Nakakaantig ang Kwento ng Lalaking Naglalakad ng 21 Miles araw-araw para lang makapasok sa Trabaho

Source: Tagalog Amazing stories   Sa Detroit sa Lungsod ng Michigan sa Estados Unidos, may isang lalaking nagngangalang James Robertson, 56....

Source: Tagalog Amazing stories
 

Sa Detroit sa Lungsod ng Michigan sa Estados Unidos, may isang lalaking nagngangalang James Robertson, 56. Naglalakad daw siya ng 21 miles (33.7 km) araw-araw upang pumasok sa kaniyang trabaho.

           Maaga siyang gumigising upang maghanda papasok sa kaniyang trabaho. Saka sisimulan ang pagtahak sa daan patungo sa pabrikang kaniyang pinagtatrabahuan na 21 milya ang layo. Sa loob ng 13 taon ay araw-araw niya itong ginagawa.

           Nasanay na rin daw si Robertson sa ginagawa niyang ito. Hindi rin daw naging hadlang sa kaniya ang malayong lakarang ito upang pumasok sa kaniyang trabaho. Ayon nga sa kaniyang amo, ni minsan daw ay hindi siya nahuli o nagkaroon man lamang ng absent. May mga pagkakataon pa nga raw na kahit may sakit si Robertson ay patuloy pa rin daw ito sa pagtatrabaho sapagkat may dedikasyon daw siyang magtrabaho para sa kaniyang pamilya.

Source: Tagalog Amazing stories

           Hanggang isang araw, habang naglalakad si Robertson ay nakita siya ng isang lalaki at inaya itong sumakay papunta sa kaniyang pinagtatrabahuan. At dito na nagsimula ang pagbabago sa buhay ni Robertson.

           Naantig kasi ang lalaki sa kuwento ni Robertson. Lumapit din ang lalaki sa isa niyang kaibigan upang mailathala sa isang artikulo sa isang pahayagan ang istorya ni Robertson; pinamagatan itong “The Detroit Walking Man” noong 2016.

At ilang oras lamang matapos mailathala ang kuwentong ito, naantig din ang estudyanteng si Evan Leedy at kahit na estudyante pa lamang noon, gumawa siya ng paraan upang matulungan si Robertson.

           Gumawa ng webpage si Leedy na “Go Fund Me.” Dito ay ibinahagi niya ang larawan ni Robertson na naglalakad at ang kuwento sa likod ng sakripisyo niyang ito. At ilang oras lamang matapos niyang i-post ito sa nasabing page, bumuhos na ang donasyon at tulong para kay Robertson.

           At mula nga sa donasyong ito, bumili sina Leedy ng isang kotse – na siya namang niregalo nila kay Robertson. Emosyonal na tinanggap ito ng “Detroit Walking Man” at lubos na nagpasalamat sa tulong na ipinagkaloob ng mga taong hindi naman daw niya lubos na kilala.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Nakakaantig ang Kwento ng Lalaking Naglalakad ng 21 Miles araw-araw para lang makapasok sa Trabaho
Nakakaantig ang Kwento ng Lalaking Naglalakad ng 21 Miles araw-araw para lang makapasok sa Trabaho
https://1.bp.blogspot.com/-vGhVa6ePnmA/X52Vm1ThOpI/AAAAAAAARqQ/bz_cm--uUgU9LMiqqFuGAC7OVJpuFNAagCNcBGAsYHQ/s16000/19.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-vGhVa6ePnmA/X52Vm1ThOpI/AAAAAAAARqQ/bz_cm--uUgU9LMiqqFuGAC7OVJpuFNAagCNcBGAsYHQ/s72-c/19.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/11/nakakaantig-ang-kwento-ng-lalaking.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/11/nakakaantig-ang-kwento-ng-lalaking.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy