Bea Alonza, ipinasilip kanyang bahay, napakagaganda ng kanyang mga gamit "House Tour"

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang magandang tahanan ng aktres na si Bea Alonzo matapos niya itong ipakita sa kaniyang latest “House Tour” vlog.



Larawan screenshot mula sa Youtube video


Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang magandang tahanan ng aktres na si Bea Alonzo matapos niya itong ipakita sa kaniyang latest “House Tour” vlog.

Ipinatayo raw ang bahay na iyon ni Alonzo noong 2012 at na-renovate noong 2019 – subalit paliwanag niya, hindi “structural” ang nabago kundi “more on furniture.” Idinisenyo raw ito ng kaniyang kaibigang interior designer at natutuwa raw siyang naging “realidad” ang kaniyang “vision.” Dagdag pa ni Alonzo, “Focus on how your home makes you feel.”

Unang ipinakita ni Alonzo ang kaniyang chandelier. Nagbahagi pa siya ng “life hack” na pinturahan daw ng bago ang mga lumang gamit o furniture upang makapagbigay raw ito ng “new look.”

Sunod naman niyang ipinakita ang kaniyang opisina. Hindi raw ito masiyadong nagagamit subalit kung minsan daw ay nagiging “glam room” niya raw ito. Nakalagay rito ang kaniyang mga memorabilia, mga natanggap na awards, book collection at koleksyon niya ng mga digital prints ng mga sikat na painting. Narito rin ang isang artwork na collaboration daw nina Mark Nicdao (Filipino fashion photographer) at Henri Lamy (French figurative painter at capoeirista).

Ipinakita rin ng aktres ang “little powder room” niya para sa kaniyang guests. Natuwa raw siya sa kung paano ito dinisenyo, lalo na ang mga mosaic tiles nito. Ang “basin” naman nito ay likha raw ni Ugu Bigyan, isang Filipino pottery artist.

Ibinahagi rin ni Alonzo ang painting na nakuha niya kay Arturo Luz, Philippine National Artist for Visual Artist, noong 2012. Maging ang “diamond chairs” at ang “twiggy floor lamp” ay ipinakita niya rin sa kaniyang mga viewers. Ipinasilip niya rin ang “turn table” at ang collage art na gawa ni Gary-Ross Pastrana (conceptual artist and curator) – na mukha raw ni Anne Curtis – na nakalagay rin sa kaniyang living room.

Sunod namang ibinahagi ni Alonzo ang isang painting na ginawa ng isang hyperrealist painter na si Alvin Paraguison, na nakuha raw niya sa isang exhibit. Ipinakita niya rin ang mga ginawa niyang cocktails.

Larawan ay mula sa Google

Mayroon din siyang “sungka” at sinabi pa nga niyang kung sakali mang magkaroon na siya ng anak “in the future” ay tuturuan niya raw itong maglaro. Muli ring nagpakita si Alonzo ng iba pang mga artworks na nakakabit at naka-display sa kaniyang tahanan.

“Most used part” naman daw ng bahay ni Alonzo ang kaniyang kusina. Mahilig daw kasi talaga siyang magluto at “to feed people.” Dito ay mayroon din siyang coffee machine, dahil mahilig din daw siyang uminom ng kape. Pagbabahagi pa rin ng aktres, ino-organize at nilalagyan niya raw ng “label” ang mga gamit dito dahil para sa kaniya, mas madali raw gumalaw kapag maayos ang kaniyang mga kagamitan. Mayroon din siyang teapots collection dito.

Sunod naman niyang ipinakita ang kaniyang pantry. Naka-label din daw ito upang hindi rin siya malito kung ano ang kukunin niya. At dahil nga medyo maluwang daw ang “space” rito, naging “plate room” na rin daw ito – nilagyan niya na rin kasi ito ng ilan pang mga pinggan.

Nang ipinakita niya na ang kaniyang “dirty kitchen,” ibinahagi niyang minsan ay sumasabay rin siyang kumain kasama ng kaniyang mga kasambahay. Sinabi rin ni Alonzo na pinalagyan niya raw ng mga storage area ang bahaging ito ng kaniyang bahay kahit na wala pa raw gaanong laman, upang maging “nice and clean” daw ito. Hindi naman daw kasi “dirty kitchen” ito ay literal na “dirty” na rin ito. Hindi lang daw ito “kitchen” dahil nagsisilbi na rin daw itong “utility area.”

Ipinakita niya rin ang kaniyang mga Acapulco chairs at Eames chair sa likod ng kaniyang tahanan. Matatagpuan din dito ang kaniyang swimming pool at ang kaniyang “art studio” kung saan siya nagpipinta upang maka-relax.

Sa ngayon ay nag-aabang na ang kaniyang mga fans para sa “part two” ng kaniyang “House Tour” vlog.



Source: Bea Alonzo - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Bea Alonza, ipinasilip kanyang bahay, napakagaganda ng kanyang mga gamit "House Tour"
Bea Alonza, ipinasilip kanyang bahay, napakagaganda ng kanyang mga gamit "House Tour"
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang magandang tahanan ng aktres na si Bea Alonzo matapos niya itong ipakita sa kaniyang latest “House Tour” vlog.
https://1.bp.blogspot.com/-iK6lc2KNxYE/X3f3PVpNRiI/AAAAAAAAQ7I/l2if3jTXZo8078h1AG8dtQWFFNXIC29gQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-iK6lc2KNxYE/X3f3PVpNRiI/AAAAAAAAQ7I/l2if3jTXZo8078h1AG8dtQWFFNXIC29gQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/bea-alonza-ipinasilip-kanyang-bahay.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/bea-alonza-ipinasilip-kanyang-bahay.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy