Mister, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil si Misis nabuntis ng kanyang utol habang siya ay nasa abroad

Source: Raffy Tulfo in Action Inireklamo ng isang lalaki ang kaniyang asawa at ang kaniyang kapatid sa isang episode ng “Raffy Tulfo in Acti...

Source: Raffy Tulfo in Action

Inireklamo ng isang lalaki ang kaniyang asawa at ang kaniyang kapatid sa isang episode ng “Raffy Tulfo in Action” matapos mapabalitang  may relasyon ang dalawa.

           Nagtatrabaho ngayon sa Taiwan si Bhagz Salazar. Hindi raw niya alam kung ano ang nangyayari hanggang sa nalaman na nga niyang nabuntis na raw ng kaniyang kapatid na si Jefsie ang kaniyang asawang si Aprilyn.

           Nagulat na lamang daw si Bhagz nang umalis na sa kanilang tahanan si Aprilyn. Samantala, kinumpronta niya naman si Jefsie at nang tinanong nga raw niya kung totoo ang balita, ang sinabi lamang daw niya ay “Sorry.” Isang beses lang naman daw iyon nangyari hanggang sa naging apat na beses na raw. Subalit, pahayag ni Bhagz, habang tumatagal ay gumagawa na lamang daw sila ng kuwento. Sinabi kasi ni Jefsie sa kaniya isang araw na hindi raw sa kaniya ang ipinagbubuntis ni Aprilyn.


           Nang tinanong naman ng host na si Raffy Tulfo kung payag ba siyang ipakulong ang sariling kapatid, sumang-ayon dito si Bhagz. Aniya, pabigat lamang daw ang kapatid niyang ito sa kanilang pamilya – ni mga anak daw nito’y sila pa ang nagbibigay ng sustento. Dagdag pa ni Bhagz, “adik” daw si Jefsie at hanggang ngayon ay tila gumagamit pa rin daw siya ng ipinagbabawal na gamot.

           Nang kinausap naman daw ni Bhagz si Aprilyn, sinabi raw nitong ginawa raw nila iyon dahil gusto nila. At gusto raw nila ang isa’t isa.

           Ayon naman kay Barangay Chairman Bienvenido Junio ng Barangay Tambac, Bayambang, Pangasinan, magkakaroon daw sana ng pag-uusap sa kanilang barangay ang magkabilang panig subalit hindi raw sumipot ang kampo nina Aprilyn dahil iyon daw ang sinabi sa kanila ng kanilang abogado.


           Nang sumangguni naman si Tulfo kay Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff – Office of Representative Jocelyn Tulfo (ACT-CIS Partylist), nakikitaan daw niya ang isyung ito ng “clear case of adultery.

           Itutuloy raw ni Bhagz ang pagsasampa ng kaso sa dalawa dahil “grabe” raw ang ginawa nila sa kaniya.

           Nang makausap naman na ni Tulfo si Aprilyn, sinabi niyang itinatanggi raw ni Bhagz noong una ang kanilang panganay na anak. Subalit depensa naman niya, matagal na raw na isyu iyon dahil bata pa raw sila nang mga panahong iyon; sa katunayan nga raw ay apat na ang kanilang anak.

           “Kapit sa patalim” daw ang ginawa ni Aprilyn kaya siya nagpabuntis kay Jefsie. Iba na raw kasi ang trato sa kaniya ng kaniyang asawa at si Jefsie raw ang sumusuporta sa kaniya.

           Sinasaktan daw ni Bhagz si Aprilyn at “binababoy” rin daw siya nito. Subalit turan naman ni Bhagz, pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi ng kaniyang asawa at binabaliktad lamang siya nito. Lahat daw kasi ng sinasabi ni Aprilyn ay ang mismong ginagawa nila ni Jefsie, base sa mga hawak niyang screenshots ng kanilang conversation.

           Hindi naayos ang isyu ng dalawa kaya nagdesisyon na lamang silang sa korte na lamang mag-usap.

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mister, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil si Misis nabuntis ng kanyang utol habang siya ay nasa abroad
Mister, humingi ng tulong kay idol Raffy dahil si Misis nabuntis ng kanyang utol habang siya ay nasa abroad
https://1.bp.blogspot.com/-AAICIdIUL-A/X4Xnac2zi8I/AAAAAAAARNM/V6OufwE2_uA-e3WyADjKRO3KfvjjH9ITACNcBGAsYHQ/s16000/Mister.png
https://1.bp.blogspot.com/-AAICIdIUL-A/X4Xnac2zi8I/AAAAAAAARNM/V6OufwE2_uA-e3WyADjKRO3KfvjjH9ITACNcBGAsYHQ/s72-c/Mister.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/mister-humingi-ng-tulong-kay-idol-raffy.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/mister-humingi-ng-tulong-kay-idol-raffy.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy