Source: Ana Capri IG Nakilala ang aktres na si Ana Capri, o Ynfane Avanica sa totoong buhay, sa mga pelikula noong dekada ’90. At dito na ...
![]() |
Source: Ana Capri IG |
Nakilala ang aktres na si
Ana Capri, o Ynfane Avanica sa totoong buhay, sa mga pelikula noong dekada ’90.
At dito na nagsimulang umusbong ang kaniyang karera.
Unang lumabas sa pelikulang “Virgin People 2” si Capri
noong 1996. Dito ay nakasama niya sina Sunshine Cruz, Sharmaine Suarez at
Tonton Gutierrez. Ang nasabing pelikula ay idinirek ng namayapa nang direktor
na si Celso Ad Castillo.
Nakilala man bilang isang “sexy actress,” hindi rin naman
maikakailang mayroong “undeniable acting powers” si Capri na kaniya namang
pinatunayan sa mga karakter na ginampanan niya sa telebisyon man o sa pelikula.
Sa katunayan ay nakatanggap na siya ng ilang mga parangal.
Nakuha niya ang “Best Actress Awards” dahil sa mga karakter niya sa “Pila
Balde” (1999) at sa pelikulang idinirehe ni Briccio Santos na “Ala Verde, Ala
Pobre” (2005).
Nito lamang din 2017 nang maiuwi rin ni Capri ang “Movie
Supporting Actress of the Year” sa 33rd Star Awards for Movies dahil
sa kaniyang pagganap sa pelikulang “Laut.”
Subalit nasaan na nga ba ngayon si Capri?
Kasalukuyan siyang “happily in love” sa kaniyang Australian
husband na si Dave. Matatandaang noong 2019 nang ipaalam ng aktres na ikinasal
na sila matapos ang tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.
Hindi man masiyadong “active” sa kaniyang social media
account, subalit makikita naman sa kaniyang Instagram account ang kaniyang mga
larawan kasama ang kaniyang anak na inilarawan niya bilang “my Lil star, my
love, my life.”
COMMENTS