Isang Hotel Supervisor na Thai National, humingi ng tulong kay idol Raffy matapos takbuhan ng Pinoy Trainee na nakabuntis sakanya

Source: Raffy Tulfo in Action Isang Thailand-national ang nagreklamo sa progrmang “Raffy Tulfo in Action” matapos umanong hindi na magparamd...

Source: Raffy Tulfo in Action


Isang Thailand-national ang nagreklamo sa progrmang “Raffy Tulfo in Action” matapos umanong hindi na magparamdam ang kaniyang Filipino boyfriend magmula nang malaman daw nitong buntis siya.

           Sa October 14, 2020 episode ng nasabing programa, ibinahagi ni Tanawan Detchusananart na nagkakilala raw sila ni Honorato Abajar, Jr. sa isang hotel. Supervisor daw doon si Tanawan habang naging trainee niya naman daw noon sa Housekeeping Department si Honorato. Nagkaroon na raw sila ng relasyon matapos noon at nang malaman nga raw ng lalaki na buntis siya ay bigla na lamang daw itong hindi nagparamdam.

Source: Raffy Tulfo in Action

           Ngunit depensa naman ni Honorato, sinabi niya naman daw sa kaniyang mga magulang na buntis ang kaniyang girlfriend. Nais pa nga raw nitong lumipad siya ng Thailand. Subalit marami raw naging problema si Honorato gaya ng problema sa pera at sa kaniyang agency. Idagdag pa na mahirap daw ang sitwasyon ngayon dulot na rin ng COVID-19 pandemic.

           Naging emosyonal naman si Tanawan nang magkausap na silang dalawa. Sinabi niya ring nalaman daw niya sa kamag-anak nito na lilipad sa Japan sa susunod na taon si Honorato.

           Sinabi naman ni Honorato na susubukan daw niyang magpadala ng perang susustento sa kaniyang mag-iina.

Source: Raffy Tulfo in Action

           Matapos nito’y sinabi na lang ni Tanawan na nais niya na lamang magpadala ng pera si Honorato kaysa lumipad ito patungong Thailand.

           P5,000 kada buwan ang suweldo ngayon ni Honorato. Sinabi niyang susubukan daw niyang magpadala ng kalahati nito kay Tanawan.

           Emosyonal namang ibinahagi ni Tanawan na hindi na raw siya naniniwala sa mga sinasabi ni Honorato sapagkat noong lisanin daw nito ang Thailand ay nangako itong babalik daw siya “as soon as possible.” Ngunit hindi na raw ito natupad ni Honorato. Kapag kino-contact daw niya ito ay hindi sila nagkakausap gaya ng pagkakausap nila sa naturang programa.

Source: Raffy Tulfo in Action

           Sa ngayon ay tatanggapin daw muna ni Tanawan ang sinabing halaga ni Honorato. Sinabi naman ng host na si Raffy Tulfo na dapat ay tuparin ito ni Honorato at kung maaari daw ay ipadala niya ito agad o kaya naman ay dagdagan pa ito sa paglipas ng mga araw.

           Subalit sinabi rin ni Tulfo na kung maaari ay magpadala na lamang ng P5,000 ang lalaki sapagkat ibinahagi ni Tanawan na nakapagbibigay naman daw ito ng pinansiyal na tulong sa kaniyang mga kapamilya. Hinikayat na rin ni Tulfo si Honorato na gumawa ng “sakripisyo” para sa kaniyang mag-iina.

Source: Raffy Tulfo in Action

           Sinabi naman ni Honorato na nag-aalala naman din daw siya sa kalagayan ng kaniyang mag-iina. Subalit depensa naman ni Tanawan, kung may pakialam daw talaga siya, sana ay tumawag na raw ito agad noon pa.

           Sa pagtatapos ng video, nangakong muli si Honorato na magbibigay siya ng tulong-pinansiyal kay Tanawan at sa ipinagbubuntis nito. Tugon naman ng babae, “I don’t want any promise, I want you to just do it.”

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang Hotel Supervisor na Thai National, humingi ng tulong kay idol Raffy matapos takbuhan ng Pinoy Trainee na nakabuntis sakanya
Isang Hotel Supervisor na Thai National, humingi ng tulong kay idol Raffy matapos takbuhan ng Pinoy Trainee na nakabuntis sakanya
https://1.bp.blogspot.com/-Zay2zgHMu1s/X5GeQ6ms_sI/AAAAAAAARaQ/69vdWpV6BBkgvura9IRXbAgC60peS_5TQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-22T105901.883.png
https://1.bp.blogspot.com/-Zay2zgHMu1s/X5GeQ6ms_sI/AAAAAAAARaQ/69vdWpV6BBkgvura9IRXbAgC60peS_5TQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-22T105901.883.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-hotel-supervisor-na-thai-national.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-hotel-supervisor-na-thai-national.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy