Isang lalaking palaboy sa kalye, niloko daw ng mga vloggers at ginamit lamang siya para sumikat. Kinuha pa lahat tulong na nalikom para sakanya.

Source: Izelle vlog Sa unang bahagi ng video na i-pinost ng Facebook page na “Izelle Vlog,” binanggit ng isang lalaki na tigilan na ang pagb...

Source: Izelle vlog

Sa unang bahagi ng video na i-pinost ng Facebook page na “Izelle Vlog,” binanggit ng isang lalaki na tigilan na ang pagbibigay ng tulong para sa kanya. Ang mga perang nakalap daw para sa kanya ay mainam na ibigay na lamang sa frontliners, cancer patients, at abandoned persons.

Mga walang hiya po ‘yang mga vlogger na ‘yan, ayaw ko ng ganiyan.” ani ng lalaki. Masakit at mahirap daw para sa kanya na niloko siya ng mga ito.

Ang paggawa ng masama ay hindi nagbubunga ng mabuti. Hindi kayo mananaig. Alam ko ‘yong ginagawa ko sa sarili ko, gusto ko uuwi ako sa sarili kong pamamaraan, na hindi nila ako lolokohin. Huwag po kayong maniniwala doon. ‘Yong mga vlogger na ‘yan, hindi sila magtatagumpay sa akin,” dagdag pa nito.

Source: Izelle vlog

Lahat daw ng gamit niya ay ninakaw. Iniwan daw niya ang mga biyayang natanggap sa may Broadway sa Quezon City. Lahat din daw ng pera ay nasa kanila. Wala raw tumulong sa kanya pauwi at nagtuturuan pa umano sila kung sino ang magha-handle sa kanya.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong tumulong sa kanya.

Ibinahagi ng lalaki sa kumukuha ng video na halos 8.4 million na ang kanyang pagiging viral, at ang perang kinita ay pinaghati-hatian lamang umano ng mga vlogger. Inakala nga raw ng babaeng kumukuha ng video na nakauwi na ito sa kanila, dahil napanood daw niya ang viral video ng lalaki.

Source: Izelle vlog

I want provide on my own. I want to earn money for in a good way, not in wrong,” pahayag pa ng lalaki.

Muli naman siyang nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya. Isa na rito ang isang pulis na itinuring daw siya bilang tao at hindi bilang hayop. Marami na umano siyang nakasalamuhang mayayaman na kung ituring siya’y tila isa siyang hayop.

Pagkukuwento pa ng lalaki, biktima raw siya ng mga sinungaling na vlogger. Mga walang hiya daw sila dahil pinagkakitaan siya ng mga ito.

Source: Izelle vlog

Kasi ma’am, akala nila illiterate akong tao. Marumi lang ako pero ma’am, naiintindihan ko sinasabi ko… aanhin ko ‘yong rangya na ‘yan e sobrang dami. Simple lang ang hangarin ko: makakain ako, makainom ng tubig… sana, matulungan mo ako ma’am na malinis ‘yong pagkatao ko.”

Hindi naman daw siya naghahanap ng pera. At dahil lockdown, kailangan niyang matustusan ang kanyang sarili. Nais lang naman daw niyang mabuhay ng normal at hindi ang pagkakitaan ng iba. Panawagan niya, huwag daw gamitin ang mga tulad niyang mahihirap upang kumita ang mga vlogger.


COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang lalaking palaboy sa kalye, niloko daw ng mga vloggers at ginamit lamang siya para sumikat. Kinuha pa lahat tulong na nalikom para sakanya.
Isang lalaking palaboy sa kalye, niloko daw ng mga vloggers at ginamit lamang siya para sumikat. Kinuha pa lahat tulong na nalikom para sakanya.
https://1.bp.blogspot.com/-jYbM7CxwCO4/X3YgP-xhdxI/AAAAAAAAQ3U/Bw--nD36cTw-TE9kOkI3cGyKXYHPsgYzQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-01T142933.527.png
https://1.bp.blogspot.com/-jYbM7CxwCO4/X3YgP-xhdxI/AAAAAAAAQ3U/Bw--nD36cTw-TE9kOkI3cGyKXYHPsgYzQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-01T142933.527.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-lalaking-palaboy-sa-kalye-niloko.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-lalaking-palaboy-sa-kalye-niloko.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy