Tadyak at Suntok ang inabot ng Anak matapos mahuli ang Ama na angkas sa motor ang kaniyang kabit

Nang kausapin na ang inirereklamong ama na si Virgilio Cagayat, sinabi ni Raffy Tulfo ni marami ang kasong puwedeng isampa sa kanya. Itinanggi ni Virg

Larawan: Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action

Inireklamo ng isang anak ang kanyang ama sa programang “Raffy Tulfo in Action,” matapos umano siyang suntukin at sipain dahil nahuli niya itong kaangkas ang kabit sa motor.

Isang CCTV footage ang ipinalabas at makikita rito kung paanong sinugod ng ama ang kanyang anak upang suntukin at sipain, habang inaawat siya ng kanyang kalaguyo. Natumba pa ang anak dahil sa ginawang pananakit.

Ayon sa nagrereklamong anak na si Alaissa Marie Cagayat, matagal na raw nilang alam na nagsasama ang kanyang ama at kalaguyo nito. Nagba-bike raw sila nang makasalubong niya ang kanyang ama at ang kabit nito. Nagkatitigan daw sila ng kabit at dahil sa galit, sinabihan niya itong “Kabit!” Binalikan daw siya ng tatay niya at nagkasagutan silang mag-ama. Ilang sandali pa, paalis na raw ang kanyang ama. Ngunit nang kinuha niya ang cellphone upang video-han ang dalawa bilang ebidensyang magkasama sila, dito na umano siya sinugod ng kanyang tatay.



Nang kausapin na ang inirereklamong ama na si Virgilio Cagayat, sinabi ni Raffy Tulfo ni marami ang kasong puwedeng isampa sa kanya. Itinanggi ni Virgilio ang ginawang pananakit at kukunin lamang niya ang cellphone na hawak ng kanyang anak. Ayon naman sa kanya, bibili raw sila ng kanyang kinakasama ng ulam. Hindi raw niya nakilala ang anak niya dahil malabo ang kanyang mata. “Lapastangang anak” daw ito nang sumigaw siya ng “Kabit!” Hinabol niya ang kanyang anak dahil hindi raw maganda ang ginagawa nito.

Larawan: Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action

Larawan: Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action


Bukod dito, sinabi pa ni Virgilio ang ginawang mga “baho” umano ng kanyang asawang si Conchita Cagayat tulad ng pagnanakaw ng pera, pagiging lasinggera, at gumagamit ng droga. Hindi raw ito itatanggi ni Conchita at nangakong hindi na ito uulitin pa.

Hindi rin daw payag si Alaissa na makipag-ayos sa barangay, dahil sinugod daw sila ng kanyang ama sa kanilang tahanan at sinabing kung hindi sila titigil ay hindi rin daw siya hihinto. Willing din si Conchita na sampahan ng kaso ang kanyang asawa sa kadahilanang ilang beses na rin daw siyang pinagbabantaang patayin.

Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, ang malinaw na maaaring ikaso kay Virgilio ay ang Violence Against Women and Children (VAWC), grave threat, at concubinage. Kung susumain, posibleng makulong ang inirereklamong ama ng halos 24 na taon. Ipinaubaya naman ni Tulfo ang kaligtasan ng mag-ina kay P/SSGT. Hebert Padilla, Chief Investigation, Pakil Laguna PNP. Nagpasalamat naman sina Conchita at Alaissa sa pagtulong sa kanila ni Tulfo.


Source: Rafft Tulfo In Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,398,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Tadyak at Suntok ang inabot ng Anak matapos mahuli ang Ama na angkas sa motor ang kaniyang kabit
Tadyak at Suntok ang inabot ng Anak matapos mahuli ang Ama na angkas sa motor ang kaniyang kabit
Nang kausapin na ang inirereklamong ama na si Virgilio Cagayat, sinabi ni Raffy Tulfo ni marami ang kasong puwedeng isampa sa kanya. Itinanggi ni Virg
https://1.bp.blogspot.com/-ZosxB-0ID8Y/X41UX9ckghI/AAAAAAAARV8/mnWvv3Wl57UKOgexMGlx_eTdHrilWyiswCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-ZosxB-0ID8Y/X41UX9ckghI/AAAAAAAARV8/mnWvv3Wl57UKOgexMGlx_eTdHrilWyiswCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/tadyak-at-suntok-ang-inabot-ng-anak.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/tadyak-at-suntok-ang-inabot-ng-anak.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy