Matapos ang 20 years, nagulat ang isang babae ng malaman kung sino ang Pulubi na kanyang nakilala sa daan

  Iba-iba ang buhay ng bawat tao – minsan simple, madalas komplikado.            Tulad na lamang ng kuwento ng babaeng nagngangalang Diana. ...

 


Iba-iba ang buhay ng bawat tao – minsan simple, madalas komplikado.

           Tulad na lamang ng kuwento ng babaeng nagngangalang Diana. Sa YouTube channel na “REAL FACTS,” isinalaysay na naghiwalay ang mga magulang ni Diana, kaya naman lumaki siya sa kaniyang ina. Gayunpaman, sinusuportahan pa rin sila ng kaniyang ama at tinutulungan sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa pang-araw-araw nilang gastusin.

           Subalit nagbago ang lahat noong 15 taong gulang na si Diana. Hindi na raw kasi nagparamdam ang kaniyang ama at mula noon ay wala na siyang nabalitaan tungkol sa kaniya.

           Hindi niya raw lubos maisip kung ano ang nagawa niyang mali kaya nagdesisyon ang kaniyang ama na hindi na sila kausapin o muli pang bisitahin. Naudlot na rin daw ang pagtulong niya kina Diana, lalo na sa pinansiyal na aspeto. At dito na nagsimulang harapin ng mag-ina ang hirap ng buhay.

           Naranasan daw nina Diana ang umupa sa mga kabahayan. Minsan ay nakikitira na lamang daw sila sa bahay ng kanilang mga kamag-anak. Sa loob ng maraming taon, naghihintay daw ng tawag si Diana mula sa kaniyang ama. Subalit kahit na ano ay wala pa rin siyang natatanggap mula rito.



           Isa sa mga katangiang nakuha ni Diana sa kaniyang ama ay ang hilig nito sa pagkuha ng litrato. Noon kasi ay dinadala siya nito sa kaniyang studio at doon tinuturuan. Taong 2003 nang pumasok si Diana sa isang public organization kung saan ay kukunan niya ng mga litrato ang mga taong Pulubi para ipaalam sa kinauukulan ang kanilang kalagayan upang mabigyan sila ng matutuluyan.

           Ngunit taong 2013, habang tinitingnan ang mga nakuha niyang larawan sampung taon na ang nakalilipas, napukaw ang atensyon ni Diana sa isang litrato. At laking gulat niya nang mamukhaan at makilala niya ang Palaboy na iyon ay ang kaniyang ama na nawala higit 20 taon na ang nakalilipas.

           Kaya naman agad na nagbalik si Diana sa Honolulu, Hawaii kung saan kinunan ang nasabing litrato. Hinanap niya ang nasabing lalaki. Muntik na siyang mawalan ng pag-asa sapagkat hindi niya na alam kung saang bahagi ng lungsod niya hahanapin ang kaniyang ama. Nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap hanggang isang araw ay tuluyan niya na nga itong nakitang muli.

           Noong una ay hindi niya nakilala si Diana. Mayroon na palang sakit ang kaniyang ama na siyang inilihim naman niya sa matagal na panahon – kinakausap nito ang mga “taong hindi nakikita.” Kaya naman, nagdesisyon si Diana na tulungan ang lalaki. Araw-araw niya itong binibigyan ng tulong subalit lagi ring tumatanggi ang kaniyang ama. Hanggang sa nagdesisyon si Diana na gamitin ang bagay na kumukonekta sa kanilang dalawa – ang pagkuha ng mga larawan.

           Subalit noong Mayo 2014, inatake sa puso ang ama ni Diana. Ngunit agad naman siyang dinala ng kanyang anak sa ospital. Doon ay nanatili siya upang bantayan ang kanyang ama. Nang magkamalay na ang kaniyang ama ay hindi niya alam kung nasaan siya at kung sino ang babaeng kasama niya. Subalit hindi tumigil si Diana sa pag-aalaga sa kaniya; madalas niya rin itong kausapin habang pinapakita ang mga larawan nilang dalawa noong siya ay bata pa.

           Hanggang sa unti-unti nang naalala ng kanyang ama ang alaala nilang dalawa. Patuloy siyang inalagaan ni Diana hanggang sa tuluyan na itong gumaling. Laking tuwa ni Diana dahil sa wakas, makalipas ang ilang taon, nakita niyang muli ang kaniyang ama – buhay na buhay, magaling na mula sa kaniyang sakit, may trabaho na, at higit sa lahat ay muli nilang makakasama.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Matapos ang 20 years, nagulat ang isang babae ng malaman kung sino ang Pulubi na kanyang nakilala sa daan
Matapos ang 20 years, nagulat ang isang babae ng malaman kung sino ang Pulubi na kanyang nakilala sa daan
https://1.bp.blogspot.com/-jtyCMz7y4oM/X6BiNv_TC7I/AAAAAAAARuI/TvQiz8goCnMaSRj9NcgCAqKRXklOnqIBQCNcBGAsYHQ/s16000/20.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-jtyCMz7y4oM/X6BiNv_TC7I/AAAAAAAARuI/TvQiz8goCnMaSRj9NcgCAqKRXklOnqIBQCNcBGAsYHQ/s72-c/20.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/11/matapos-ang-20-years-nagulat-ang-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/11/matapos-ang-20-years-nagulat-ang-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy