Napahiya ang Restaurant Manager matapos niyang Palayasin ang Akala nyang Matandang Pulubi

Source:  Tagalog Amazing stories Dito sa mundo, maraming mga tao ang manghuhusga sa kung ano ang katayuan natin sa buhay. At kadalasan, dahi...

Source:  Tagalog Amazing stories

Dito sa mundo, maraming mga tao ang manghuhusga sa kung ano ang katayuan natin sa buhay. At kadalasan, dahil sa maling akala ay nakararamdam tayo ng pagsisisi sa huli.

           Tulad na lamang ng kuwentong ito.

           Isang malamig na umaga, sa isang lugar sa Latin America, patuloy ang pagdagsa ng mga kustomer upang kumain sa isang kilala at mamahaling restaurant.

           Isa sa mga waiter ng restaurant na ito ang 17 taong gulang na si Antonio. Sa murang edad ay siya na ang kumakayod upang masuportahan ang kaniyang pamumuhay kasama ang nakababatang kapatid at inang may sakit. Matapos ang maghapong pagtatrabaho ay siya namang pagpasok ni Antonio sa paaralan. Matayog ang kaniyang pangarap at nais niyang matustusan ang mga gamot ng kaniyang ina.

           Habang masayang nagbibigay ng serbisyo si Antonio sa mga kustomer, dumating naman ang isang matandang babae. Hingal na hingal ito at marumi ang suot na damit. Nilapitan ito ni Antonio subalit ani ng matandang babae, hindi raw siya kukuha ng kaniyang order; humingi rin siya ng pasensiya kay Antonio at sa iba pang mga tao roon dahil sa kaniyang pang-aabala.

           Matapos nito’y biglang lumabas ang manager ng nasabing restaurant at dali-daling sinigawan at pinalabas ang matandang babae. At kahit na malamig sa labas ay tuluyan nang lumabas ang matanda.

Source:  Tagalog Amazing stories

           Nagulat si Antonio sa ginawa ng kaniyang manager. At dahil naawa ito sa matandang babae, hinabol ito ni Antonio at agad na ibinigay ang salaping ipambibili niya sana ng gamot ng kaniyang inang may sakit. Sinabihan ni Antonio ang matanda na ipambili niya ang perang iyon ng kaniyang makakain sapagkat batid daw niyang nagugutom ito kaya siya nagtungo sa restaurant. Nahihiya ring humingi ng pasensya si Antonio sa matandang babae dahil sa ginawa ng kaniyang manager.

           Nagpasalamat naman ang matanda saka sinambit na darating daw ang araw na susuklian niya ang kabutihang ipinakita sa kaniya ni Antonio. Matapos nito’y patuloy na naglakad palayo ang matandang babae.

           Makalipas ang isang linggo, ganoon pa rin ang trabaho ni Antonio – isa pa rin siyang waiter sa nasabing restaurant. Subalit nang umaga ring iyon, dumating ang isang magarang sasakyan at bumaba mula rito ang isang matandang babaeng balot na balot ng alahas ang katawan.

           Lumapit dito si Antonio upang kunin sana ang kaniyang order subalit lumabas din ang kaniyang manager at lumapit din dito. Sinabihan niya si Antonio na siya na lamang ang mag-aasikaso sa mayamang kustomer.

           Iniabot ng manager ang menu ng kanilang restaurant sa matandang babae at sinabi niyang pagsisilbihan daw niya ito. Ngunit tumanggi ang matanda at sinabing hindi raw siya dapat pagsilbihan ng kagaya niyang walang puso. Nagulat naman ang manager. Matapos nito’y nagsimula nang magsalaysay ang matanda.

           Noon daw kasing nakaraang linggo, nabiktima siya ng mga kawatan – nakuha lahat ang kaniyang mga kagamitan. Marumi at hingal na hingal daw siyang pumasok sa restaurant na iyon na siyang pagmamay-ari niya. Ngunit bigla raw siyang sinigawan at pinalabas ng manager na ito.

           Matapos ang paglalahad, sinabi ng matandang babae sa manager na hindi niya raw kailangan ng isang tauhang bumabase lamang sa panlabas na anyo. Humingi naman ng tawad ang nasabing manager.

           Ilang sandali ay tinawag ng matandang babae si Antonio. Sinabi niyang lubos daw siyang humanga sa ginawa ni Antonio sa kaniya noong nakaraang Linggo. At bilang gantimpala, itinalaga ng matandang babae si Antonio bilang bagong manager ng nasabing restaurant.

           Nagsanay agad si Antonio upang maging isang manager. At hindi nga nagtagal ay mas napalago pa niya ito. Nagawa niya na ring tustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Sinikap din ni Antonio na ang lahat ng kaniyang empleyado ay hindi agad bumabase sa panlabas na kaanyuan ng kahit na sino.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Napahiya ang Restaurant Manager matapos niyang Palayasin ang Akala nyang Matandang Pulubi
Napahiya ang Restaurant Manager matapos niyang Palayasin ang Akala nyang Matandang Pulubi
https://1.bp.blogspot.com/-SQL5k80_eyI/X52PpRSHheI/AAAAAAAARp8/rsdchAGXatMBxTeYHwLu9wTgYm3y1wbnwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-31T122326.477.png
https://1.bp.blogspot.com/-SQL5k80_eyI/X52PpRSHheI/AAAAAAAARp8/rsdchAGXatMBxTeYHwLu9wTgYm3y1wbnwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-10-31T122326.477.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/11/napahiya-ang-restaurant-manager-matapos.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/11/napahiya-ang-restaurant-manager-matapos.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy