Isang palaboy sa kalsada pinaliguan, ginupitan, binihisan at kinupkop ng mga sakristan

Source: Province of Davao de Oro Sa unang tingin mahahabag ka talaga sa kalagayan ng mga palaboy. Bukod sa walang nag-aalaga sa kanila, ang ...

Source: Province of Davao de Oro


Sa unang tingin mahahabag ka talaga sa kalagayan ng mga palaboy. Bukod sa walang nag-aalaga sa kanila, ang pagkain nila ay nakasalalay lamang sa mga magmamagandang loob na mapapadaan at magbibigay sa kanila ng tulong.


Source: Province of Davao de Oro

Source: Province of Davao de Oro

Source: Province of Davao de Oro

Sa kasulukuyang sitwasyon na ating kinakaharap ngayon, lalo silang mas nahihirapang makipagsabayan sa buhay. Kung ikaw ba ay makakakita ng tulad nila sa daan maglalakas-loob ka bang tulungan at mag-aruga sa kanila?

Dahil yan ang ginawa ng mga sakristan ng San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro sa isang palaboy na nag ngangalang Totong. Pinatuloy nila si Totong sa kanilang kumbento, pinaliguan, ginupitan at pinakain rin nila siya.

Source: Province of Davao de Oro

Ayon kay Teotristian Gomez Batutay na isa sa mga sakristan, “Gitabangan namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya [nga] hinlo. [Tinulungan namin siya dahil naawa kami at para narin makita namin siyang malinis].”

Sa mga larawan na ipinost ng Province of Davao de Oro sa facebook, mapapansin agad ang mahabang buhok ni Totong pati narin ang kanyang balbas. Wala rin itong damit pang itaas at sobra dungis ng kanyang buong katawan. Dahil narin siguro hindi siya nakaliligo at walang nag-aaruga sa kanya. Umaasa lamang daw siya sa mga may mabuting loob na nagbibigay ng pagkain kapag siya ay nakikita sa daan.



Source: Province of Davao de Oro

Source: Province of Davao de Oro

Source: Province of Davao de Oro

Sama sama ang pitong sakristan upang siya ay gupitan, paliguan at damitan. Kita sa mga mukha ni Totong ang kasiyahan. Lalo na nang makabihis na siya at nabigyan ng pagkain, Tila hindi mo na siya makikilala mula sa dati niyang itsura. Parang ibang tao na ito matapos siyang maayusan.

Ayon sa isang netizen na nagbigay ng kumento na si Evelyn Golo Buntrosto, sakristan din daw dati si Totong at kanyang kapatid. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Totong sa kanila.

Kuwento rin ni Christabel Orfane, kaya daw pala nakikita nila si Totong na nagsisimba pa rin tuwing Linggo dahil isa pala itong dating sakristan.


Source: Province of Davao de Oro

Source: Province of Davao de Oro


Source: Province of Davao de Oro

Nakatanggap naman ng maraming pagpupuri mula sa mga netizens at sa Province of Davao de Oro ang mga may mabuting loob na sakristan.

“Good job boys. Pinakita ninyo ang katangian ng totoong Kristiyano — matulungin, mahabagin at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap, nangangailangan at ‘yong mga kinalimutan na ng lipunan.”

Kasalukuyang ng nasa pangangalaga ngayon ng San Roque Parish si Totong kasama ang iba pang sakristan.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang palaboy sa kalsada pinaliguan, ginupitan, binihisan at kinupkop ng mga sakristan
Isang palaboy sa kalsada pinaliguan, ginupitan, binihisan at kinupkop ng mga sakristan
https://1.bp.blogspot.com/-_VMDoS8Mx4g/X3dowAzmjJI/AAAAAAAAQ30/5unhk7qLcRMUMQLh9J_swizHCta7-HbOACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-02T135130.422.png
https://1.bp.blogspot.com/-_VMDoS8Mx4g/X3dowAzmjJI/AAAAAAAAQ30/5unhk7qLcRMUMQLh9J_swizHCta7-HbOACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-02T135130.422.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-palaboy-sa-kalsada-pinaliguan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/isang-palaboy-sa-kalsada-pinaliguan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy