Lalaki mula sa negros occidental, nakahukay ng daan-daang piraso ng japanese money! Magkano na kaya ang halaga nito ngayon?

Source: Memories of Old Manila Nahukay ng isang mister sa Negros Occidental ang daan-daang piraso ng hinihinalang Japanese money.           ...

Source: Memories of Old Manila

Nahukay ng isang mister sa Negros Occidental ang daan-daang piraso ng hinihinalang Japanese money.

           Sa Facebook group na “Memories of Old Manila,” sinabi ni Carlito Gajo na nagkaroon daw siya ng pag-asa nang mahukay ang mga ito sapagkat kung saka-sakali raw ay magkakaroon na sila ng pambayad sa mga utang dahil sa pagpapagamot ng kaniyang misis na malubhang karamdaman na lupus.



           “Nakahukay ako ng kahon na may laman na pera ng Japanese government. Sana may halaga ito para matustusan sa pagpapagamot sa misis ko na may lupus. Kinabahan ako at tsaka umiyak ako. Sabi ko baka ito na suwerte ko na makaahon sa kahirapan.

           At nito lamang Linggo, Oktubre 18, naitampok ang karanasang ito ni Carlito sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” At dito na nga nadiskubre kung may halaga ba ang mga nahukay niya sa kanilang bakuran.

           Ayon sa historian at journalist na si Modeto P. Saunoy, ang mga naiwang perang papel kay Carlito ay tinatawag na JIM o Japanese Invasion Money. Ipinakalat daw ito ng mga Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binibigay raw kasi ang mga ito sa mga Pilipino noon at kapag hindi raw nila ito tinanggap ay inaaresto sila ng mga Hapon.

           Sabi naman ni Emerito Montero, isang numismatist o eksperto sa mga pera, maituturing daw ito bilang “collectors’ item” at bawat piraso raw ay nagkakahalaga ng P50 hanggang P100. Subalit dahil sa sira-sira na raw ang mga ito, aabot na lamang daw ito sa P20 kada piraso.


           Nang tinanong naman ni Emerito kung ano ang itsura ng mga baryang nauna nang naibenta ni Carlito sa isang alahera sa halagang P22,100, na kasama ring nahukay kasabay ng mga perang papel, kulay yellow daw ang mga ito. Ani naman ni Emerito, mga “rare item coins” daw ang mga ito at ang bawat piraso ay nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P50,000 – ito raw ang “Alfonso Gold Coin.”


           Sa katunayan nga raw, ang bentahan sa kasalukuyan ng mga nasabing barya ay maaari daw umabot sa P600,000 hanggang P1,000,000 kada piraso.

           Nakapanghihinayang man ang nangyari, tinulungan naman ng nasabing programa ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang buwang gamutan ng asawa ni Carlito at ang pagpapa-abot nila ng kaso ng sakit ng kaniyang asawa sa ospital sa kanilang bayan.

Source: Memories of Old Manila

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaki mula sa negros occidental, nakahukay ng daan-daang piraso ng japanese money! Magkano na kaya ang halaga nito ngayon?
Lalaki mula sa negros occidental, nakahukay ng daan-daang piraso ng japanese money! Magkano na kaya ang halaga nito ngayon?
https://1.bp.blogspot.com/-eJqx8SNTxP4/X41cLVsuziI/AAAAAAAARWk/Mx5WevW9yY0wtgeGIsLAm9C2y-YfN3W7wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-19T052732.639.png
https://1.bp.blogspot.com/-eJqx8SNTxP4/X41cLVsuziI/AAAAAAAARWk/Mx5WevW9yY0wtgeGIsLAm9C2y-YfN3W7wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-19T052732.639.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaki-mula-sa-negros-occidental.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaki-mula-sa-negros-occidental.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy