Mag-biyenan, inireklamo ng Mag-lna matapos silang dalawa ay magtanan

Source:  Raffy Tulfo in Action Isinumbong ng mag-ina ang kani-kanilang mga asawa sa programang “Raffy Tulfo in Action” matapos umano silang ...

Source: Raffy Tulfo in Action

Isinumbong ng mag-ina ang kani-kanilang mga asawa sa programang “Raffy Tulfo in Action” matapos umano silang tumakas upang magtanan.

Inireklamo ni Myla Pineda at ang anak niyang si Crismark Pineda ang kanilang mga asawang sina Benjamin Pineda (mister ni Myla) at Girlyn Pineda (misis ni Crismark). Nakipagrelasyon si Benjamin sa asawa ng kanyang anak.

Nadiskubre daw ito nina Myla nang iba na ang ikinikilos ng dalawa. Ayaw nga raw niyang mag-isip ng masama dahil tila mag-ama na rin ang turingan nila. Ayon naman kay Crismark, 2014 sila ikinasal ni Girlyn at 11 years na raw silang magkarelasyon. Nagpapadala raw ng mga resibo ang tatay niya sa kanyang asawa. Nag-abroad daw ang kanyang tatay at baka sa mga video chat na sila nagka-develop-an ng kanyang misis.


Kinompronta nga raw ni Crismark sina Benjamin at Girlyn noong Agosto 19. Nang tinanong daw niya kung mahal ba nila ang isa’t isa, harap-harapang sinabi ng dalawa na “Oo.” Kuwento pa ni Crismark, nang minsang bibili ng vetsin ang kanyang inang si Myla, hinablot nito ang cellphone ni Girlyn dahil na rin sa pagdududa. Nakita nga raw nila sa cellphone ang chat nina Benjamin at Girlyn.


Nang mag-for good na umano si Benjamin, tila nag-iba na ang mga kilos nito. Maging si Girlyn, umaayaw na raw kapag tinatabihan ni Crismark sa gabi. Nang maganap ang komprontasyon, sinabi pa raw nila kung sino ang unang nag-approach. Pinauwi nga ni Crismark ang kanyang asawa sa pamilya nito para mahinto na ang kanyang relasyon sa kanyang ama.

Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, “Iba po ‘to e. It’s not simple lamang na pandadaya. By the very fact na… kumbaga mag-manugang dapat ‘yong dalawa, it’s psychologically straining para sa complainant natin. So do’n palang may psychological abuse na, sir Raffy.”

Nasasangkot daw rito ang mga kasong Violence Against Women and Children (VAWC) para kay Benjamin, at crime of concubinage para sa kanilang dalawa ni Girlyn.


Samantala, nang tinanong naman ni Raffy Tulfo si Crismark kung mayroon ba silang anak ni Girlyn, mas naging emosyonal pa ito at sinabing may anak silang anim na taong gulang. Dahil dito, maaari ding makasuhan si Girlyn ng child abuse.

Mensahe naman ni Myla sa kanyang mister, “Alam po ng Diyos kung gaano ko kamahal ‘yong asawa ko. Kahit po gano’n ‘yong ginawa niya, binigyan ko siya ng pagkakataon. Sinabi ko sa kanya, tutulungan ko siya, para malimutan niya. Ayoko pong i-blame sa kanya ‘yong lahat ng pagkakamali, sir Raffy. Tao din po kasi tayo. Pero hindi niya po ako pinapakinggan.

Para naman kay Crismark, “Kung may panahon pa sila. Habang may panahon pa, habang may tiyansa pa, kunin na nila. I-grab na nila. Na magpakita sila, harap-harapan.”

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mag-biyenan, inireklamo ng Mag-lna matapos silang dalawa ay magtanan
Mag-biyenan, inireklamo ng Mag-lna matapos silang dalawa ay magtanan
https://1.bp.blogspot.com/-WIajFQNz9_0/X3tLTZafAKI/AAAAAAAAQ8s/DFM9s9Smz4wQlFmKVGlIuc_9o1eyWySLQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-05T123403.512.png
https://1.bp.blogspot.com/-WIajFQNz9_0/X3tLTZafAKI/AAAAAAAAQ8s/DFM9s9Smz4wQlFmKVGlIuc_9o1eyWySLQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-05T123403.512.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/mag-biyenan-inireklamo-ng-mag-lna.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/mag-biyenan-inireklamo-ng-mag-lna.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy