Viral: Ice cream vendor na may isang paa lang, masayang masaya sa natanggap niyang tulong

Nang tinanong ni Basel kung ano ang nangyari sa paa ng lalaki, sinabi nitong bumukol daw ito noon hanggang sa nadiskubreng isa itong tumor. Kaya upang

Larawan ay mula sa Google


        Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang vlogger na si Basel Manadil, o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” matapos tulungan ang isang may kapansanang nagtitinda ng ice cream sa kalsada.

Sa kaniyang vlog nitong Oktubre 09, bibili raw sana ng tiles si Basel para sa kaniyang bagong renovate na bahay sa Alabang nang makita niya ang isang lalaking putol ang isang binti at nakasaklay na nagtitinda ng ice cream sa gilid ng kalsada.

Nilapitan ng vlogger ang tindero. Kinausap niya ito at tinanong kung taga-saan siya at kung gaanong katagal na siyang nagtitinda. Sa Las PiƱas daw nakatira ang tindero at tatlong taon na raw siyang nagtitinda ng ice cream.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google


Nagtitinda raw ang nasabing lalaki ng ice cream tulad ng ice buko at pinipig dahil kasalukuyan daw silang magkakapamilya na nakatira sa isang bahay na may rentang P5,000 kada buwan, kaya kumakayod daw siya para dito.

Noong una raw ay inakala ng vlogger na isang Grab driver ang nasabing tindero dahil kulay berde raw ang kaniyang damit. Ngunit sabi naman ng lalaki, hindi siya isang Grab driver kundi isang ice cream vendor.

Nang tinanong ni Basel kung ano ang nangyari sa paa ng lalaki, sinabi nitong bumukol daw ito noon hanggang sa nadiskubreng isa itong tumor. Kaya upang maalis daw ito, kinailangang putulin ang kaniyang isang binti.

Subalit hindi raw ito naging dahilan upang hindi na raw kumayod ang nasabing tindero. Dahil sa kaniyang pamilya – asawa at apat na anak – nagpatuloy siyang lumaban at harapin ang buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng ice cream.

Hanggang sa sinabi na nga ng vlogger na nakita niya raw ang lalaking nagtitinda ng ice cream kahit na nakasaklay ito. Inihayag na nga ni Basil na bibilhin niya raw ang lahat ng paninda ng ice cream vendor. At hindi lang daw iyon, sapagkat bibigyan daw niya ito ng “extra money” at babayaran niya pa raw ang kanilang renta.

Masaya namang nagpasalamat ang ice cream vendor. Subalit sinabi niyang nahihiya raw siya na baka pagtinginan sila ng tao kapag ibinigay na sa kaniya ng vlogger ang pera. Kaya nagdesisyon si Basel na magtungo sila sa isang bahagi ng kalsada upang maiwasan ang pagtingin sa kanila ng mga tao.

Nang ibinigay na ni Basel ang kaniyang pera, inamin ng vendor na nahihiya raw siya. Subalit sinabi ng vlogger na huwag siyang mahiya. Muling nagpasalamat ang lalaki at sinabing sobrang saya raw niya. Hindi raw siya susuko para sa kaniyang pamilya.

Bago naghiwalay ang dalawa, pinaalalahanan ni Basel ang lalaki na huwag kalimutang kumain, ingatan ang pera at ingatan din ang sarili.

Sa huling bahagi ng video, inamin ng vlogger na naalala niya sa nasabing ice cream vendor si Kuya Joy, ang one-legged man ding tinulungan niya noon at sinurpresa pa ng e-bike.




Source:  The Hungry Syrian Wanderer - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Viral: Ice cream vendor na may isang paa lang, masayang masaya sa natanggap niyang tulong
Viral: Ice cream vendor na may isang paa lang, masayang masaya sa natanggap niyang tulong
Nang tinanong ni Basel kung ano ang nangyari sa paa ng lalaki, sinabi nitong bumukol daw ito noon hanggang sa nadiskubreng isa itong tumor. Kaya upang
https://1.bp.blogspot.com/-GtlxLia4qjc/X4q1tTUq-jI/AAAAAAAARR0/LGbfv6zhNWAH59M04tWe9qBFpMT1cpODACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-GtlxLia4qjc/X4q1tTUq-jI/AAAAAAAARR0/LGbfv6zhNWAH59M04tWe9qBFpMT1cpODACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/10/viral-ice-cream-vendor-na-may-isang-paa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/10/viral-ice-cream-vendor-na-may-isang-paa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy