“House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Gapan, Nueva Ecija

Trending ngayon ang isang vlog episode ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga kung saan ay nagsagawa siya ng “House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Ga



Larawan ay mula sa Youtubue video



Trending ngayon ang isang vlog episode ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga kung saan ay nagsagawa siya ng “House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Gapan, Nueva Ecija.


Nagsho-shooting daw ang aktres sa nasabing bayan kaya naman ay nagawa niyang makausap si Mayor Emerson “Emeng” Pascual. 

Larawana ay mula sa Youtbue Video

Nagpasalamat muna si Gonzaga sa alkalde dahil pumayag daw itong makapag-shooting sila sa nasabing bayan. Ani naman ni Pascual, lagi raw silang “welcome” sa kanilang mga bisita.


Taong 1925 raw itinayo ang nasabing tahanan; ibig sabihin ay 95 taon na raw ito. Una nilang pinuntahan ang kusina ng bahay. Dahil nga makulit si Gonzaga ay tiningnan niya ang laman ng refrigerator nina Pascual. Nakipagkulitan at nag-usap silang muli ng alkalde.


Nang lumabas sila sa kusina, ipinakita ni Pascual ang mga pagkaing inihanda nila para sa tanghalian para kina Gonzaga. Tuwang-tuwa ang vlogger at sinabing nag-abala pa raw sina Pascual. Ayos lang naman daw ito, ayon sa alkalde dahil “Alex Gonzaga” naman daw ang kanilang bisita. Biro pa ng aktres, iuuwi niya raw ang mga ito sa kanilang tahanan sa Taytay, Rizal.


Nang mapunta sila sa living room, ipinakilala ni Pascual ang kaniyang mga “batang” bisita kay Gonzaga. Magiliw namang kinumusta ni Gonzaga ang mga lolang ito, kabilang na ang ina ng alkalde.


Matapos nito’y ibinahagi ni Pascual na inaayos nila ang nasabing lugar dahil plano raw nilang ibalik ang itsura ng bayan ng Gapan noong 17th century. Biro muli ni Gonzaga, ba’t hindi raw ito ituloy ng alkalde hanggang Taytay.


Sunod namang nilang ipinasilip sa mga viewers ang “master’s bedroom” ng tahanan ng alkalde. Pagkalabas nila rito’y nakita ni Gonzaga ang isang painting at tinanong kung iyon daw ba ang gagawin nina Pascual sa kanilang lugar. Kinumpirma nga ito ng alkalde at sinabing ganoon daw ang itsura ng “Lumang Gapan.” 


Ibinahagi rin ni Pascual na ang tahanan daw ng kanilang kapitbahay ay dating pagmamay-ari ni Fernando Amorsolo, ang kauna-unahang Pilipinong ginawaran ng National Artist Award.


Sinilip din ni Gonzaga ang mga kuwarto ng mga anak ni Pascual. Pagbabahagi ni Gonzaga, gustong-gusto niya raw ang mga bintanang katulad ng mga nasa kuwartong ito. Sabi naman ni Pascual, hindi raw nila inalis ang orihinal na bahaging iyon ng bintana na mayroon na noong 18th century.


Nang bumaba na sina Gonzaga at Pascual, tinanong ng vlogger kung “original” daw ba ang mga bricks na nakalagay sa mga haligi ng tahanan; kinumpirma naman ito ng alkalde. Pagkatapos ay nakarating na sila sa “man cave” ng tahanan kung saan nagpapahinga raw dito ang alkalde. Dito ay ipinakita rin ni Pascual ang kaniyang kolekiyon ng mga lumang kagamitan, “display” ng mga old car plates, at ang isang kagamitang ginamit daw ni General Douglas MacArthur noong 1942. Maging ang ilang mga gamit daw noon ng mga Amerikano at Hapon noong giyera ay ipinakita rin niya.


Ipinakita rin ni Pascual ang isang kagamitan sa pangangabayo na pagmamay-ari daw noon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay. Ipinakita niya rin maging ang bisikleta raw ng kaniyang lolo noon na pinaayos niya. Mayroon ding turn-table rito kung saan pinagana pa ito ni Pascual. Ibinahagi rin ng alkalde ang gumagana pa ring busina ng kalesa noong araw.


Pagkatapos nito’y binigyan ni Gonzaga ng “ayuda” si Pascual. Pabiro pa nga niyang sinabi na huwag na raw mabahala ang mga taga-Gapan dahil “sagot” niya na raw ang kanilang alkalde.


Muli namang nagpasalamat si Gonzaga sa kabutihang ipinakita ni Pascual hindi lang sa kaniya, kundi pati na rin sa pagtulong nito sa kaniyang nasasakupan ngayong panahon ng pandemya.


Bago matapos ang video ay ibinahagi ni Gonzaga na muli siyang nagpunta sa tahanan nina Pascual kasama sina Toni Gonzaga at Melai Cantiveros.



Source: Alex Gonzaga Official - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: “House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Gapan, Nueva Ecija
“House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Gapan, Nueva Ecija
Trending ngayon ang isang vlog episode ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga kung saan ay nagsagawa siya ng “House Tour” sa tahanan ng alkalde ng Ga
https://1.bp.blogspot.com/-GSVkEvj4eE0/X3kmflk2OsI/AAAAAAAAQ7Y/524sdZuWcRsn5FwKUUGVm0A5hL8eNH2dQCNcBGAsYHQ/s16000/maxresdefault%2B%25281%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-GSVkEvj4eE0/X3kmflk2OsI/AAAAAAAAQ7Y/524sdZuWcRsn5FwKUUGVm0A5hL8eNH2dQCNcBGAsYHQ/s72-c/maxresdefault%2B%25281%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/house-tour-sa-tahanan-ng-alkalde-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/house-tour-sa-tahanan-ng-alkalde-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy