Source: Laboratório de Biologia Molecular Ambiental BioMA Maituturing na mapinsala ang mga tahong, sa ilog ng Amazon, kaysa sa mga piranha...
![]() |
Source: Laboratório de Biologia Molecular Ambiental BioMA |
Maituturing
na mapinsala ang mga tahong, sa ilog ng Amazon, kaysa sa mga piranha. Bakit
kaya?
Nagsisilbing
tahanan ang Ilog Amazon para sa mga lamang tubig. Subalit, unti-unti raw itong
nagiging delikado dahil sa mga maliliit na lamang tubig na matatagpuan dito, na
kung tawagin ay tahong.
Nadiskubre
ng mga siyentipiko na ang tahong ay mapinsala sa nasabing ilog. Dahil daw rito,
naaapektuhan umano nito ang iba’t ibang lamang tubig at nagiging dahilan kung
bakit bumabara ang daluyan ng tubig.
Nagiging sanhi rin daw ito ng toxic algal bloom o pagkalat ng mga lumot sa dagat o ilog na nagiging dahilan ng pagkamatay ng samot-saring mga isda.
Kung
patuloy pa rin ang pagdami ng mga tahong, tiyak na nasa malalang kondisyon
ngayon ang ilog ng Amazon.
Ayon
sa Good Times, si Demetrio Boltovsky, na galing sa Unibersidad ng Buenos Aires,
ang nagbibigay ng paalala na ang mga maliliit na tahong ay puwedeng makarating
sa dinadaluyan ng mga tubig sa kabahayan.
Sinabi
naman ni Maulo Rebelo, isang siyentipiko at propesor sa Unibersidad ng Federal,
patuloy raw ang pagdami ng mga tahong, ayon sa kanyang pag-aaral.
May
tatlong dahilan daw kung bakit sila dumarami: dahil sa pagdami ng kanilang
populasyon, sila ay natutulog, at sila’y kumakain. Naniniwala si Rebelo na
hindi solusyon ang paglalagay ng lason sa tubig.
Una
itong natagpuan sa China at noong 1990 ay dumikit ang mga ito sa barko ng
Argentina.
Pahayag naman ng Nature World News, maaaring lumiit ang tiyansa ng pagdami ng mga tahong kung magpapatuloy ang pag-iinspeksiyon at ang pagkuha ng mangingisda rito. Nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang pag-aaral sa mga lamang tubig na ito.
Source: Laboratório de Biologia Molecular Ambiental BioMA
COMMENTS