Mga Lalake sa Denmark, naghahanap ngayon Ng Mga Filipina'ng mapapangasawa dahil sa sobrang baba ng populasyon nila ngayon doon

Source: Google images Naghahanap ngayon ang mga lalaking residente ng Faroe Islands sa Denmark ng mga babaeng mapapangasawa dahil sa patuloy...

Source: Google images

Naghahanap ngayon ang mga lalaking residente ng Faroe Islands sa Denmark ng mga babaeng mapapangasawa dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang populasyon doon.

           Bagama’t nasa 50,000 daw ang bilang ng mga tao sa nasabing lugar, patuloy pa ring bumababa ang populasyon ng Faroe Islands.

           Marami daw sa mga lalaking residente dito ang nagnanais na makapag-asawa subalit kulang daw ng 4% ang populasyon ng mga kababaihan sa lugar na ito.

Source: Google images


           Subalit dahil na rin daw sa patuloy na pag-unlad at pagbabago ng teknolohiya, natuto raw silang gumamit ng mga “dating apps.” Karaniwan daw silang naghahanap ng mga babaeng taga-Asya. Kung hindi naman “dating apps,” naghahanap naman daw ang ilan sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigang may kakilalang Asyana.

Source: Google images

           Patunay na nga raw dito ang 300 mga kababaihang nagmula sa Asya na lumipat na sa Faroe Islands upang makasama ang kani-kanilang mga kasintahang nakilala nila sa mga “dating sites.” Sa katunayan pa nga raw, ang grupo ng mga taga-Asya ang siyang pinakamalaking “ethnic minority” ngayon sa 18 isla ng nasabing lugar.

Source: Google images

           Nalalagasan daw kasi ng populasyon ang Faroe Islands dahil sa malawakang paglipat ng mga residente sa ibang bansa upang maghanap ng trabaho at upang magkaroon ng mataas na edukasyon. Hindi na rin daw sila bumabalik, ayon kay Prime Minister Axel Johannesen.

           At kahit daw kakaiba ang kultura at klima dito, hindi raw ito alintana para sa Pilipinang si Antonette Egholm.

Source: Google images

           Sa kaniyang panayam kay Tim Ecott ng BBC, sinabi ni Antonette na palakaibigan daw ang mga tao sa Faroe Islands. Malayo raw ito sa Pilipinas na talamak ang mga krimen at matindi ang traffic. Dagdag pa niya, maaari mo pa raw iwanang bukas at hindi nakakandado ang bahay mo sa Faroe Islands. Natutuwa rin daw ang Pilipina sa maayos na sistema ng kanilang serbisyong medikal at ang kalidad ng edukasyon nila roon.

           Ayon naman kay Regin, kabiyak ni Antonette, hindi raw dapat katakutan ang pagkakaroon ng iba’t ibang lahi bagkus ay yakapin daw ito. Sa katunayan ay nangangailangan daw talaga sila ng mga bagong tao sa kanilang isla.

           “We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restricted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.

Source: Google images

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mga Lalake sa Denmark, naghahanap ngayon Ng Mga Filipina'ng mapapangasawa dahil sa sobrang baba ng populasyon nila ngayon doon
Mga Lalake sa Denmark, naghahanap ngayon Ng Mga Filipina'ng mapapangasawa dahil sa sobrang baba ng populasyon nila ngayon doon
https://1.bp.blogspot.com/-lSOUzh1VmTQ/X34CVCmqBGI/AAAAAAAARAw/jYQ2BRs_zJ8fAo8hLQL83POBCbcpTiBlwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-07T140006.819.png
https://1.bp.blogspot.com/-lSOUzh1VmTQ/X34CVCmqBGI/AAAAAAAARAw/jYQ2BRs_zJ8fAo8hLQL83POBCbcpTiBlwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-07T140006.819.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/mga-lalake-sa-denmark-naghahanap-ngayon.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/mga-lalake-sa-denmark-naghahanap-ngayon.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy