Lalaki, naghintay ng 12 taon bago nakamit ang inaasam-asam na "Oo" ng kanyang Kasintahan

Source:  Jonah Prado Naghintay siya ng 12 taon bago nakamit ang inaasam-asam na “oo” ng kaniyang kasintahan.            Hinangaan ng mga net...

Source: Jonah Prado

Naghintay siya ng 12 taon bago nakamit ang inaasam-asam na “oo” ng kaniyang kasintahan.

           Hinangaan ng mga netizens ang pag-iibigan nina Jonah Eliza Prado at June Rey Tordecillas dahil makalipas ang halos isang dekada ay natupad na ang kanilang matagal na pinapangarap.

           Ayon sa Facebook post ni Prado kahapon, Oktubre 11, una raw silang nagkakilala ni Tordecillas sa isang essay contest sa Aklan Training Center noong Setyembre 17, 2008. Kalahok daw siya noon sa nasabing patimpalak habang Sangguniang Kabataan (SK) Federation President naman daw noon si Tordecillas.

           “Never ko syang pinansin kasi nagsusulat nga ako… Istorbo, hindi ako Maka concentrate… Pag ako natalo, kasalanan nya!

           Pagbabahagi pa ni Prado, habang nagtatalumpati raw noon si Tordecillas ay sa kaniya lamang daw ito nakatingin. Nahihiya na raw siya dahil nagtataka na raw ang ilang mga contestants dahil sa ginagawang ito ni Tordecillas.

           “When I was about to receive the certificate… Hinila nya ako palapit… Natisod ako… And then… bigla ko na lang syang niyakap (yung akala mong sa movie lang na eksena).”

           Nang maging “licensed teacher” na raw si Prado, inaya na raw siya ni Tordecillas na magpakasal subalit tumanggi raw siya dahil “hindi pa ako ready, bawal pa sa bahay.”

           Nang naging full time teacher na raw siya habang isa ng seaman ang kaniyang kasintahan, nagyaya raw muli itong magpakasal ngunit sagot daw niya, “NOT YET keen… wala pa akong lakas ng loob.”

           Taong 2015 daw nang mapagdesisyunan na nilang ituloy ang balak nilang pagpapakasal subalit pareho umanong humarap sa matitinding pagsubok ang kani-kanilang pamilya kaya pinili nilang huwag muna itong ituloy.

           “Ang pinag ipunan namin na pera for three years para sa kasal… back to zero… Can you imagine how we were so sad that time… We are comforted by the fact that our families were both OK and healthy.”

           Lumipas ang tatlong taon, si Prado naman daw ang umaya kay Tordecillas kung maaari na ba nilang ituloy ang kasal subalit “sya na ang nagsabi na hindi na muna. He will have to change his profession, and I was about to change also my school. It was a mutual decision na WAG MUNA…”

           Matapos noon ay hindi na raw nila muling pinag-usapan ang tungkol sa kanilang kasal. Ngunit pagbabahagi pa rin ni Prado, “In between the silence of waiting during those years was our loudest prayers… IKAW NA LANG LORD… IT IS UP TO YOU LORD.”

           Naging bumbero na raw si Tordecillas, at kung tatanungin daw ito kung bakit siya nagpalit ng propesyon, ang kaniya raw sagot: “In the name of love.”

           Hanggang sa nangyari na nga ang matagal nilang hinihintay.

           “Blessed are they who wait… Who wait with prayers” ayon nga kay Prado dahil nito lamang Oktubre 10, 2020 ay natupad na nga ang pangarap nilang ma-“engaged” sa isa’t isa.

           “YES KEEN. Him after: Hindi pa nga ako nagsasalita eh…”

           Kahit hindi na raw magtanong si Tordecillas, “I was reserving my answer for the longest time too as you were keeping the question long before.”

           Dagdag pa ni Prado, napakahirap daw talagang maghintay subalit magiging maganda raw ang resulta nito kung sasamahan ng “dasal at pagmamahal.”

           Sa ngayon, mayroon nang higit 77,000 reacts, halos 7,400 comments at higit 40,000 shares ang post ni Prado.


Source: Jonah Prado

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaki, naghintay ng 12 taon bago nakamit ang inaasam-asam na "Oo" ng kanyang Kasintahan
Lalaki, naghintay ng 12 taon bago nakamit ang inaasam-asam na "Oo" ng kanyang Kasintahan
https://1.bp.blogspot.com/-G7fYS3PsAHw/X4Se8pr7waI/AAAAAAAARLQ/Ibq2mGQbrx83uiI0vMDu__u17kG_DhpUACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-G7fYS3PsAHw/X4Se8pr7waI/AAAAAAAARLQ/Ibq2mGQbrx83uiI0vMDu__u17kG_DhpUACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaki-naghintay-ng-12-taon-bago.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaki-naghintay-ng-12-taon-bago.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy