Source: Jhonroe Yu Cabildo Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng isang lola na nakita umanong namamalimos sa kalye upang may m...
![]() |
Source: Jhonroe Yu Cabildo |
Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng isang lola na nakita umanong namamalimos
sa kalye upang may maipambili ng gamit sa online class ng kanyang apo.
Ayon
sa matanda na kinilala bilang si Laida Gracias ng Barangay 160, Caloocan City,
ulila na ang kanyang apong si Princess Jasmine, 11 taong gulang. Kaya naman
siya na ang nangangalaga rito. Siya na rin ang naghahanap ng paraan upang
makapag-aral pa rin ang kanyang apo, kahit na wala silang pera.
Ibinahagi
ng netizen na si Jhonroe Cabildo ang larawan at kuwento ng lola. Pagsasalaysay
niya, nasa Monumento station daw siya nang mapansin niya ang isang matanda.
Nagtitiis
si Lola Laida sa lansangan at nagbabakasakaling may magbibigay sa kanya ng
kahit kaunting tulong at pera para sa kanyang apo. Nasira daw kasi ang
cellphone ni Jasmine na kanyang tanging gamit sa kanilang online class.
Bukod
sa apo, iniisip din ni Lola Laida ang kanyang asawang may sakit. Kahit na nahihiya
raw na manghingi, wala na raw magagawa ang lola at magmakaawa na lamang sa mga
taong nakasasalubong sa kadahilanang wala naman siyang permanenteng
pinagkikitaan.
Hindi
naman daw sinisisi ng matanda ang mga opisyal ng barangay, kung sakaling hindi
sila matulungan. Dagdag pa ni Lola Laida, hindi naman niya pinipilit ang mga
taong kanyang nilalapitan upang manghingi ng tulong.
Ayon
naman kay Cabildo, sobra siyang naawa sa kalagayan nina Lola Laida kaya
ibinahagi niya ito sa social media. Ito ay para manawagan at makahingi na rin
tulong sa mga taong may magandang kalooban na tulungan ang matanda.
Dagdag pa niya, maliit na halaga lamang ang naibigay niya kay Lola Laida. Umaasa siyang sa pamamagitan ng kanyang post, maraming magbibigay ng tulong sa lola, sa asawa nito, maging sa apo nito na nangangailangan ng gamit para sa online class.
Source: Jhonroe Yu Cabildo
COMMENTS