Lalaking nagnakaw ng helmet nahuli ng may-ari. Nakatikim pa ng Palo ng tsinelas mula sa kanyang Nanay

  Source:  KRT-Kamihemo Racing Team Huli ang isang lalaki matapos nakawin umano ang helmet ng isang driver; pinalo pa ng kaniyang nag-aalala...

 

Source: KRT-Kamihemo Racing Team

Huli ang isang lalaki matapos nakawin umano ang helmet ng isang driver; pinalo pa ng kaniyang nag-aalalang ina.

           Sa Facebook page na “KRT-Kamihemo Racing Team,” ibinahagi ang isang three-minute-19-second video kung saan hawak ng isang rider sa damit ang lalaking nagnakaw umano ng kaniyang helmet. Kasama ang isa pa niyang kasamahan, naglakad sila sa gilid ng kalsada patungo sa lugar na itinuturo ng lalaki kung saan daw niya inilagay ang helmet.

           Tinatanong nila ang lalaki kung totoo ba ang sinasabi nitong direksiyon sapagkat kanina pa raw sila naglilibot sa lugar na iyon.


           Ilang saglit lamang ay may humabol na babae sa kanila at nagpakilalang nanay ng lalaki. Sinabi naman agad ng mga rider na hindi raw nila ipapahuhuli ang anak niyang ito basta’t sasabihin niya lamang daw kung saan niya inilagay ang nawawalang helmet.

           Bigla na lamang nagalit ang nasabing nanay at pinagsusuntok ang kaniyang anak. Inalis pa nito ang kaniyang tsinelas saka ipinalo sa lalaki. Habang ginagawa niya ito ay nagsisigaw siya at nagagalit dahil ilang beses na raw niyang pinagsabihan ang anak niyang ito subalit hindi pa rin daw ito nagtitino. Napapagod na raw siya at galit na sinasabi sa anak na lagi na lamang daw kahihiyan ang ibinibigay niya sa kanilang pamilya.

           Tinanong ng nanay kung kailan daw ito ginawa ng kaniyang anak. Sinabi naman ng mga rider na kani-kanina lamang daw ito nangyari, ayon pa rin sa laman ng nasabing video.

           Nagpapatulong naman ang lalaki sa kaniyang ina na kunin ang helmet sa itinuturo niyang direksiyon. Subalit nagtapos ang video sa pagsasabi ng ina na bahala raw siyang maghanap kung nasaan ang helmet na kinuha niya.

           Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanila:

           “‘Anak ko yan’ One of the most sweetest word na narinig ko. Kahit anu ka pa, magnanakaw, pariwara, o adik, lagi nating tatandaan na mahal tayo ng magulang natin. Minsan sila yung rasun kung bakit tayo ganyan pero 90% of those reasons kung bakit tayo nagkakaganyan is ang sarili natin because we make a choice, ginusto natin yan eh, tayo ang may kagagawan sa sarili natin at Hindi ang mga magulang natin. So be a good son/daughter, gawin mong isang mabuting halimbawa ang mga sakripisyo at pagod ng magulang paRa lang sa ikakabubuti natin. Kaya't sa mga taong pariwara, adik, o anu mang tawag sa inyo, mag bago na kayo, kasi Hindi lang sarili pinapahirapan niyo kundi pati magulang niyo. We have a choice, but always choose to be better.

           “Never hurt your mom nothing is painful than seeing tears in her eyes.

           “Kawawa yung magulang halos atakihin sa puso sa sobrang sama nang loob, Sana nagtrabaho ka na lang nang matino, Mahirap mag trabaho pero mas masaya naman sigurong makita mo yung nanay mo na naka ngiti kaysa ganyan nakaka awa.

           Sa ngayon ay mayroon na itong higit 137,000 reacts, halos 11,000 comments at higit 34,000 shares sa Facebook.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaking nagnakaw ng helmet nahuli ng may-ari. Nakatikim pa ng Palo ng tsinelas mula sa kanyang Nanay
Lalaking nagnakaw ng helmet nahuli ng may-ari. Nakatikim pa ng Palo ng tsinelas mula sa kanyang Nanay
https://1.bp.blogspot.com/-eIfWj4wtMWY/X5GYs0BEmwI/AAAAAAAARZs/2I07oZLvvG03d-aj63-k4n8khWKcW_JHQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-22T103509.082.png
https://1.bp.blogspot.com/-eIfWj4wtMWY/X5GYs0BEmwI/AAAAAAAARZs/2I07oZLvvG03d-aj63-k4n8khWKcW_JHQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-22T103509.082.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaking-nagnakaw-ng-helmet-nahuli-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/lalaking-nagnakaw-ng-helmet-nahuli-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy