Chistian Merck Grey "Makagwapo" nagsalita na

Larawan ay mula sa Google I nirereklamo sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang vlogger na si Christian Merck Grey matapos umano niyang ga...

Larawan ay mula sa Google


Inirereklamo sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang vlogger na si Christian Merck Grey matapos umano niyang gamitin at iwanan sa ere ang kanyang fiancĂ© na si Caffey Namindang, na mas kilala bilang “Makaganda.”

Ayon kay Makaganda, lahat daw ng content nila sa YouTube channel ng kanyang nobyo ay pawang scripted lamang. Kaya raw puro bastos ang laman ng kanilang video ay dahil ito ang gusto ni Grey, kahit na ito’y labag sa kalooban ng babae. Kapag tumatanggi nga raw siya, sinasabi ni Grey na “Para sa atin ‘to.” Sa kanilang mga kinikita, wala umanong natatanggap na hati si Makaganda. Dagdag pa rito, pinagpalit lang din daw siya sa ibang babae.

Halos magkapasa na nga raw si Makaganda sa mga stunts na pinapagawa ni Grey. Nagagalit pa umano ang huli kapag nag-iinarte siya. Kapag naman daw hindi nagawa ni Makaganda ng maayos ang mga linya o pag-arte niya sa kanilang short films, pinapahiya pa siya ng vlogger.

Sa isa nga raw nilang content, naospital daw si Makaganda dahil masakit ang kanyang ulo. Ngunit, ang nilagay raw ni Grey na title ng vlog na iyon ay tila mamamatay na siya. Ito ay sa kadahilanang para dumami ang mga taong manonood sa kanilang videos. Maliban dito, minumura pa raw ng vlogger ang pamilya ng babae.

Ayon nga kay Raffy Tulfo, kung tutuusin ay si Makaganda raw ang nagdadala ng kanilang vlog at siya rin daw ang nagiging pain upang may manood sa kanilang mga contents.

Pahayag pa ni Makaganda, ayos naman na raw sa kanya na sumama si Grey sa bago niyang karelasyon, subalit ang nais niya lamang ay maipaliwanag sa kanya ang totoo kung hindi ba naging sapat ang lahat ng kanyang ginawa.

Laking pagtataka ni Tulfo nang mabanggit ni Makaganda na hindi siya ang humahawak ng kanilang pera, kahit na malaki naman ang tiwala ni Grey sa kanya. Hindi rin daw alam ng babae ang dahilan kung bakit.

Nang makausap naman ang ina ni Makaganda na si Maria Liza Nimandang, sinabi niyang lahat ng pinapagawa sa kanila ni Grey ay kanila umanong ginagawa. Kulang na nga lang daw ay gawin na silang robot ng vlogger. Nagagamit din sila sa mga content ni Grey at ginawa pa siyang kontrabida upang sa kanya raw mabaling ang pamba-bash ng tao. Pumapayag daw siya dahil may plano ang dalawa na pumunta sa Canada at kailangan nila ng malaking gastusin. Subalit, ang plano nina Makaganda at Grey ay para lamang daw sa sarili ng vlogger.

Tumanggi naman si Grey na magpa interview sa programa na kung saan nagreklamo si Makaganda.

Sa kabilang banda ay nagtungo si Grey kay Mark Jayson o mas kilala sa pangalang Makagago, sa vlog ni makagago doon nagsalita si Grey upang linisin din ang kanyang pangalan. Na sinasabi niya doon na taliwas lahat ng mga sinasabi ni Makaganda kay Idol Raffy.

Panoorin ang video:











Source: Makagago Wazzup Man and Raffy Tulfo in Action - Youtube Channels

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Chistian Merck Grey "Makagwapo" nagsalita na
Chistian Merck Grey "Makagwapo" nagsalita na
https://1.bp.blogspot.com/-QMipKioYbmc/X4i7GvoJTUI/AAAAAAAARPA/t01uYxv2B983m1GpMy23oi54zKDYZ9SmACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252815%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-QMipKioYbmc/X4i7GvoJTUI/AAAAAAAARPA/t01uYxv2B983m1GpMy23oi54zKDYZ9SmACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252815%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/chistian-merck-grey-makagwapo-nagsalita.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/chistian-merck-grey-makagwapo-nagsalita.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy