Naaalala niyo pa ba ang mag-nanay na minaltrato ng kanilang Amo? Malapit na nilang makamit ang hustisya!

Source:  Raffy Tulfo in Action Makalipas ang halos walong buwan, muling nagbigay ng update ang programang “Raffy Tulfo in Action” tungkol sa...

Source: Raffy Tulfo in Action

Makalipas ang halos walong buwan, muling nagbigay ng update ang programang “Raffy Tulfo in Action” tungkol sa “Trifona Case” na unang ipinalabas noong Pebrero.

           Una munang sinundo ng team ng nasabing programa ang inang si Angelina Tobia at ang anak nitong si Rhea sa kanilang tahanan upang mapag-usapan daw ang kasong isasampa nila sa amo nilang si Trifona kasama ang kanilang abogado.


           Makalipas ang isang oras, nagkausap na rin ang mag-ina at ang abogado. Hiningi raw niya sa mag-ina na ihanda ang mga orihinal na kopya ng kanilang mga papeles, mga medico-legal at iba pang mga dokumentong kakailanganin. Ang abogado na raw ang mag-aayos matapos itong makumpleto at saka na raw ihahanda ang pagsasampa ng kaso.

           Makalipas ang ilang araw ay muling sinundo ng team ang mag-ina upang isagawa na ang pagfa-file ng kaso laban sa dati nilang amo. Nagtungo sila sa DasmariƱas Community Affairs Building sa DasmariƱas City, Cavite. Dito ay pumirma na ng dokumento ang mag-ina sa isasampang kaso. Matapos nito’y nagtungo na rin sila opisina ng City Prosecutor.

           Matapos nito ay ibinahagi ni Rhea ang “good news” – binigyan daw sila ng kopya ng mga dokumentong pinirmahan nila sa pagfa-file ng kaso. Aniya pa, “Salamat po Idol Raffy. Malapit na po naming makamit ang hustisya po namin.”

           Nang kinumusta ng isang reporter ng nasabing programa ang mag-ina, naging emosyonal si Angelina dahil masaya raw siya sa kung anong nararanasan nila ngayon. Muli ring nagpasalamat si Rhea kay Raffy Tulfo dahil hindi raw nila matatamo ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong niya.

           Natuwa naman ang team at ang mga netizens dahil talaga raw alagang-alaga ang mag-ina ng kumupkop sa kanila na si Rose Ann Metica Piritos. Hindi naman daw sila kaiba sa kanila dahil unang-una raw ay tiyahin ng kaniyang asawa si Angelina. Masaya rin naman daw para sa kanila na makitang nasa maayos nang kalagayan ang mag-ina matapos ang nangyari sa kanila.

           At lingid daw sa kaalaman ng mag-ina, namili ang team ng nasabing programa ng mga grocery supplies para sa kanila bilang karagdagang regalo para sa kanila mula kay Idol Raffy. Matapos nito’y ibinigay ng reporter ng nasabing programa ang perang “regalo” rin ni Tulfo sa mag-iina.

           Matatandaang nagreklamo ang mag-ina sa nasabing programa matapos makaranas ng matinding pang-aabuso at hirap sa dati nilang among si Trifona.


COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Naaalala niyo pa ba ang mag-nanay na minaltrato ng kanilang Amo? Malapit na nilang makamit ang hustisya!
Naaalala niyo pa ba ang mag-nanay na minaltrato ng kanilang Amo? Malapit na nilang makamit ang hustisya!
https://1.bp.blogspot.com/-s_iqDV3OdNU/X3l6vjnN-uI/AAAAAAAAQ8M/P3fHNNGKCfYFkobSYN71PEWKUsxJeEwyACNcBGAsYHQ/s16000/NOON.png
https://1.bp.blogspot.com/-s_iqDV3OdNU/X3l6vjnN-uI/AAAAAAAAQ8M/P3fHNNGKCfYFkobSYN71PEWKUsxJeEwyACNcBGAsYHQ/s72-c/NOON.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/naaalala-niyo-pa-ba-ang-mag-nanay-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/naaalala-niyo-pa-ba-ang-mag-nanay-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy