Ang kwento ng dalawang Lalaki at isang Transgender na nagsasama sa iisang bubong

  Source: KJMS Ipinalabas nito lamang nakaraang linggo sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ang kuwento ng dalawang lalaki sa Barangay G...

 

Source: KJMS

Ipinalabas nito lamang nakaraang linggo sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ang kuwento ng dalawang lalaki sa Barangay Gulayon, Dipolog City na magkaribal sa napupusuan nilang isang transgender woman. Ang mas matindi pa rito, silang tatlo ay nakatira ngayon sa iisang bubong.

Tuwing umaga, si Jupiter “Venus” Gingoyon, 33, ang naghahanda ng kanilang pagkain. Si Leonizo Lumanta, 29, ang siyang nagpapakain sa kanilang manok. Papasok naman sa trabaho bilang gasoline boy si Kariff Librea, 20. Si Kariff lang ang may trabaho sa kanilang tatlo kaya ang kanyang kinikita ang ginagamit nila sa kanilang pang-araw-araw.




Source: KJMS

“UNANG INIBIG”

Taong 2007 nang makilala ng make-up artist na si Venus ang waiter na si Leonizo. Dito na nga niligawan ng lalaki ang transgender woman. Ayon kay Venus, inaalagaan siya ni Leonizo at itinuturing bilang tunay na babae. Para naman kay Leonizo, ipinaglaban niya ang kanyang pag-ibig kay Venus kahit na  maraming tumututol dahil nagmahal daw siya ng binabae. Hanggang dumating ang panahon na nagsama na sila sa iisang bahay. Umabot ng 10 taon ang kanilang relasyon.

Hanggang nagbago raw si Leonizo: kinokontrol niya ang lahat ng mga gagawin ni Venus at umabot pa na nasampal na niya ito.

Source: KJMS

“IKALAWANG PAGSINTA”

Hanggang sa nakilala na ng transgender woman ang gasoline boy na si Kariff. Na-love at first sight daw siya kay Venus. Marami na nga raw naging nobya si Kariff ngunit palagi lang daw siyang sinasaktan, kaya nagmahal na lang daw siya ng beki. At lihim ngang naging magkarelasyon ang dalawa.

Galit na galit nga raw si Leonizo nang malaman ito, at sobra daw siyang nasaktan. Iniwan na nga ni Venus si Leonizo at tumira kina Kariff.

Pagbabahagi ni Kariff, ayaw daw sa kanya ng pamilya ni Venus dahil bata pa raw siya. Naiwan naman sa bahay nina Venus si Leonizo, at umiyak siya habang nagsusumamo sa nauna na mag-usap sila. Pagsasalaysay ni Venus, dito na sila kinausap ng kanyang pamilya at ang nais nila’y magkabalikan silang dalawa ni Leonizo, at lumayo na kay Kariff.

Napamahal na nga si Leonizo kay Venus kaya hiniling ng nauna na huwag na lamang lumayo ang huli. Nagdesisyon na nga ang tatlo na magsama sa iisang bubong. Nagpapakitang gilas nga raw ang dalawa kay Venus. Subalit, ang mas matimbang sa puso ni Venus ay si Kariff.

Source: KJMS

“PAGMAMAHALAN”

Ayon naman kay Lillian Ng Gui, isang psychologist and relational life coach, “That’s not healthy at all because puwedeng mangyari, they are using each other only for comfort. We are not objects, we are human beings with our feelings. Kasi hindi healthy ‘yan, at hindi rin healthy sa bagong ka-relationship niya.”

Unti-unti na ring nagkasundo ang dalawang lalaking magkaribal. Tuluyan na ngang naka-move on si Leonizo at may bago na rin siyang nobya. May privacy na rin sina Venus at Kariff. Plano nga raw pakasalan ni Kariff ang transgender woman.

At kamakailan lang ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Pope Francis sa tila pagsuporta sa same sex civil union.

Source: KJMS

Ayon kay Fr. Francis Lucas, President/CEO – Catholic Media Network, “Puwede mong i-interpret, ang hinihiling ng Pope, gumawa ng civil law na protektahan ang LGBTQ. Pero puwede ring i-interpret ‘yon na sinasabing same sex civil union para magkaroon ng batas patungkol sa pagsasama ng same sex… Gusto ko lang linawin, wala pang declaration ang catholic church from the Vatican. Puwede ko ngang sabihin, opinyon ‘yon ni Pope Farncis. If you talk to his supporting same sex marriage, no, no, no.”

Para naman kay Atty. Claire De Leon, Secretary-General Lagablab LGBT Network, “’Pag pinag-uusapan ang civil union, mabigyan ng pagkilala sa ilalim ng batas ang mga LGBT couples, wala din silang karapatan sa isa’t isa. Wala din silang karapatan na mag-decide para sa medical at sa usapin din ng mga properties. Dahil ang kawalan ng pagkilala na ito ay nagle-lead pa sa mas maraming problema.”

Gayunpaman, para kina Venus, Leonizo, at Kariff, ang pinakakasalanan lang na kanilang ginawa ay ang magmahal.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ang kwento ng dalawang Lalaki at isang Transgender na nagsasama sa iisang bubong
Ang kwento ng dalawang Lalaki at isang Transgender na nagsasama sa iisang bubong
https://1.bp.blogspot.com/-y2qMePehYFQ/X5hRy-P63bI/AAAAAAAARlc/Xkdj2fbA1Mw0ROCnoU6gcIV55dPP36jQACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-27T125802.122.png
https://1.bp.blogspot.com/-y2qMePehYFQ/X5hRy-P63bI/AAAAAAAARlc/Xkdj2fbA1Mw0ROCnoU6gcIV55dPP36jQACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-27T125802.122.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/ang-kwento-ng-dalawang-lalaki-at-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/ang-kwento-ng-dalawang-lalaki-at-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy