang pagkakataon ng isang dalaga ang kanyang Chinese biological parents, ilang linggo bago sumapit ang kanyang 22nd birthday.

Taong 1996 nang bumisita ang mag-asawang Ken at Ruth Pohler, taga-Hudsonville, Michigan, sa isang orphanage sa Suzhou, China. Inampon nila ang batang nagngangalang Jingzhi – ang pangalang nakalagay sa liham na isinulat ng kanyang ama matapos siyang iwanan sa isang vegetable market, dahil sa nalabag nilang one-child policy ng kanilang bansa.

Source: CBS Evening News

Ang nakasaad sa liham, “Our daughter, Jingzhi, was born at 10 a.m. on the 24th day of the seventh month of the lunar calendar, 1995. We have been forced by poverty and affairs of the world to abandon her. Oh, pity the hearts of fathers and mothers far and near! Thank you for saving our little daughter and taking her into your care. If the heavens have feelings, if we are brought together by fate, then let us meet again on the Broken Bridge in Hangzhou on the morning of the Qixi Festival in 10 or 20 years from now.”

Ang batang inampon ng mag-asawang Pohler ay pinangalanan nilang Catherine Su Pohler, na may palayaw na Kati. Siya ay lumaki kasama ng dalawa pang anak na lalaki ng mag-asawa.

Source: CBS Evening News

Taong 2005 nang sumapit ang ikasampung kaarawan ni Kati. Nagpadala ng messenger ang Pohler couple sa nasabing tulay at naroon nga ang biological father ni Kati.

Hindi man pinagtagpo noong panahong iyon, nakunan naman ng isang filmmaker na si Chang Changfu ang biological father ni Kati. Nadala raw siya sa kuwento ng mag-asawang Chinese kaya naman, ginawan niya ito ng documentary.

Source: CBS Evening News

Pahayag ni Kati, tinatanong niya ang kanyang adopted mother, noong siya ay bata pa, kung saang tiyan nga ba siya nagmula. Hindi sinabi ng mag-asawang Pohler ang totoo kay Kati hanggang siya ay tumungtong sa edad na 20.

At noong Agosto 26, 2019, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon, sa unang pagkakataon, nakilala na ni Kati ang kanyang tunay na mga magulang at nakatatandang kapatid na babae, ilang linggo bago sumapit ang kanyang ika-22 kaarawan.

Source: CBS Evening News

Pagkakita pa lamang sa nawalay na anak, naiyak na ang biological mother ni Kati na si Qian Fenxiang, habang sinasabi sa salitang Mandarin ang “Finally, I’ve seen you. Mummy is so sorry. For all these years mummy couldn’t find you. I couldn’t take care of you either.”

They are very real to me now,” pahayag ni Kati sa isang panayam sa kanya.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Anak na iniwan sa palengke dahil sa one-child-policy, muling nakita ng kanyang mga magulang matapos ang 22 taon
Anak na iniwan sa palengke dahil sa one-child-policy, muling nakita ng kanyang mga magulang matapos ang 22 taon
https://1.bp.blogspot.com/-ZSA5ed4vHrk/X5WRLXbL41I/AAAAAAAARgs/-PWOXSxX6y8RfTf32ut7ey-t9VOJwwA-wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-25T105204.141.png
https://1.bp.blogspot.com/-ZSA5ed4vHrk/X5WRLXbL41I/AAAAAAAARgs/-PWOXSxX6y8RfTf32ut7ey-t9VOJwwA-wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-25T105204.141.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/anak-na-iniwan-sa-palengke-dahil-sa-one.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/anak-na-iniwan-sa-palengke-dahil-sa-one.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy