Noong Oktubre 20, nag-trending ang video ng dalawang Brazilian sisters matapos silang mag-away dahil sa pag-ihip lamang ng “birthday candle....
Noong Oktubre 20,
nag-trending ang video ng dalawang Brazilian sisters matapos silang mag-away dahil
sa pag-ihip lamang ng “birthday candle.” Sa video, makikitang sinabunutang ng birthday celebrant ang kanyang kapatid dahil siya ang umihip sa kanyang birthday candle.
Nagdiriwang daw noon si Maria Eduarda ng kaniyang ikatlong
kaarawan nang biglang hipan ng kaniyang six-year-old na kapatid na si Maria
Antonia ang “birthday candle” na para sana sa kaniya. Dahil dito, nagalit si
Maria Eduarda at sinabunutan ang kaniyang “ate.”
Ngunit, sabi naman ng kanilang tiyahin na si Gabriela Aureluk, nagsindi raw muli ng “birthday candle” ang pamilya matapos ang eksenang nakunan sa viral video. Nag-enjoy naman daw ang dalawang bata sa pagkain sa “birthday cake.”
Sinabi rin ni Aureluk sa “Hugo Gloss,” isang Brazilian
news outlet, na normal lamang daw ang nasabing away ng magkapatid.
“It’s that relationship of sisters. One hour they are
slapping, another time they are hugging.”
Hanggang sa nakarating ang viral video na ito sa
programang “Domingo Legal,” isa sa mga pinakasikat na Sunday news program sa
Brazil. Dahil dito, naimbitahan ang magkapatid sa nasabing programa.
Dito ay “nagtalo” muli ang magkapatid sa pag-ihip sa 500 “birthday candles.” Nang makita nga agad ito ni Maria Antonia, nagliwanag daw agad ang kaniyang mukha at nagawang hipan ang kalahating bilang ng mga kandila sa isang ihip lamang.
Source: Netflix Daily
COMMENTS